Chapter 44

101 3 0
                                    

Para akong baliw na hindi mapakali habang naglalakad patungong basement. Aalis na kasi ako para sa session ko with doktora.

Akala ko nga doon parin sa rehab, pero sabi naman ni Draven kahapon na nasa psych ward daw ng Mercedez-L. Hospistal naka assign ngayon si doktora. Ghad! Sobrang hirap sigurong mag handle ng mga taong may sira sa ulo. Iniisip ko pa lang ay napapagod na ako. Paano pa kaya si Dra. Sheena? Ba't kaya psychiatry ang kinuha niya? Is it fun dealing with problematic people? Is it fun dealing with a person like me?

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Draven  sa akin kahapon. Totoo ba talaga yun? Eh bakit distant si Zild sa akin? Totoo ba talaga yung I like you niya? Hindi ko na talaga alam ang gagawin. How will I face him? Paano kung gusto niyang makipag-usap sa akin o di kaya ay bigla siyang susulpot?

How will I act?

Normal?

Ano ba?

Nababaliw na talaga ako. Hindi ako mapakali sa nalaman ko. Did I just leave him hanging? Broken hearted? Alam niya naman siguro ang about kay Brett.



Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng sasakyan ko ay napahinga ako ng malalim. Hindi ko naman siguro makikita si Zild. Syempre. Busy siya sa hospital at hindi naman sa kanila ang Mercedez-L hospital. Hindi ko nga alam ang pangalan ng hospital nila,pero mukhang hindi naman ako mapapahamak ngayon.

I started the engine and drove away.

Gusto ko sanang magpahinga ngayong sabado, pero kailangan ko talagang mag attend ng session lalo na at sumasagi na naman sa isipan ko ang masamang gawain. These past few days, Georgia's been pestering me and my whole fucked up life. Alam mo yung pupunta lang siya sa office ko para tanungin ako tungkol kay Dad? Hindi ako nagsasalita at tanging masama na tingin lang ang ipinupukol ko.

I turned the steering wheel right and I stepped on the brake when a familiar car blocked my car's way. Putangina nga naman, oh! Ano ba talagang sadya ng babaeng 'to sa akin? Sana pala hindi ko nalang siya inisip.

Marahas kong binuksan ang pintuan dito sa may driver's seat saka lumabas na masama ang mood. Nakita kong lumabas si Georgia at nakangisi na sa akin. "Oppps! Hindi ba uso ang tingin sa daan para sayo?" Maarte niyang tanong. Gaya ng ginagawa ko ay nananatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya ng masama. "Don't give me deaf ears, Melisse, baka gusto mong pagbayarin kita diyan, eh." She threatened me.

Mabilis ang mga yapak ko na lumapit sa kanya at kitang-kita ko naman ang paglayo niya sa akin. "Ba't ka umaatras?" May panghahamon sa tono ng boses ko.

"W-Wala akong alam kung anong gagawin mo sa akin. Paano kung patayin mo ako?" Nanginig pa ang loka loka kaya agad naman akong napahalakhak.

Gamit ang aking hintuturo ay pinasadahan ko ang gilid ng kanyang mukha na agad niyang iniwas. "I wouldn't dare waste my energy for you, Georgia Tuazon. I hate Tuazon's. I hate the bloodlines. When I say I hate the bloodlines of Tuazon's, I also hate their blood, literally." I smirked at her. "You know, Georgia, instead of ruining my day and pestering my life...I'll suggest to you that you need to take a break. Stay away from me." Pormal ang boses kong sabi at saka siya tuluyang tinalikuran.





Inatras ko ang kotse ko at nang maayos ko na ay agad kong binangga ang may likuran ng kanyang sasakyan na agad namang nag alarm.



I don't care kung nagasgasan ang sasakyan ko. I can buy a second hand. Importante lang ang sasakyan kung importante din ang lakad. Kung tutuusin, hindi ko naman talaga gusto ang mga sasakyan. Nakakagamit lang ako pag gusto ko.



In The DarkWhere stories live. Discover now