Chapter 50

159 4 0
                                    

Nakangiti si Ana habang pinapananuod akong excited at masayang tinitingnan ang mga designs ng wedding gowns. "Gosh! Ang ganda-ganda mo talaga, Melisse." She told me kaya napangiti ako sa kanya.


"Thank you!" Hindi parin maiwala sa pagmumukha ko ang saya. Bakas na bakas sa aking pagmumukha kung gaano ako kasaya at kung gaano ako ka excited. Matagal pa naman ang wedding. Mga three months pa ang hihintayin, pero pakiramdam ko ay napakalapit na talaga nito.




"Mukhang gusto mo na atang makasal ngayon, noh." She commented.


Napangisi naman ako. "I've been waiting for this, Ana!" Remember, Ana? Siya 'yong  designer ni Draven Eliser. "I've been fangirling him during his games sa basketball and I've been a great stalker for the past years. Now, I'll be his future wife!" Excited kong sabi at pakiramdam ko ay ang saya ko talaga.




"Ahhh.." naisambit ni Ana na para bang nagustuhan niya ang sinabi ko. Nagkangitian kami atsaka niya inilahad ang kanyang kamay kaya agad kong binigay sa kanya ang sketchpad. "Actually, pwede ka namang mamili na dito at gagawin ko agad. I'll make this wedding gown my priority. I want you to be the most beautiful bride!" She said dreamily and I can't stop myself from hugging her. Tight.






"Thank you talaga, Ana! You're such a blessing!" Masaya kong sabi.






"Yiiiiiie! Nae-excite na rin ako para sayo, eh! Why do you have to be so perfect?! Gusto kong maiyak. Ang gandang bride mo lang! Sa lahat ng naging kliyente ko na mga soon-to-be-bride, ikaw 'yong napakaganda. Anything would fit for you." She winked at me and I giggled.







"Hindi ko alam kung nambobola ka o gusto mong taasan ko ang ibibigay kong bayad sayo." I jokingly said to her.





Sinamaan niya naman ako ng tingin at napatawa sa akin. "Hindi. Wala pa talaga akong nasasabihang soon-to-be-bride na sila ang pinakamaganda!" She informed me. Napangisi nalang ako.





Gusto ko talaga itong si Ana. Napakasarap kasama. Hindi ka mabo-bore, eh.







"Sige na nga. Maniniwala nalang ako." Nakangisi kong sabi at inirapan niya lang ako sa pabirong paraan.





Nagpatuloy ako sa paghahanap ng magandang design at gumawa pa ng bagong designs si Ana para mas marami ang pagpipilian ko. "O? Anyare sayo? Kunot na kunot ang noo?" Biglang dumating ang pinsan kong si Draven at hinaplos niya ang naka kunot kong noo kaya napanguso nalang ako.






"Si Ana kasi...nag design na naman siya ng mga gowns." Reklamo ko.






"Ano namang meron?" Kunot-noong tanong ni Ana sa akin.




"Ang hirap kaya mamili. Alam mo naman sigurong ang galing mo mag design. Kung pwede lang suotin ko lahat ng designs na ito, eh." Totoo naman kasi, eh. Ang ganda talaga ng mga designs.




Mapapanganga ka talaga.




"Don't worry! Isa kaya si Brett Sanford sa Top 10 ng napakayaman. Ke bago-bago ko lang dumaan sa magazines ng Forbes." Sabay taas-baba pa niya sa kanyang mga kilay kaya hindi ko mapigilan ang mapairap.






"At nasa top three pa ang Lofranco's company!" Pagmamalaki ni Draven Eliser.





"Oh! Hindi ka na dapat magtipid pa, Melisse! Diba, Eliser?" Pangungumbinsi ng mga loko sa akin.






In The DarkWhere stories live. Discover now