Chapter 45

109 3 2
                                    

Nakatanga parin ako habang nakatitig sa perpektong mukha ni Zild Lancaster. Masasabi ko talagang napaka swerte ng mapapangasawa niya, dahil gigising araw-araw para masilayan lang ang napaka gwapo niyang mukha. That face could be a happy pill. Pag yan pa lang ang makita mo sa umaga ay sasaya ka na talaga.



"Sa inyo ba 'to? Diba Lancaster ka?" Napapa isip kasi ako, eh. This is Mercedez-L Hospital and not Lancaster---



"Mercedez-Lancaster Hospital is the name." Sabay kindat niya sa akin na may halong seryoso at paglalaro. He's stuck between the two. Yung tingin niya kasi seryoso, pero mukha namang playful.




Maiintindihan mo lang kung ikaw mismo ang nasa harapan niya. "Ba't ka andito?"  I mean, sa harapan ko. "What I mean is, why are you talking to me right now?" Naguguluhan kong tanong.






"You're Melisse Anicka Lofranco, right? Draven Eliser Levesque's cousin?" Napatango-tango naman ako. "That's why I'm talking to you." Sabay ngiti niya sa akin. Napatingin ako sa kanyang pagmumukha habang nakatingin siya. Hindi ko kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko. Naguguluhan na ako.




Yung utak ko parang nilagyan ng pile-pile na tatrabahuin. Hindi ko kaya!




"Hoy! Saan mo ako dadalhin?!" Nabigla kong tanong nang bigla niya nalang akong hilahin habang hawak ako sa may palapulsuhan ko.






"Sa lugar kung saan papasayahin kita." He answered.



Saan namang lupalop nakalagay ang lugar na 'yan? Baka nga hindi nag e-exist!




He opened a door and entered with me. Naka kita ako ng mga lockers at may binuksan naman siyang isa doon. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang maghubad ng doctor's coat at sunod-sunod na in-unbutton ang mga butones ng kanyang longsleeves white polo. "W-What are you doing, Zild?" Nabigla kong tanong.




"Tss! Hindi ka ba sanay sa mga ganito?!" He asked. Napaiwas ako ng tingin ng makita ko ang mukhang matitigas niyang abs sa kanyang tiyan at ang pesteng v-line. Napaka big deal talaga sa akin niyan.





I heard him chuckle when I turned around to not see him in his state right now.


He is fucking stripping right in front of me.




Walangya!




Hindi lang pala pagmumukha ang perpekto sa kanya, pati 'yong katawan.




Naramdaman ko nalang ang mga kamay na nakahawak sa aking balikat na siyang nagpapihit sa akin paharap.




Sumalubong sa akin ang mabango niyang perfume na mukhang dumidikit talaga parati sa kanya. "What?!" Naiinis kong tanong.



"Let's go!" He said then smirked at me. Hinawakan niya na naman ako sa may palapulsuhan at hinila na ako palabas ng locker room.



Pagkalabas namin ng locker room ay may nakasalubong pa kaming doktor na lalake at napa tigil siya sa paglalakad para tingnan ako. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin na may pagkakahawig sila nitong kasama ko. My jaw dropped when he smirked and just like Zild earlier, naka unbutton din ang first three buttons ng kanyang light pink na longsleeves polo. Magkamukha talaga sila ni Zild! Hinila ako ni Zild, pero hindi ako nagpahila. Sa pangatlong pagkakataon ay tuluyan na akong nahila ni Zild.






"Hey, Zild! Who's with you? She just passed my taste!" Sigaw nito.


Nakalayo na kami ni Zild at hindi naman masyadong mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko. "kapatid mo?" Mangha kong tanong.




In The DarkWhere stories live. Discover now