Chapter 34

108 2 0
                                    

Hinalughog ko dito sa drawer ng opisina ang picture namin ni Daddy na naka frame. Andito lang yun, eh. "Miss, may hinahanap ka po ba?" Ria asked me.



Hinarap ko siya habang tumatango-tango ako. "Nasaan ba iyong mga gamit ko? Hindi ko makita." Sabi ko kay Ria na agad nanlaki ang mga mata.



"Ay! Nasa cubicle ko po. Si Madaam Trina po kasi ang nag stay sa office na ito at pinaligpit po ni Mr. Tuazon ang mga gamit niyo. Nagtataka pa nga po ako kung bakit siya ang nagpapaligpit." Naka kunot pa ang noo na sumbong ni Ria sa akin.



Agad naman akong napapikit ng mariin. Ang kapal naman talaga ng mukha ng mga Tuazon! Nahiya ang libro ng mga law students at med students sa kapal ng pagmumukha nila!





I just want to strangle them to death.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong in-accept ang tawag na nagmula sa unknown number.



"Yes?!" Hindi ko napigilan na pagtaasan ng boses ang kung sino mang tumatawag sa akin.


"Ang aga-aga pa, honey. Mainit ang ulo?" Ghad! Si Zild!

"Paano mo nakuha ang number ko?" tanong ko.



I heard him chuckling from the other line. "Draven. Hindi mo ba naisip?" Napakamot ako sa likuran ng aking leeg.

Oo nga naman.


"Yeah right." Ang tanging nasagot ko. "Ba't ka nga ba napatawag?" Kuryoso kong tanong. Dapat busy siya sa hospital ngayon at hindi dapat niya ako tinatawagan.


"May free time ako!" Nasense ko naman agad ang saya sa boses niya na para bang may binabalak siya.





"Ano namang pake ko sa free time mo?" Bored kong tanong. Eh gusto ko pa kasing hanapin yung mga nawawala kong gamit dito sa office!



Walangyang Tuazon nga naman, oh!




"Wala. Sinabi ko lang. Sige, bye!" Hala! Ghad! Binabaan niya ako. May nasabi ba akong masama. I tried calling him back but he's not answering my calls.


Oh, my ghad! Hindi ko naman alam na madali siyang mainis or what. Nagtatampo kaya yun? Duh! Ba't naman siya magtatampo sayo, Melisse? Bakit? Meron bang kayo?! Assumera din talaga ako, eh.



"Hays!" Nasabi ko nalang saka napasandal sa kinauupuan kong swivel chair. "Pakipasok nalang sa mga gamit ko dito sa office, Ria. Tulungan mo nalang akong mag arrange." Agad naman akong sinunod ni Ria at lumabas na siya dito sa opisina ko.





Nagpakawala ako ng buntong-hininga at inisip kung anong pwede kong gawin para hindi tuluyang mainis sa akin yung si Zild. Naku naman kasi! Siya pa talaga ang napagbuntungan ko ng galit ko kay Mr. Tuazon! Hindi ko naman kasi sinasadya.


Pinasok na ni Ria ang mga gamit ko at tumayo na din ako para tulungan sa pagbubuhat si Ria. "Ako na po, miss!" Sabi ni Ria sa akin pero inilingan ko nalang siya. "Ikaw bahala, miss..."  sumuko nalang siya at agad ko namang hinanap ang mga pictures namin ni Daddy at ng makita ko ito ay agad akong napangiti.




"There you are..." halos pabulong kong sabi sa picture na tinitingnan ko ng mabuti. Sa picture na ito ay mga 8 years old pa ako at isang ballerina at nung matapos ako sa pag perform ay nagpa picture si daddy na kasama ako kaya heto ako sa picture at ngiting-ngiti. I miss this one!



Hinalungkat ko pa ang ibang pictures at inilagay ko sa isang table na nasa may gilid lang. Ang gaganda talaga ng kuha namin ni Daddy!



Kinuha ko na rin ang picture naming tatlo nila Draven nung mga bata pa kami masyado at isang picture frame na partner ko sa 18 roses ko ang pinsan kong si Draven.




"Ang gwapo naman po niyang kasama niyo sa picture, miss." Nakitingin din si Ria kaya agad ko iyong itinabi sa mga pictures namin ni Dad.


"His name's Draven. My only cousin." Napatango-tango naman si Ria sa sinabi ko at nag continue kami sa pag a-arrange ng mga gamit dito sa loob ng opisina ko.




Hindi na namin namalayan na mag la-lunch na pala kung hindi lang dumating ang isang tao sa loob ng office. "Lunch, honey?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Zild na nakatayo sa may pintuan ng aking opisina.




"Oh, my ghad! What are you doing here, Zild?" Nabigla kong tanong.

He smirked. "Makikisabay ako sayong kumain." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.


Nasisiraan na ba siya? Umalis ba siya sa hospital para lang dito?





"Ano?! Diba malayo yung hospital niyo dito sa office namin?" Napatayo ako sa pagkaka upo sa sahig saka siya nilapitan. Using his one free hand, he half-hugged me.




"Walang malayo sa akin kung para sa babaeng iyakin." Napakagat ako sa labi ko ng marinig ko iyon mula sa kanya. Mukhang hindi nga niya makakalimutan yun. Tss! Baka nga nilagay niya pa sa memo ng kanyang phone kung paano ako umiyak. Ang ingay pa naman ng ginawa kong pag-iyak kagabi.


Nakakahiya!




"Seryoso ka, Zild? Baka ma in love na talaga ako sayo nyan." He chuckled at what I said.




"Actually, that's my plan." He winked at me. Pumasok siya sa loob ng aking opisina na para bang nakahingi na siya ng permiso galing sa akin. Nakanguso ko siyang sinundan ng tingin. Hay! Kahit nakatalikod si Zild alam mo na talagang gwapo siya. He's a fucking greek god!
"I like you..." napataas ang kilay ko dahil sinabi niya iyon habang nakatalikod sa akin. Nakita kong dali-daling umalis si Ria at hinayaan ko nalang siya. Pansin ko talaga walang filter ang bibig ni Zild. Sasabihin niya kung anong gusto niyang sabihin kaya mas mabuti nalang na umalis si Ria.





"So, anong gusto mong maramdaman ko pag sinabi mong you like me?" Humarap na siya sa akin at pinigilan ko ang mapasinghap.



Para kasing sinasadya niyang mas magpa gwapo pag humaharap na naman siya sa akin.






He shrugged his shoulders. "It's up to you, honey..." marahan niyang sagot.





Kinuha niya sa paper bag na dala niya ang mga pagkain. Naka lagay ito sa stainless na lunchbox at agad itong binuksan. Agad kong nalanghap ang bango ng beef steak at ang bagong luto na kanin. Nang lumapit ako ay may nakita din akong vegetable salad. Inayos niya yun sa may table na nasa harapan ng aking sofa at saka niya na naman kinuha sa paper bag ang isang kutsara at isang tinidor. "Kulang ata ang kutsara at tinidor..." sabay turo ko sa hawak niya.





Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Come on! Ilang ulit tayong naghalikan tapos mahihiya ka pa ata kung salo-salo tayo sa kutsarang 'to." Naramdaman ko agad ang pamumula ng aking mga pisngi at gusto ko nalang sugurin si Zild sa ginagawa niya sa akin.





"Tumahimik ka nga..."I hissed.



He chuckled.



"Let's eat." Imbita niya saka tinapik-tapik ang tabi niya kung saan siya naka upo. Lumapit nalang ako atsaka tumabi sa kanya. Napangisi naman siya saka kumuha ng beef steak at hinalo sa kanin. Agad niya itong inilahad sa akin at papalag na sana ako pero binigyan niya ako ng tingin na kumain-ka-nalang look.





Tss!







- - -
CHAPTER 34

In The DarkWhere stories live. Discover now