Chapter 6

167 11 8
                                    

Naglibot-libot kami sa buong planta at nung panahon na para mag lunch ang mga workers ay doon niya lang pina gather lahat ng tao na agad naman nilang sinunod.

Napapatingin talaga sila sa akin at alam kong hindi nila ako kilala. Malamang. Eh halos bahay at bar lang naman kasi ang destinasyon ko. "Good noon, everyone! I am with Miss Melisse Anicka Lofranco. The heiress of Lofranco's. If she's going to pass my standards, then she'll be the next President." Seryosong sabi ni Brett sa kanila at hindi ko napigilang tapikan siya sa may likuran ng kanyang balikat.

He turned around to look at me using his blank face.

I frowned.

"What did you just say?" I asked him with one of my brows raised.

"Ano nga pong sinabi ko sa inyo?" Malakas ang boses na tanong ni Brett sa mga workers na nakapaligid sa amin.

Damn this guy.

"Are you nuts?" Inis kong tanong dahil sa ginawa niya.

"I want a volunteer to do what I want him to do. I want a volunteer to tell Ms. Lofranco what I've said earlier." Malakas parin ng boses niyang sabi sa mga workers. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinurot ko ang tagiliran niya. He flinched, but didn't show any reaction in his face.

Para bang normal lang ang makurot sa tagiliran para sa kanya. Crazy!

"Walanghiya ka talaga!" I hissed. "Listen, everyone! This man standing here doesn't need any volunteer. Sige po! Kumain na po kayo ng lunch niyo." Sabay ngiti ko sa kanilang lahat at agad naman nilang sinunod ang sinabi ko. Mabuti naman. Akala ko ay hindi nila ako susundin dahil hindi ako ang nakikita nila dito parati.

Umalis na ako sa loob ng planta at iniwan kong nakatayo si Brett ma mukhang tanga. Baka hindi naka get over sa sinabi ko. Pero...hindi naman siya ganun. Hindi siya ang taong may pagka tanga.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan ng hindi ko ito mabuksan. Leche! Pinilit ko itong buksan, pero ayaw talaga. Naiinis ko itong binubuksan ulit at nang biglang tumunog ang sasakyan ni Brett ay napatalon ako at napalayo dito. My ghad! Marahas akong napatingin sa lalakeng nasa may likuran ko. "What?" He snapped at me.

So siya pa ang may ganang mag galit-galitan? Ganun? "Sa susunod, huwag mo naman akong biglain." Mataray kong sabi at naiinis na binuksan ang pinto at pumasok na sa loob. Padabog ko itong sinara at nakita ko naman sa labas si Brett na napataas ang kilay at mukhang napabuntong-hininga. Iniisip niya talaga siguro na mukha akong bata. Hmp!

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at pumuwesto na siya sa may driver's seat. Halos hindi na ako makapagsalita ng hubarin ni Brett ang black suit niya at nanatili sa katawan niya ang kanyang puting polo na longsleeves. Ah! Andito na naman tayo sa mga ganito. He unbuttoned three of his polo's button and I can see his chest from my peripheral vision. Damn that view!

"Stop staring." Sabi niya. Huh? Eh hindi naman ako bulgar na tumitingin, ah!

"Anong staring sinasabi mo diyan?! Baliw ka ba? Feelingero!" Inis kong sabi sa kanya at napailing-iling nalang siya.

"We're going to the main mall now and you're going to check everything there." Mag re-react na sana ako ng magkatinginan kaming dalawa. "I'll be watching you." And it sent chills down my spine. What the heck naman talaga! Siya lang nakakagawa sa akin nito. You know, I've been into clubs in America and I made out with every guy I see there especially when I'm drunk, thinking that it's Brett. Alam mo yung hanggang imagination mo nalang nahahalikan 'yong long time love mo na halos hindi ka pansin.

Tingnan mo nga naman ngayon, pansin na pansin na niya ako. Nagakakalapit pa nga kami. Eh kanina nga halos hindi na magpakita ang dila ko at ayaw nang magsalita. Grabe naman talaga. Yung palad niya para bang napapasunod ako atsaka nagkadikit talaga sa skin ko 'yong palad niya kaya kunti nalang ay mababaliw na talaga ako kanina. Ano pa kaya ngayon na kitang-kita ko ang kanyang dibdib.

Kahit anong iwas ko ay mukhang naman itong araw at sumisinag talaga kaya napipilitan akong tingnan. "So, magche-check lang ako don?" Inis kong tanong. I saw him nodded while starting the car's engine.

My gaze diverted on his arms that are now flexing while placing his hands over the steering wheel. Oh, my ghad! What am I gonna do now? If only I have my DSLR right now, I would capture this view. A very wonderful view. "You'll check the mall, miss, not me." Napataas ang isang kilay ko at nang magkatinginan kami ay bigla akong nahiya. Baka naglaway pa ako kanina, ah! Naku naman! Sana naman hindi. Baka tuluyan na siyang ma-disappoint sa akin at hindi na talaga siya lalapit.

Control, Mel! Huwag kang masyadong magpadala sa mga ganyan. "Ikaw, feeling ka!" Panimula ko. "Malay mo 'yong sa labas ang tinitingnan ko." Napatingin nalang ako sa labas at tiningnan ulit ang mga nadadaanan naming mga buildings.

"Defensive." Mahina niyang sabi kaya napairap nalang ako.

Ayoko ng makipag talo sa kanya. Hindi pa nga kami mag-asawa ay magtatalo na kami? Hindi naman ata pwede 'yon. We shouldn't live a toxic relationship just like my parents. Very toxic.

I don't know. Napansin ko nalang talaga na habang lumalaki ako at nasa puder nila ako ay nasasanay na ako sa mga bangayan nila. Of course, sisimulan siya ni mommy parati. She would always pick a fight. Start a fight with Dad. Hindi ko alam kung anong pinagmulan niyan. Hindi ko alam kung may tinatagong galit na itong si Mommy kay Daddy. Bakit ngayon lang? Ewan ko ba. I don't want to think about it.

He parked the car in front of the mall at lumabas na agad ako at hindi na siya hinintay na pagbuksan ako. I'm wearing a pants and a shirt right now and it's owned by his sister. Oo nga pala. Sa pagiging stalker ko ay nalaman ko din naman ang ibang detalye tungkol sa kanya. I'm so proud of myself.

"Bibilhan ko nalang ng pampalit na bagong damit si Blessica." Sabi ko kay Brett na ikinataas ng kanyang kilay. Suplado!

"Hindi niya kailangan yan." Matigas niyang sabi. Para namang naapakan ko ang pride niya. Hindi ba pwedeng bilhan ng damit si Blessica? Ikakamatay ba niya pag bibilhan ko ang kapatid niya? "In fact, her closet looks like a master bedroom." My jaw dropped.

What?

Well, ba't pa ako mabibigla? They're one of the richest family in this world. Top what?! Five? Four? They're multi billionaires. Pang ilan kami? Ewan. Sumusunod lang naman ata kami sa yapak ng mga Sanford. They are really rich. Kaya siguro out of reach itong Brett ko. Opo. Nagjo-joke po ako. HA HA HA.

Well, I think I need my self support. Kaya tatawanan ko na din ang sarili kong joke.

Binigay niya ang kanyang susi sa isa atang worker dito sa main mall at agad namang pumasok iyong lalake sa loob ng kanyang sasakyan. Valet lang? Pati ba naman dito sa mall ay may pa ganyan-ganyan effect siya? "Can you tell me more about your sister?" I asked him.

Para naman hindi sayang ang pagsama-sama ko dito kay Brett.

Atsaka alam ko namang ipapakilala niya din ako sa mga Sanford balang araw. Whooo! Nae-excite na ako! Assumera na kung assumera, pero napaka posible nun dahil magkalapit na kami. Heto na siya, oh! Abot kamay ko na! "Why?" Malamig niyang tanong.

Hindi talaga siya 'yong tipo ng lalake na madaling pagsalitain. Para bang pag may tanong ka sa kanya ay sasagutin ka naman niya ng isang tanong. It'll make someone nervous. Feeling mo kasi isa kang kriminal at binabaliktad mo ang istorya, pero 'yong dinidiin mo ay mas mautak pa sa iyo at iyon si Bret. Sa pagdidiin mo sa kanya na siya ang may kasalanan ay mukhang ikaw din naman ang madidiin sa huli.

Gets?

"I just want to know?" Patanong kong sagot at tiningnan niya naman ako gamit ulit ang mga seryoso niyang mga mata. Andito na kami sa loob ng mall at tumigil pa talaga siya sa paglalakad para lang tingnan ako ng mabuti.

"Only my future wife can ask about my family and about me." Lumapit siya sa akin at naamoy ko na naman ang nakakahalina niyang perfume. Hindi ko alam na pati perfume marunong ng manlandi.

"Hmmm...malay mo..ako pala yung future wife mo." Walang hiya kong sabi sa kanya at seryoso parin naman siyang tumitingin sa akin. He didn't laugh at me. Syempre. He never laugh. He never smile.

Napapikit ako ng hawiin niya iyong buhok ko na tumatakip na sa may mukha ko at inilagay niya sa may likod ng aking tenga. "Let's see, Ms. Lofranco. Let's see." Mahina niyang bulong sa aking tenga at I swear, napigil ang hininga ko dahil sa ginawa niya!







- - -
CHAPTER 6

In The DarkWhere stories live. Discover now