Chapter 13

126 5 0
                                    

Madali lang akong nakarating dito sa restaurant na katabi lang ng building namin, dahil ang lapit lang naman talaga. Alangan namang gagamit pa ako ng sasakyan, eh hindi naman kailangan. "Good noon, miss! Is there a reservation for you?" One of the restaurant's crew asked me.

Napalibot ang aking paningin sa buong restaurant at hindi ko nakita si Brett. Baka nasa V.I.P room ang restau. "Sanford." Nang sabihin ko ang apilyedo ni Brett ay aga namang napatango-tango ang lalakeng waiter at iginiya ako papasok sa isa pang pintuan.

"May kasama pa po pala si Sir." Sabi ng waiter na ikina kunot ng aking noo.

"Huh?" Nagtataka kong tanong sa lalakeng waiter.

Hindi niya ata narinig ang naguguluhan kong tanong dahil nagpatuloy lang siya sa pag giya sa akin sa kung saan man naroon si Brett.

"Andito na po tayo, miss." Agad kong nakita si Brett at may kausap siyang babae na nakatalikod sa amin ng waiter. Pamilyar ito kaya napakunot ang noo ko. Sino naman kaya 'to?

"Thank you," sabi ko nalang at agad naglakad patungo sa pwesto ng dalawa. Hindi ko napigilan ang sarili kong mag selos lalo na at nakita kong ngumiti si Brett sa kanya. Ewan ko ba. I want to appreciate the way he smile, but I don't want to. Ang complicated ko din kasing mag-isip. Nagseselos ako dahil hindi ko man lang siya napapangiti ng ganyan. Nagseselos ako dahil parang tumatawa ba siya. Is it so easy for this girl to make Brett Sanford smile and laugh? Ba't parang hindi ko kaya iyan? Napaatras ako at nagbabalak na sanang umalis ng bigla akong makabunggo ng tao na nasa aking likuran pala. "Oh, my ghad!" Hindi ko tuloy napigilan ang pagtaas ng aking boses at naagaw non ang atensyon ng mga taong malapit lang sa amin. Yes. I also caught Brett and the girl's attention---si Georgia. Hmmm. They're really close nga talaga.

"Oh, you bumped into Cole Sprouse again." Agad akong napatingin sa lalakeng sumalo sa akin dahil nawalan din ako ng balanse. The fuck, I'm wearing my high heels kaya mabilis akong mawalan ng balanse.

"Crazy!" I mumbled. Inayos ko ang pagkakatayo ko at tinulungan pa ako nitong si Cole Gomez.

"You didn't tell me that your clumsy, Anicka." Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko ng marinig kong tinawag niya ako sa second name ko. It's been years---simula nung huli akong matawag ng isang tao na Anicka and it's my grandfather who loved me dearly. Sad. Kasi wala na siya. He's already dead.

"Don't want to give you all the details about me, Cole." I sarcastically answered. His lips formed into a smirk and I can't help but to appreciate it. Damn. I'm ogling. Fucking ogling.


"Lofranco!" I heard a serious voice from my back.

It suddenly sent some shivers down my spine. Without hesitation, I decided to pull Cole closer to me. Agad ko siyang hinila palabas at hindi pinansin ang mga taong nakatingin sa amin. Hindi ko naman narinig na tinawag ako ulit ni Brett. Syempre. Ba't niya pa ako tatawagin, eh andun naman sa harap niya ang babaeng nagpapasaya sa kanya. Selos na selos talaga ako to the point na gusto ko nalang na iiyak lahat ng nararamdaman ko. "Hey, Anicka, do you have a problem? Tinawag ka kaya ni Brett." Wika ni Cole. Napailing-iling naman agad ako.


"Shhhh...please, just don't talk about him." Imbis na ako ang nanghihila sa kanya palabas ay nagka baliktad. Siya na naman ngayon ang nanghihila sa akin. Tiningnan ko ang kanyang mukha at bigla itong naging seryoso. Oh, sa araw na ito ay ngayon ko lang siya nakitang seryoso. Kanina kasi ay parang pinaglalaruan niya pa ako at inaasar tapos ngayon sobrang seryoso niya naman. He opened a car's door and I didn't question him when I got in. Sumunod naman siya at inilagay niya sa may manibela ang kanyang mga kamay. "What are we doing here---inside your car?" Medyo napaos ang aking boses ng tanungin ko siya.


In The DarkWhere stories live. Discover now