Chapter 4

171 9 1
                                    

*KRIIIIIING!* * KRIIIING!*

hinablot ko ang maingay na alarm clock at agad itong itinapon sa kung saan. Narinig ko ang isang pagka wasak at nanahimik na ang buong kwarto ko. Salamat naman. Ang ingay non, eh.



I WOKE UP with my head spinning like crazy. Napakurap-kurap ako dahil sa paikot-ikot kong paningin. What the heck?

Napa upo ako sa aking kama atsaka parang zombie na naglakad papasok sa aking banyo. Napa upo na naman ako sa harapan ng inodoro at doon sumuka ng sumuka. "Wow! You're really my long time morning friend!" I said, still feeling the alcohol inside my body.

Yes. I have a high alcohol tolerance, pero pag lumagpas na ako sa linya at nalasing talaga ako, masama talaga ang magiging resulta non. Kaya ang ending, makakaharap ko ang inodoro araw-araw.

Hmmm...ginawa ko rin 'to kahapon.

Pagkatapos kong mag moment sa harapan ng inodoro ay agad akong tumayo at naghanap ng bagay na pwede kong mahawakan. Muntikan akong mawalan ng balanse kaya napanguso nalang ako saka humarap sa malaking salamin dito sa loob ng banyo ko. I turned the faucet on and started to clean my face.

Ohhh...maka kain na nga.

Pagka labas ko sa loob ng aking banyo ay agad naman akong nagka isip ng matino.

"Babalik ako bukas, kaya paghandaan mo ang pagbabalik ko. That'll be your last card, miss."

"Oh, shit!" Nagmamadali akong nagtungo sa aking walk-in closet at kumuha na ng mga gamit ko na susuotin. Kumuha na din ako ng black na high heels at isang white sleeveless dress na above the knee at isang black blazer.

Mabilis akong naligo at nang matapos ako ay nag-ayos na agad ako. I looked up to see the time and my jaw dropped seeing that it's already 10 a.m! What the hell!

Leche din kasi itong si Avia. Ba't niya kasi ako pina inom?!

Ka bwesit, ah!

Pagkalabas ako ay nabigla ako ng bumungad sa akin ang pagmumukha na hindi ko inaasahang makita dito sa labas ng kwarto ko. Oh, the fuck! What's happening? Hindi na talaga ako iinom! "H-Hi." I awkwardly greeted him.

Nakaawang ang kanyang labi at para bang may malalim siyang iniisip.

Bakit ba siya andito?"what did I say yesterday, Lofranco?" He asked me in his stern way.

Parang nawala ang dila ko at hindi ko na maayos ang pagsasalita ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Oh shet! Ano na ang gagawin ko? "T-That..." i trailed off. Napalunok ako bago ko siya tiningnan ng maayos. "That will be my last card?" Patanong kong sagot.

His lips turned into a thin line, like he's gathering all the patience he can give to me. It feels like inuubos ko ang pasensya niya. Paano na 'to? Mas lalo ata siyang madi-disappoint sa akin. Ahhh, fuck alcohol!  I diverted my attention to his attractive scent. Grabe! Mas nakaka in love siya pag malapitan. I can clearly smell his perfume---o baka naman may natural scent siya. "Stop sniffing like a dog," I immediately looked up at him.

W-What?

"H-Huh?" Nauutal kong tanong.

His eyebrows met and I know I'm annoying him too much. Klaro naman kasi masyado sa ekspresyon niya. Mukhang pinapakita niya talaga sa akin na nauubos na ang pasensya niya.

"You got drunk, right?" Napalunok ako at walang hiyang itinaas ang isa kong palad at bumuga dito at saka iyon inamoy. Damn! I almost forgot to brush my teeth.

Awkward akong napatingin sa kanya atsaka napangisi sa naiilang na paraan. "Nalaman mo ba dahil sa hininga ko?" Nahihiya kong tanong sa gwapong lalake na nasa harapan ko.

His forehead creased before he nodded.

Damn----it!

"You smell like vodka---tequila?" He guessed and I can't help but to bite my lower lip. "You don't do that in front of me." Nabigla ako sa sinabi niya kaya umayos nalang ako at napatakbo papunta sa aking kwarto. Tinapon ko ang dala-dala kong handbag sa aking kama at agad na pumasok sa banyo.

I really need to take a brush!

Napakatanga ko talaga.

Sa lahat ba naman ng malilimutan ko, yun pa talagang pagto-toothbrush. Nag-iisip pa naman akong manlandi sa kanya tapos amoy alak pala ako. Hay! Pang-ilang disappointment na ang binigay ko sa kanya. Hindi ko na ata iisa-isahin.

Halos lagpas limang minuto ang ginawa kong pagto-toothbrush. Inayos ko talaga at nang matapos ako ay chi-neck ko na naman at napangisi ako sa harap ng salamin. "Oh? Ready ka na, dba?" Sabay ngiti ko ng napakalapad sa salamin at nakita ang mapuputi kong ngipin. Chi-neck ko ulit ang hininga ko bago umalis. "I'm done!" Masigla kong sabi sa kanya with matching smile.


"I don't know what to do with you." Malamig niyang sabi. Ngayon ko lang namalayan na naka upo na pala siya sa kama ko. He loosened his tie and I don't know what to do with my heart anymore. Mukhang lalabas na, eh!

"What are you trying to say?" Mahina ang boses kong tanong.

"It's almost 11 a.m and you're still here. Hindi ka ba nahihiya na ako pa talaga ang nandito? Na mismong ako ang nagpunta dito sa bahay nyo?" Suplado. Sino ba kasing nagsabi sa kanya na puntahan niya ako dito. "If it's not because of your mother..." napahinga siya ng malalim at hindi itinuloy ang pagsasalita.

My forehead creased.

"Bakit? Anong kinalaman ni mommy dito?" Nagtataka kong tanong.

"Kumain ka na at sasamahan kita sa mga planta niyo!" Strikto niyang sabi. Hindi ko na ipinilit ang tanong ko at tumakbo na ako pababa. Muntikan pa akong matalisod sa may hagdan kaya narinig ko pa ang sinabi niya. "Such a clumsy creature." Pwede naman kasing such a clumsy pretty girl. Creature talaga? Para naman kasi akong isang nilalang na ginawa ng diyos at hindi isang tao.

Nakarating na ako sa loob ng dining room at agad akong pinagsilbihan ng mga katulong namin.

Nang maihanda na ang lahat ng pagkain ay bigla akong natakam kaya nagsimula na agad akong kumain. Habang kumakain ako ay biglang dumating sa loob ng dining room si Brett at dumeretso sa may kusina. Wow! Alam niya pasikot-sikot dito sa bahay? Dati na ba siyang guest dito sa bahay namin? Hindi ko naman siya nakita. Baka naman nung nasa ibang bansa pa ako? Ay, ewan! Nang makalabas siya galing kusina ay may dala-dala na siyang baso ng tubig at uminom siya doon. "Wow, feel at home?" I jokingly asked him.

Hindi niya ako pinansin at nilapag niya lang iyong pinag-inuman niyang baso ng tubig sa may harapan ko. "You can use my glass para tipid na din sa gagamiting panlinis ng mga yan. Less hassle para sa mga katulong." Napangiwi ako sa sinabi niya. Magre-react pa sana ako kaso lumabas na siya sa dining room. Jerk---but I can use his glass! OMG! Matitikman ko na din ang laway niya! Hahahaha. Fuck my mindset.






- - -
CHAPTER 4

In The DarkWhere stories live. Discover now