Chapter 15

160 4 1
                                    

Kahit si Ria ay hindi ko nagawang kibuin nang lumabas na ako sa aking office. It's already 7 in the evening and I really need to go now.

Dad told me to be home before 8 pm, right?

Ayoko namang indian-nin si Daddy, noh. Lalo na at ngayon lang ulit kami magkikita. It's almost one month na ata na hindi ko siya nakikita. I miss him! Of course, nami-miss ko din naman si Mommy, pero pakiramdam ko ay wala naman siyang plano na umuwi. Alam mo yun? Yung parang nawawalan ka ng gana sa isang tao dahil hindi mo nararamdaman na binibigyan ka niya ng importance? Parang ganon. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung nararamdaman ko na parang wala na akong kwenta para sa isang tao. Yun bang pakiramdam na parang wala siyang pakialam kahit pa anong mangyari sayo. That's one of the worse feeling, pag naramdaman mo na unwanted ka. Na parang ayaw ka nilang makasama. Na hindi ka nila kilala. I hope Mom won't change big time, because I don't know what to do if that'll happen.

"Want a ride, Anicka?" Nabigla nalang ako ng biglang sumulpot si Cole sa kung saan kaya napahawak ko sa may dibdib ko.

"What the fuck, Cole? Bigla ka nalang sumusulpot diyan. Paano nalang kung may sakit ako sa puso?" Sabi ko at ngumisi naman siya sa akin.

"Edi sana kanina ka pa nakabulagta dito sa sahig. Kung may sakit ka sa puso, hinding-hindi mo maha-handle ang kilig na pinaparamdam ko sa'yo." Then he winked at me.

May topak na ata 'to.

"Assumero." I whispered, but he managed to hear what I've said.

"Tulad mo?" He jokingly fired back at me.

Kunot-noo ko siyang tiningnan at napa peace sign naman agad siya sa akin. Nang tuluyan na akong pumasok sa loob ng aking sasakyan ay nagmadali din siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Inatras ko agad ang aking sasakyan nang mapaandar ko ito at agad na pinaharurot. Tumingin ako sa may mirror at napakagat ako sa aking labi ng makitang nakasunod si Cole sa akin. Ano bang pakay niya? Naku! Ngayon ko palang naman siya nakilala. Baka may secret business siya at yun ay ang mang abduct ng mga tao at isa na pala ako doon. Grabe! Pakiramdam ko ako 'yong may topak, eh.

Nakarating na ako sa bahay ay nandyan parin siya sa may likuran ng aking sasakyan. Padabog kong isinara ang pintuan ng aking sasakyan at sinugod si Cole na nasa may likuran ng aking sasakyan ang kanya ding sasakyan.

Malakas ang ginawa kong pagkatok sa may window ng kanyang sasakyan. "What the hell, Cole?! Ano bang balak mo sa buhay at sinusundan mo ako hanggang dito sa bahay?!" Naiinis kong tanong ng ibaba na niya ang window ng kanyang sasakyan.

"I just want to be sure that you're home safe." Kinindatan niya ako kaya napairap ako sa kanya.

Heto na naman si Cole. Yung mapaglaro niyang side ay nagpapakita na naman sa akin. Minsan naiisip ko nalang na dalawa na kaming may topak. Kanina ko pa kasi 'to iniisip, eh.

"You don't need to do that." Mataray kong sabi.

"I need to." Sabi niya.

"Hindi nga." Suplada kong sabi sa kanya at napakagat siya sa kanyang labi kaya nag-iwas ako ng tingin.

That's kinda tempting, you know.

"Edi hindi. Eto nalang...I want to." Natigilan ako sa sinabi niya at inirapan ko nalang ulit siya dahil sa inis ko.

"Ano ba?! Umalis ka na nga! Nakaka inis yang pagmumukha mo, eh! Pwede ring huwag ka ng magpakita sa akin! Nakaka stress kayo!" Bulyaw ko. Eh kasi naman, nawala nga si Brett sa paningin ko ngayon tapos heto naman si Cole at ginugulo ako. Magkaibigan nga talaga sila. Mukhang pareho nilang goal ang guluhin ang buhay ko. At ibang klase din sila, ah, pati utak at puso ko ginugulo nila. Yan tuloy at nalilito ako. Big time!

In The DarkWhere stories live. Discover now