Chapter 36

109 2 0
                                    

Nagpaalam ako kay Ria at balak kong kumain ng aking lunch sa labas ng building. Gusto kong mapag-isa at sana naman wala akong kakilala na makikita. Gusto ko lang talaga ng oras muna para sa sarili ko. Pumasok na agad ako sa lift at pinindot ang ground floor nito. Pagkarating ko sa ground floor ay panay ang natatanggap kong bati galing sa mga empleyado namin. Tinatanguan ko nalang sila na may kasamang ngiti na hindi naman umaabot sa tenga. Nawalan lang talaga ako ng pasensya ngayon at mukhang naubos ni Brett kanina.




Pagkalabas ko sa mismong building ay naglakad nalang ako sa kaharap na daanan at dumaan ako sa may pedestrian lane. Nang tagumpay akong tumawid sa kabilang daanan ay dumeretso ako sa isang carenderia. Nasa labas pa lang ako ay napapatingin na sa akin ang mga taong kumakain. Nakasuot lang ako ng pantalon at ti-nuck in ko ang suot kong longsleeves na kulay maroon na nilagyan ko rin ng puting blazer na longsleeves din. Kitang-kita sa may waist ko ang kulay gintong belt na suot para sa aking pantalon. Nakilala naman ako ng ibang trabahador kaya panay ang bati nila sa akin.




May nakaka kilala nga pa rin talaga sa akin. Naupo ako sa may pinakatagong mesa, para maka iwas naman ako sa iba pang nakaka kilala sa akin. Gusto kong mapag-isip.




"Ano pong order niyo, miss?" Tanong ng isang babae sa akin na mukhang nasa edad pa na 19 or 20. Mas matanda ako sa kanya. Masyadong inosente ang mukha niya kaya hindi ko alam pero napangiti nalang ako.





"Ako yung pipili don, dba?" Tanong ko sa kanya habang nginunguso ko ang nakahilerang pagkain na naka display.



Nakangiti siyang tumango.
"Opo. Pero...special ka pong customer kaya kinukuha ko po ang order niyo." Nakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya.




"Ba't mo naman nasabi?" Kuryoso kong tanong.


She smiled at me with that sweet and innocent expression in her eyes.



"Si Mr. Pogi po kasi..." bahagya niyang tinuro ang isang lalake...si Cole. Ghad! Hindi nga talaga ako makakapag-isip nito.



"Ahhh..." hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin. "I-serve mo nalang sa akin ang the best niyong pagkain dito." Agad naman iyong sinunod ng babae at umalis na sa harapan ko. Napatingin ulit ako kay Cole at nakita ko naman siyang kumaway.



What to do?

Papansinin ko ba?

Paano?



Nakita kong kasama niya ang ibang trabahador na kumakain na siya ring bumati sa akin kanina. Sinundan ba ko ni Cole papunta dito? Hindi ko naman kasi siya nakita nung sulyapan ko ang mga trabahador na bumati sa akin kanina.




Kinunutan ko ng aking noo si Cole saka ko siya kinamayan at pinakita ko sa kanyang lumapit siya dito sa kinauupuan ko. Agad namang gumuhit ang napakalaking ngiti sa kanyang pagmumukha. Agad siyang tumayo at nagpaalam sa mga kasama niyang trabahador at doon na lumapit sa akin. "Anicka..." tawag niya sa pangalan ko nang magkaharap na kami.





Tinitigan ko muna siya bago ako napatikhim. "Are you following me?" I asked with my stern voice.




Para akong isang mother na pinapagalitan ang anak niyang lumabas sa bahay.




Walang pagdadalawang-isip naman siyang tumango. Oh, my ghad! Hindi niya parin talaga naitatago ang mga dapat ay sikreto muna. Binubulgar niya ang sarili niya, eh. Masyadong honest. Doon lang ata nagka problema sa parte kung nasaan si Blessica.




In The DarkWhere stories live. Discover now