Chapter 35

104 3 1
                                    

Lumipas ang ilang linggo ay hindi na nakabalik si Zild dito sa office. Parati niya nalang akong tine-text na hindi siya makakapunta dahil marami siyang naka schedule na surgery. Grabe! Iniisip ko palang ang ginagawa niya sa loob ng operating room ay nasusuka na ako. Kaya nga hindi ako nag doktor.





"Miss, hindi ata napadpad yung gwapo dito?" Hindi ko namalayan na andito nga pala si Ria sa loob ng aking opisina.





"Zild ang pangalan niya." Naiilang kasi ako pag tinatawag niyang gwapo si Zild. Eh kasi...hindi enough para sa akin ang gwapo lang. Hinigitan pa kasi ni Zild ang salitang gwapo. Mahihiya ang salitang yan pag nagkita silang dalawa. Gwapong-gwapo talaga, eh.






"Balita ko po, miss...isa siyang doktor?" Tinaasan ko agad ng aking kilay si Ria na agad napangisi ng makita ang tingin na ipinupukol ko sa kanya. "Hehe. Narinig ko lang, miss." Dagdag niya sa kanyang sabi.





Napatango nalang ako. "Mag paparazzi ka nalang kaya, Ria." I jokingly told her.




Napatango-tango naman siya na para bang susundin niya talaga ang gusto kong mangyari sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinarap ko ng mabuti ang laptop ko sa akin.






"Pag-iisipan ko po, miss. Pwede po bang sideline yan?" Inirapan ko nalang si Ria, dahil halata namang sinasarkastiko niya ako.






"Eh gawin ko kayang sideline ang ipa good job ka?" I asked with a suggestive tone.





Napahalakhak naman agad si Ria sa sina-suggest ko. "Alam mo, miss, funny ka! Hindi ko naman alam na fan ka pala ni Aiko Melendez." Nakangisi niyang sabi.





What?


Anong pinagsasabi ng babaeng 'to?





"Aiko who?" Taka kong tanong.





"Yung artista po na kontrabida sa wildflower," sagot niya at napailing-iling nalang ako. Wait, may alam siya tungkol sa artista...posible kayang may alam siya tungkol kay Draven.






"Kilala mo ba iyang kasama ko sa picture?" Ginalaw ko ang swivel chair ko papalapit sa picture frame saka ito kinuha at pinakita sa kanya.





"Pamilyar po siya, pero di ako sigurado kung saan ko po siya nakita." Sagot ni Ria sa akin kaya napatango-tango nalang ako saka ito ibinalik sa may mesa. Lumapit ulit ako sa aking table saka nagsimula ulit sa pagtitipa sa aking laptop. "Alis na po ako, miss. Dalhan nalang po kita ng lunch mo mamaya." Tinanguan ko nalang si Ria at narinig ko naman ang pagbukas sara ng aking pintuan dito sa office.





Pamilyar siguro kay Ria dahil matagal-tagal din naman mula noong mag picture kami niyan. 18 pa kami diyan, eh. Napahinga nalang ako ng malalim saka napasandal sa aking swivel chair. Pansin ko ay hindi na sanay ang mga mata ko sa light ng laptop. Inabot ko ang reading glasses ko saka ito isinuot. Mas binilisan ko nalang ang pagtitipa dahil nabo-bored na ako habang nakatingin dito sa laptop ko. Ewan ko ba. Gusto ko nalang matulog.





"Good morning," someone greeted me.





"Morning," I greeted back, still focused.




"Mind to look at me?" Seryosong tanong nito at napakagat naman ako sa labi ko. Busy pa ako! Shit!






"Wait ka nga dy---" napakurap-kurap ako sa harapan ng aking laptop at marahas na napatingin sa taong nasa harapan ko.
"What are you doing here?" Malamig ang boses kong tanong. Bigla nalang nagbago ang mood ko. Sino namang hindi maba-badtrip kung si Brett ang nasa harapan mo?!





In The DarkWhere stories live. Discover now