Chapter 43

118 3 0
                                    

"Wow, miss! Blooming kayo, ah!" Oh, my ghad! Talaga ba? Eh narinig ko rin kasi sa mga kasambahay ko kanina tapos ngayon ay narinig ko naman mula kay Ria. Gusto kong ma-flatter, pero naisip ko na huwag muna.

"Sure ka ba diyan?" Natatawa kong tanong.

"Sobrang sure, miss!" Nakangiti niyang sagot.



"Kulang ba sahod na binibigay ko sayo?" I jokingly asked.


Baka kasi kulang din ang sweldo na ibinibigay ko sa mga kasambahay ko kaya niloloko nila ako. "Grabe ka naman, miss! Hahaha! Totoo naman po kasi ang sinasabi ko." Napailing-iling nalang ako sa sinabi ni Ria at agad na umupo ng maayos sa aking swivel chair.


"Bahala ka nga. Ipagtimpla mo naman ako ng juice, Ria." Agad naman akong tinanguan ni Ria at napangiti nalang ako habang sinusundan ko siya ng tingin.



Ilang araw na din ang dumaan nang matapos ang team building namin at gigil na gigil talaga ako kay Georgia. Hindi ko mapigilan, eh. Sinilip ko nalang sila habang tinuturuan siya ni Brett na mag jetski. Alam mo yung feeling na alam mong sayo dapat ang lalakeng yun. I can imagine Brett's buddy poking on Georgia's butt that time. Hindi ko talaga naka usap si Sean pagkatapos non. May araw din sa akin yung Georgia'ang yun. Kakalbuhin ko talaga siya. Nakaka stress.




Nabigla ako ng pumasok si Ria at may maraming dala na paper bags. "Miss, para sayo!" Nakangisi niyang sabi saka nilapag sa mesa ko ang mga paper bags. Mukhang tatlong paper bags 'to.



"Saan 'to galing, Ria? Wala naman kasi akong naaalala na nagpa deliver ako ng pagkain." Iiling-iling kong sabi.




"Wait lang, miss, ah. May nagpapabigay po kasi niyan---nasa dulo lang po talaga ng dila ko ang pangalan niya..." she trailed off.



"Share nalang tayo, Ri--" hindi ako nakatapos sa pagsasalita ng bigla niyang banggitin ang pangalan ng isang tao.



"Dr. Zild Lancaster, Miss!" Hindi ko napigilan ang mapangiti ng marinig ko ang pangalan niya. It's been a long time for me. Hindi na kasi siya nagpapakita at mukhang masyado nga talaga siyang busy sa trabaho niya. Who can blame him? No one. Isa naman kasi siyang masipag at gwapong doktor.



"Ngayon lang ba ito naipadala?" Kuryoso kong tanong kay Ria.



Tumango naman siya. "Kapatid po ni Dr. Zild ang nagdala niyan, miss. Pero ang sabi galing po daw talaga kay Dr. Zild." kinikilig na pag i-inform sa akin ni Ria. Mukhang trip niya si Zild.




"Anong pangalan nung kapatid?" I asked her.

"Sinabi lang po sa guard na kapatid siya ni Dr. Zild at siya ang pinadala." Sagot ni Ria sa akin.



Napatango-tango nalang ako saka kinuha ang isa sa mga paper bags. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung ise-share ko pa ba kay Ria ng makita kong stainless ito na mga lunch box.



Don't tell me...

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang lalakeng nagpahatid nito. "Dr. Zild speaking..." he answered. Mukhang hindi niya tiningnan ang caller's ID.


"Nagluluto ka?" Shock ko paring tanong. Ang pagkaka kilala ko kasi sa mga doktor ay masyado silang busy at wala silang oras para sa mga ganito, kaya nabigla talaga ako ng makitang mga niluto 'to sa bahay.


"Is it a big deal, honey?" He asked in a manly way. Boses pa lang pwede ng ulam, eh.


"Yes! Wait..." I opened the first lunch box and saw the chicken curry. I tasted it and...damn it. "It's fucking delicious, Zild!" Mangha kong sabi.




In The DarkWhere stories live. Discover now