Chapter 40

110 1 1
                                    

Natahimik ata ako dito sa aking recliner habang kung saan-saan napupunta ang utak ko.

Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang aking maikling buhok saka napahinga ng malalim.

I...miss Dad! Gusto ko na siyang makita...ulit.



Ang hirap gawin nung sinabi ni Draven. Bakit nga ba hindi ko kakayanin? Bakit ba takot na takot akong ipakita sa ibang tao ang nararamdaman ko? Mahirap, eh. Hindi ko sila mapagkatiwalaan. I'm still lost and I haven't found myself completely. Two years had already passed but, what I feel two years ago is still here...inside me.




Kung magiging kami man ni Brett, ayokong maging pabaya na asawa. Takot akong pumasok sa relasyon. Naiisip ko kasi kung paano nag give up agad si mommy kay Dad. Ayokong tumulad kay mommy. Magkadugo kami kaya ayokong maipasa niya sa akin ang ganyang ugali niya. Naiinis ako. Nagagalit ako! Wala akong masabihan sa mga hinanakit ko kay mommy. Mommy Trina. Siguro nga hindi ko nalang talaga siya tatawagin na mommy. Hindi ko rin naman naramdaman ang pagiging mommy niya. Hindi talaga.

Takot akong pumasok sa relasyon kasi pakiramdam ko magiging masama din akong asawa. Pakiramdam ko ay magiging walang kwenta ako. Sa dami-dami ding lalake sa buhay ko ay hindi ko alam kung paano isa sa kanila ang gagawin kong kabit. Remember? Dad was still alive that time when mom started to cheat.

Hindi niya ba mapipigilan iyon?

What if I fall out of love when Brett and I will marry each other?

Ayoko. Masaktan na ako pero huwag lang yung mga taong nasa paligid ko.

Habang tumatagal ay mas umiinit lang ang sikat ng araw kaya naipikit ko ang mga mata ko. Namumula-mula na ang balat kong sobrang puti at ininda ko nalang muna ang init na galing sa araw.

Naidilat ko ang aking mga mata ng biglang hindi ko na naramdaman masyado ang init sa pagmumukha ko. "May balak ka bang maging grilled human?" Narinig ko ang boses ni Cole kaya agad akong napa upo ng maayos sa recliner at tiningala si Cole na masyadong matangkad.




"May ganon ba?" Tanong ko saka sinuot ang aking sunglasses.

Patuloy pa rin ako sa pagtingin sa kanya na may dala-dalang payong kaya medyo napakunot pa ang noo ko sa kanya. "Oo. Ikaw pa lang ang kauna-unahang grilled human kung sakali..." sagot niya.

"Nasa beach tayo, Cole. Better enjoy the heat of the sun." Sarkastiko kong sabi.


"Bahala ka! Basta ayokong maluto ka sa sinag ng araw." Itinapat niya pa sa may mukha ko ang payong.

"Why are you here? Makita  pa tayo ni Blessica. Ayoko ng eskandalo." Naipikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay ang sagot niya.

Naramdaman kong naupo siya sa recliner ko pagkatapos niyang itabi ang paa ko sa may gilid. "Sabihin ko na ba sayo?" Tanong ni Cole sa akin pabalik.

Tinanggal ko yung sunglass ko sandali mula sa aking mga mata at pinagpahinga muna ito sa may bridge ng ilong ko. "What?" Bored kong tanong saka ibinalik ang sunglass sa aking mga mata.








Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa kaya hindi rin ako nangahas na magsalita. Ano siya, sinusuwerte? Ayokong unahan siya sa pagsasalita. Magkamatayan na't lahat...gusto ko siya ang mauna.
Ito yung part na kailan naduduwag ako pag may sasabihin ang isang tao sa akin. Oo. Duwag ako. Duwag akong magsalita. Duwag akong sabihin o i-share sa ibang tao ang nararamdaman ko.




"I've been courting her two years ago." I swallowed hard when I heard what he said.



"Pinagsabay mo ba kami?" Hindi ko napigilan na haluan ng pagdududa at sakit iyong tanong ko sa kanya.





In The DarkWhere stories live. Discover now