Chapter 8

159 10 19
                                    

"We can do something about that one, Brett." Georgia said with finality. Naiinis akong napatingin sa kanya at sa mga ginagawa niyang pag galaw. Ang landi, ah. Klarong-klaro na may pagtingin siya kay Brett. Naku! Kailangan kong bantayan ang isang 'to at baka maka score pa. Hindi pa nga ako nakaka goal, eh.

"What can you say about Ms. Georgia's presentation, Lofranco?" I heard Brett asked me seriously.

Georgia diverted her gaze at me and raised a brow. "It'll be great if you start calling Brett...Sir or Mr. Sanford. You know, to show that you respect people who have higher positions." And speaking of positions, I suddenly remember my topic with Avia. That's bullshit.

"Lofranco..." Brett hissed. Para bang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Pake niya ba? I'm starting to mark him as mine. Hindi naman ako papayag na mapunta siya sa babaeng ito. He's mine. Ba't ako papayag na mapunta siya sa iba na ang tagal ko na siyang sinusubaybayan at sobrang tagal ko na siyang minamahal.

"W-We're friends, Melisse." Napakuyom ang aking kamao ng hindi man lang niya ako tinawag na miss or kung ano mang papasa sa taste ko.

"That's one thing you should remember. Friends lang kayo." mariin kong sabi at nakita ko naman ang ginawa niyang paglunok. "And don't you dare call me Melisse. We're not close." Naiinis kong sabi sa kanya.

"I-I'm sorry," napayuko siya kaya napairap nalang ako saka inilibot ang aking paningin sa loob ng meeting room. Andito ang lahat ng board at oo, dito ko talaga ipinamukha kay Georgia na friends lang sila ng long time love ko.

Nang mapadpad ang paningin ko kay Brett ay kitang-kita ko na ang sama ng kanyang tingin sa akin. Oh, come on! Ano bang ipinag puputok ng butchi niya? Friends ba talaga sila nitong si Georgia? Kung close talaga sila, pwede din namang friends with benefits. Alam mo naman, yung ibang tao magte-take advantage sa pagiging friends sa isang tao.



Naka upo ako dito sa may dulo ng mesa at nasa harapan ko ang isang laptop. Nakatayo naman sa kabilang dulo si Georgia dahil nag p-present siya. I raised my brow at her and I can't help but to show my bitchy side. Ewan ko ba. Umiinit ang dugo ko sa kanya. Kitang-kita naman kasi na interesado siya kay Brett at itong si Brett hindi ko man lang alam kung anong tumatakbo sa utak niya. "So, what's your decision, Ms. Lofranco?" One of the board members asked me.

I am tapping my fingers on the table while looking at Georgia. Come on, Mel! Think wisely. Hindi mo naman pwedeng i-down ang presentation ni Georgia, lalo na at mukhang nag agree ang lahat ng board members at okay din naman ata kay Brett Sanford.


"Let me think about it first. I don't want to rush things." Mahina kong sabi at napatango-tango naman ang lahat except kina Brett at Georgia.

"I like how you think, Miss Lofranco." Sabi ng isang board member na mukhang ka edad ko lang. Gwapo. Mestizo. Matangos ang ilong. May mapuputing ngipin at nakikita ko ito ngayon dahil sa ginawa niyang pag ngiti. Too handsome.

I smiled at him. "Thank you!" Maawtoridad kong sabi at tumayo na. "Okay. We're done and I'll just send you an email, Ms. Tuazon." At humarap ako kay Georgia Tuazon.

Tumalikod na ako sa kanila at bago pa man ako tuluyang maka alis ay napahinto ako sa narinig ko mula kay Georgia. "I hope you're not involving personal matters here, Miss Lofranco." May halong diin ang pagkakasabi niya.


Nakangisi akong humarap sa kanya at nakita ko namang nanahimik ang lahat ng board members. Nang ibaling ko ang paningin ko kay Brett ay naka kunot ang kanyang noo at para bang may galit kung maka tingin sa akin. I'm sure na kinakampihan niya ang friend niya. Tss! Whatever! Ibinaling ko agad ang paningin ko kay Georgia at sarkastiko ko siyang nginitian. "I'm not, Miss Tuazon." Inirapan ko siya at saka ako tuluyang umalis sa opisina kasama ang secretary ni mommy.

In The DarkWhere stories live. Discover now