Chapter 9

129 6 8
                                    

Halos sumabog ang loob ng bar ng biglang i-play ang nakakabinging music na siyang paborito ko. I looked up just to see the DJ winking at me. I smiled at him before doing my steps. Lumapit ang bakla na si Avia sa akin at kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. "It's good to hear from you na mag bar tayo! Oh, my gosh! Nakalabas din ako na kasama ka!" Masaya niyang sabi. Yes, people! Ceasefire na kaming dalawa ni Avia. Madali naman kasi kaming magka ayos.

"You're over acting, Avia! Lumalabas kaya tayo noon pa!" I shouted to make sure that he can hear whatever I say.

"I know, gaga! What I mean is simula nung makabalik ako galing Paris, ngayon lang ulit tayo nagkasama sa bar! Hahaha! I thought you're gonna spend your time sa opisina niyo!" Natatawa niyang wika.

I can't stop myself from rolling my eyes. "I'm not that boring. Duh! I'm still the life of the party, Avia!" Sigaw ko.

He nodded excitedly. "I missed you kahit ilang araw ka pa lang naman na nagbu-busy busyhan diyan sa company ng mommy mo!" Tatawa-tawa niyang sabi at iniwan na ako dito sa center ng dancefloor. Kung nasaan ang puso ng isang bar. It'll always be the center of the dancefloor.

"Lofranco rockiiiiiing!" I raised my hand and did the rock sign using my fingers. Parang sumabog na naman ang panibagong music.

Sumayaw ako ng pababa ng pababa habang kung saan-saan nalang napupunta ang kamay ko sa aking katawan. I heard the guys whistled and I can't help but to smile. Some of the guys here in the dancefloor are starting to dance with me. Masaya. Sobrang saya. Lalo na pag ikaw ang buhay ng mga party. Lalo na pag ikaw ang center nila. Yung parang ikaw ang pag-asa para mas sumaya ang isang party.

Napadpad ang paningin ko sa isang sofa kung saan nakita ko si Brett kasama ang kanyang mga kaibigan. He's looking at me intently. Hindi ko alam kung ba't apektado ako sa mga tingin niyang para bang galit.

I need to have my revenge! Hindi pwedeng ako lang yung nasaktan. Well, paano ko ba magagawa yon, eh hindi ko din naman siya mapapa selos, dahil wala nga lang ako sa buhay niya,dba? Hindi niya ako kilala. Bahala siya sa buhay niya. I saw one of his friends tapped his shoulder. Lumapit siya ng bahagya sa mukhang fil-am niyang kaibigan at may binulong ito sa kanya habang nasa akin ang paningin nila. I raised a brow atsaka ko iniwas ang paningin sa kanila. Are they talking about me? Whatever! Assumera ko talaga. Isang lalake na lumapit sa akin ang humigit sa baywang ko at hinalikan ako sa labi. Napatingkayad ako saka ko ipinulupot ang aking mga kamay sa leeg niya at siniil din siya ng maiinit na halik. We both heard our moans and then the music boomed again. "A guy kissing Lofranco?! Whoooooo! Swerte!" Sigaw ng DJ na nasa itaas at pabiro kong itinaas ang aking kamay at nag thumbs up habang patuloy ang paghahalikan namin nitong gwapong lalake.

Bumaba ang hawak niya sa may hita ko at napangisi nalang ako. Iniwas ko na ang labi ko sa kanya at binulungan siya. "You're a bit fast, huh." At napahalakhak ako pagkatapos kong ibulong iyon.

He attacked my lips again and I give in! Masarap, ah! Ang galing ng guy na 'to, para bang maraming experience pagdating sa mga ganito. A guy handed me a shot glass full of tequila and I gladly get it from him. Iniwas ko ulit ang aking labi sa lalakeng kahalikan ko atsaka nilagok ang tequila. Damn it! Nagsisimula ng mag init ang leeg ko pababa sa aking katawan. Pang-ilang shots ko na 'to at paniguradong magkikita na naman kami ng inodoro ko bukas.


Hinigit ko ulit ang lalake at ramdam ko ang pag ngiti niya habang hinahalikan ko siya. He licked the side of my lips. "You're really hot, Lofranco!" He whispered and I winked at him.

"Of course! Hotter than the girl named Georgia!" I shouted.

Napatango-tango naman ang lalake at para bang nakita niya na iyong walanghiyang si Georgia. "I don't know her, but I'll agree with you!" At naghalikan nalang ulit kami. Nasa kalagitnaan kami ng paghahalikan ng may marahas na humigit sa aking braso. "What the fuck, dude!?" Galit na sigaw nung lalakeng kahalikan ko sa taong humigit sa braso ko.


Nagpadala nalang ako sa kumakaladkad sa akin at nang makarating kami sa labas ng bar at sa harapan ng isang pamilyar na sasakyan ay napasapo ako sa aking ulo. Napasandal ako sa may dingding saka napayuko ng masuka ako. "Ugh! My head hurts," reklamo ko saka nagpatuloy sa pagsuka.

"Yan ang napapala ng mga babaeng lasinggera!" A familiar voice said through gritted teeth.

"Pakealamero ka, noh?!" Galit kong sigaw at saka itinaas ang suot kong crop top at pinunasan ang labi ko.

I heard him cussed like something's frustrating him. "Damn it! Put your top down!" Sabay hawak niya sa kamay ko na nakahawak sa aking top. Ibinaba niya ito saka inayos ang buhok kong nakatakip ng bahagya sa aking mukha.


"Why? Is there something wrong, Brett?" Mapanuya kong tanong sa kanya at narinig ko naman ang mabigat niyang paghinga. Grabe! Para naman siyang hinabol ng madaming aso sa lagay niya. Nakita ko ang pag pikit ng kanyang mga mata at para bang kinakausap niya ang sarili niya sa kanyang utak.

I'm enjoying this one.

"Shut up, Lofranco." He hissed.

Napanguso nalang ako lalo na nung hinila na niya ako papasok ng kanyang sasakyan. Sumunod nalang ako at wala ako sa mood na makipag-away ngayon. What happened earlier is enough. Masyado ng masakit ang puso ko at wala pa akong balak na dagdagan ito ngayon. Talking to him or confronting him can trigger our fight earlier.


"You love calling me by my last name, huh? I noticed." Nakangisi kong sabi ng isakay niya na ako sa may front seat. Eto naman, mukha naman akong disabled person sa ginagawa niya. Well, mas clumsy pa naman pala ako pag lasing.

"I said, shut up!" Nanahimik nalang ako at ayaw ko na siyang i-trigger. Bahala nga siya sa buhay niya!

"Ba't andito ka sa bar? Naku! Baka hinahanap ka na nung Georgia mo. Do you know that I'm hotter than her? Atsaka, mas maganda ako don sa close friend mo." I emphasized the two words.

Hindi niya ako pinansin at padabog niyang sinara ang pintuan. Napanguso nalang ulit ako saka hinintay siyang pumasok dito sa loob ng sasakyan niya. Tiningnan ko nalang siya habang may kinukuha siya sa may likuran ng kanyang sasakyan. Nang makita ko ang isang kulay abo na malaking t-shirt ay napataas ang isa kong kilay. "Wear this." He commanded.

Mas lalong napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Gustong-gusto mo talaga na pagbihisin ako dito sa sasakyan mo, noh?" Natameme siya sandali sa sinabi ko kaya napanguso ako. "Got ya! Hahahaha!" I laughed so hard. "Ikaw naman, okay lang naman sa akin." Nanunuya kong sabi.


"Just wear my shirt." He commanded again.

"Okay, Sir." Mapanuya ko paring sagot atsaka dahan-dahang hinubad ang aking top. Sinadya ko talaga para naman entertaining. Tiningnan ko siya at mabibigat ang tingin niya sa akin at para bang alam niya ang ginagawa ko.

"Faster, Lofranco! Wear that damn thing!" Sabay kuha niya sa t-shirt at inilahad sa akin. Ilang segundo niyang hawak ay hindi ko parin kinuha kaya nakunot ang kanyang noo. "You're really hard-headed!" Bulyaw niya at nabigla nalang ako ng hapitin niya ako sa may baywang at napalapit ako sa kanya. Halos ramdam ko na ang panunuyo ng aking lalamunan kaya hindi ko na alam ang gagawin.


"Oh, my ghad!" Hindi makapaniwala kong sambit.

He stared at me intently as he dressed me up.

Nakaramdam din naman ako ng hiya ng lumabas galing sa aking bibig ang isang ungol.

"Done." I can still feel his fingers brushing on my skin. Ano bang ginagawa niya sa akin?!

Napakurap-kurap ako ng mapansin na sobrang tagal na nang pagtitigan naming dalawa kaya napaiwas agad ako ng tingin. Umayos na ako ng upo at napahawak sa aking dibdib.

"Ihatid mo nalang ako sa bahay." Mababa ang boses kong sabi na agad din naman niyang sinunod.









- - -
CHAPTER 9

In The DarkWhere stories live. Discover now