Chapter 3

222 8 0
                                    

Maaga akong umuwi ng bahay dahil gusto ko ng mag beauty rest. Para naman hindi ako haggard tingnan pag nakita kami ni love ko bukas. Nang mai park ko na ang sasakyan ko ay pumasok na agad ako sa bahay. Pagkabukas ko palang sa pintuan ay may pumutok na na confetti at napa takip nalang ako sa tenga ko. "Congratulations, Melisse Anicka Lofranco!" Sabay yakap pa ni Jane sa akin at ni...Avia.

Hindi naman ako ganun ka blangko. Naaalala ko pa naman din minsan.

"What is happening here?!"nagulat kong tanong.

Anong kabaliwan 'to?

"Party! Alam mo yung feeling na nagta-trabaho na 'yong friend namin! Yay!" Sabay yakap ulit nilang dalawa sa akin.

What the f-uck?!

"Oh, my gosh! Ano kayang tumatakbo diyan sa isipan nyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa dalawa. "Buti nalang talaga at nasa vaca ang magaling kong mommy ngayon at wala naman si daddy." May binuksan na inumin si Avia at kumuha naman siya ng tatlong shot glass.

Inilahad ni Avia ang isang shot glass kay Jane na agad nitong tinanggihan.

"Why are you so maarte, Jane? Duh. Hindi pa masisira ang liver mo sa isang inom lang." Sabay irap ni Avia kay Jane na present talaga noong nagpa ulan si Lord ng kabaitan. Naglalaro ata kami ni Avia sa impyerno that time, eh, na kahit ambon lang ay wala kaming napala.

Napatunganga si Jane habang tinitingnan ang ibinibigay ni Avia sa kanya na inumin. Ako ang kumuha nito at deretsong lagok.

"I'll be the one to drink Jane's shot." Seryoso kong sabi kay Avia na napa irap na naman. "You're safe." Sabay ngisi at kindat ko kay Jane na napangiti agad.

Feeling ko tuloy napaka bad influence namin ni Avia sa buhay niya. Bakit kaya kami ang naging friends? Hello? Ang layo ng agwat, ah.

"O, kwentuhan mo na kami at bakit napa payag ka ng iyong ina na mamahala sa kompanya. May alam ka ba? Wala naman, dba?" Minsan, gusto kong ipa torture 'tong si Avia. Napaka realtalk, eh, tapos ang dila...jusko walang preno sa masasakit na salita.

Sinamaan ko ng tingin si Avia bago nag kwento. "Wala, eh. Mom told me about it then nag reklamo ako tapos tinokshit niya ako tapos ayun, sumunod din ako. Hindi ko naman alam na destiny pala ang mangyayari." I dreamily explained.

Hinampas naman ako ni Avia ng kanyang bag at napanguso siya.

Naki usyoso na din ang mabait naming kaibigan na si Jane. "Bakit? Anong destiny ang sinasabi mo?" Kuryosong tanong ni Jane.

I smiled at her. "Yan ng hindi mo makikita, Jane." I seriously told her.

Agad namang nakunot ang kanyang noo. "Huh?" Look, wala atang kamuwang-muwang ito sa mundo, eh. Para bang pang bagong silang na bata ang utak.

"Ang ibig sabihin ni Mel ay hindi ka makaka kita ng destiny mo kung mananatili ka dyan sa puder ng demonyo mong syota!" Avia blatantly said. Ayts! Wala talagang preno. "Hello, te?! Hindi pa kayo kasal, ah. Hindi ka pa gagastos para sa divorce or what." Mataray na sabi ni bakla.

"Oo nga. Malay mo, destiny mo pala ay isang bakla." Natatawa kong pagsali.

Agad naman akong nakatanggap ng malakas na hampas galing kay Avia. "Ewww! Walanghiya ka talaga!" Sigaw niya na para bang iyon ang pinaka nakakadiri na sinabi ko sa buong buhay ko.

Arte!

"OA mo! Sinabi ko bang ikaw? Madami namang bakla, ah!" Pagtataray ko sa kanya at napatili nalang siya sa inis.

"Grabe naman kayo sa boyfriend ko." Malungkot na wika ni Jane.

My eyes widened and my jaw dropped. I can't believe her. "Oh, my ghad, Jane! Hindi ako makapaniwala na may isang tulad mo na nabubuhay sa mundong ito. You're unbelievable! Martir? Tanga? What do you want me to do para matauhan ka?!" I don't know, pero para nalang akong bulkan na pumutok.

Seriously, hindi ko makain ang pagiging martyr ni Jane.

"Nagsalita ka naman,girl." Natatawang sabi ni Avia habang nakatingin sa akin.

"I'm chasing him." Tanging sabi ko.

Napailing-iling naman si Avia sa sinabi ko. "Hindi ba pagiging martir 'yon?" Nakangisi niyang tanong.

"Whatever!" Irap nalang ang ginawa ko atsaka tinungga iyong isang shot glass na may lamang inumin.

"Uuwi na ako." Napakagat ako sa aking labi ng sabihin iyon ni Jane. Sumobra ata ang nasabi ko. Sorry naman. Hindi ko lang talaga napigilan. Nainis ako, eh.

"Stay." Matigas kong sabi.

Napakunot naman ang noo ni Jane. "Baka kasi magalit pa kayo sa akin pag andito ako." Jusko. Para talaga siyang inosenteng bata. Paano ba 'to?

Humanda talaga sa akin 'yong boyfriend niya.

Ipapakita ko sa kanya ang halaga ng isang Jane.

"Of course not!" Gigil ko nalang sabi at hinigit ang kamay niya paupo sa sofa. Dahil sa frustration at galit na nararamdaman ko ay kinuha ko ang dalawang shot glass at sunod-sunod na nilagok ang lamang alak non.

"Easy, girl." Sabay baba ni Avia ng aking kamay.

I rolled my eyes. "You started this one, tapusin natin."  I heard the both of them sighed.

"You still don't want to drink, Jane?" Sabay lahad ni Avia ng shot glass sa harapan ni Jane. Agad namang umiling si Jane. Still the same.

What am I gonna do para malayo siya sa boyfriend niyang manloloko?! Ewan ko ba. Naha-highblood ako sa tuwing lumalapit si Jane sa amin na luhaan at para bang mamamatay na sa kaka iyak. Syempre, naaapektuhan ako sa paglapit ni Jane sa akin at walang ibang ginawa kundi umiyak.

Ghad! Ni hindi pa ako napa iyak ng isang lalake.

"I don't want to get drunk."  Mababa ang boses na sabi ni Jane. I frowned.

Inagaw ko na naman ang shot glass na para sana kay Jane at tinungga ito. Mahaba ang alcohol tolerance ko kaya wala pa sa akin 'tong naiinom ko. Maybe i need ten more shot glass before I can say that I'm drunk. Or...just five kung ibang drinks na naman ang ibibigay.

"You're lucky 'cause Mel's here for you." Napanguso nalang ako pagkatapos kong ininom ng sunod-sunod ang tatlong shot glass.

"Ghad, Mel! What are you up to?" Tila nasorpresang tanong ni Jane sa akin. "Sunod-sunod ang mga shots mo. Hindi ka pa ba lasing?" Kuryosong tanong ni Jane sa akin at umiling naman ako.

"Come on, Jane! That's a drunkard. Sanay kaya 'yan. Hindi mo maloloko iyan. She's not a good girl." Napa irap ako sa narinig ko mula kay Avia. siya nga rin, eh.

Nakita naman ni Avia ang naging reaksyon ko kaya walang humpay ang ginawa niyang pagtawa. "Hala! You have a work, right?" Nag-aalalang tanong ni Jane at para akong natauhan. What the fuck?!

"Babalik ako bukas, kaya paghandaan mo ang pagbabalik ko. That'll be your last card, miss."



Pakiramdam ko ay nabaliw ako ng marinig ko sa aking utak ang huli niyang sinabi kanina bago siya nag walk-out sa loob ng meeting room.

Damn it!

Agad akong tumakbo papunta sa hagdan para makatulog na ng maaga nang bigla akong mawalan ng balanse. Buti nalang at agad akong naalalayan ni Jane kaya hindi ako sumubsob sa sahig.

"MELISSE!" huli kong narinig ay ang boses ni Jane ng mawalan ako ng malay.






- - -
CHAPTER 3

In The DarkWhere stories live. Discover now