Chapter 49

119 2 1
                                    

Lumabas kaming dalawa ni Brett at namasyal. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako buong araw kahapon at mukhang hanggang sa umaga. What happened to me? Ansarap ng tulog, eh.


Nag-iikot na kami sa mall ngayon at pumasok kami sa loob ng jollibee. Namili kami ni Brett ng kakainin at nag settle nalang ako sa isang extra large na fries at isang pineapple juice. "I thought you eat like a pig." Sabi ni Brett kaya agad ko siyang binigyan ng matalim na titig.



"I'll be the most beautiful pig then?" Biro kong tanong.



Inilapit niya ang kanyang pagmumukha sa akin habang nasa itaas ng mesa ang nga siko niya. "Beautiful Lofranco." He whispered, but enough for me to hear.





Agad namang bumalatay ang ngiti sa labi ko saka ako sumubo ng french fries.  "Paano ka nakapasok sa bahay?" Kuryoso kong tanong. Nakapagluto pa nga siya para sa akin, eh.





"Got my ways." Seryoso at tipid niyang sagot.



Oh, my ghad!


Hindi man lang ba niya ako sasagutin? Kainis, ah!




"Brett..."I trailed off, trying to find the right words to say.



Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan.



"Lofranco?" Nagtatanong ang mga titig niya sa akin kaya hindi ko mapigilang kabahan. Nakaka insecure kasi! He already saw me in my worse state. I'm scared to know how he feels about it. Hindi ko ata alam ang gagawin ko kung iiwan niya ako dahil doon. "Hey, are you okay?" Naramdaman ko nalang ang paghaplos niya sa pisngi ko kaya para akong natauhan.






"Anong naramdaman mo sa inakto ko kahapon? Weird ba ako? Hindi mo na ba ako gusto?" Hindi na kasi ako kampante, eh. Paano kung na realize niya kahapon na mas better si Georgia? Ayoko namang si Georgia ang papalit sa akin, noh.




"I just love you even more." Napakagat ako sa labi ko ng marinig ko iyon mula sa kanya.

Ba't kailangang ganito siya magsalita? Seryoso ba siya ngayon sa mga pinagsasabi niya sa akin? Nakakatakot naman. Baka kasi masaya kami ngayon, pero magiging malungkot naman pagdating bukas.






"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.




He gave me a comforting smile. Ang sarap niya tuloy'ng tingnan. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko siyang ngumiti sa akin. Parang ang sarap niyang hilahin at halikan ngayon. Kung wala lang kami sa public place...baka kung ano na ang naabot namin ngayon.








"I just love you. Mahal kita. Te amo. Yun na yun, eh. Do I need to explain? Kasi hindi ko alam kung paano gagawin." Parang frustrated niya sabi.






I immediately cupped his cheeks and gave him a smack on his lips.




Hindi ko mapigilan.



"I love you, Brett." Agad namang hindi nakapag react si Brett. Pati ako ay hindi napigilan ang sarili sa sinasabi ko. Ano yun? Oh, my ghad! I just...confessed!





Alam ko namang lantad na lantad na ang pinapakita kong feelings sa kanya, pero hindi ko pa natatandaan na sinabi ko sa kanya ang mga katagang 'yon. Nang makita kong nasink-in na iyon kay Brett ay agad niyang hinawakan ang mga kamay kong nasa mga pisngi niya. "I love you, too, future Mrs. Sanford!" Hindi ko napigilan ang kilig sa narinig ko. Pakiramdam ko okay pa rin kahit ang tanda ko na para kiligin.





In The DarkWhere stories live. Discover now