Chapter 48

125 1 3
                                    

Hinatid ako ni Draven sa bahay at pinagluto niya ako ng chicken soup. "Baka naistorbo na naman kita, Drave." Nakokonsensya ako dahil andito na naman siya at inaasikaso ako. Paano sila matatahimik ni Abhaya kung andito ako para guluhin sila.






"Kahit kailan hindi ka naging istorbo para sa akin, Lisse." He placed a small bowl in front of me and I can't help but to smile at my cousin.






"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko habang inaaral ang klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin, pero naghahanap siya ng timing.





"I'm so proud of you, Lisse." He answered.






Napakunot naman ang aking noo.





"Proud of me? Why?" Magkasalubong ang kilay kong tanong saka humigop ng sabaw.






"Na kaya mo kasing sabihin sa kanila ang tunay na nararamdaman mo. That's a brave one, Lisse! Ang saya ko kasi nagawa mong sabihin sa kanila." Napangiti si Draven at tinapik-tapik na naman niya ang kamay ko na nasa may counter nakalagay dito sa kusina.






Nakangiti akong nag-continue sa pag inom nung sabaw at sobrang sarap talaga. Ang swerte ni Abhaya, ah.






"Wala ka bang shooting ngayon, Drave?" I asked curiously.






Agad namang umalis sa pagkaka upo niya sa high stool si Draven saka lumapit doon sa pinaglutuan niya at kumuha na din ng sarili niyang soup. Pagkatapos niya sa kanyang ginagawa ay naupo siya ulit at humigop bago sinagot ang tanong ko.






"It's my free day." Masaya niyang sabi sa akin.




"Oh! You should be with Abhaya right now." I said to my cousin with an apologetic face.






"Nag-away kami." Maikli niyang sabi at hindi ko na magawang makangiti.






May problema si Draven na kailangan niyang ayusin, pero hindi niya siguro magawa dahil inaalagaan niya ang pabebe niyang pinsan. Bakit ba kasi ang hirap kong pakisamahan? Why do I need someone to protect me? Why do I need someone to do these things for me? Why do I need someone to be here for me? Ang weak lang.








"I hope it's not about me." Malungkot kong wika.






I heard a low chuckle from my cousin. "Not all the things are about you, Lisse. Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Sinisira mo utak mo niyan, eh." My cousin said through a voice full of humor. Well, yung last sentence lang naman sa sinabi niya. Gusto kong maniwala, pero nakokonsensya parin ako. Hindi ko matanggap.








"I'll try not to think about things." Sabi ko nalang at nagpatuloy sa paghigop ng sabaw.






Tumayo si Draven ng makarinig kami ng doorbell. "I'll do it." Sabi niya at umalis na dito sa loob ng kusina. Hinintay ko nalang ang pinsan ko habang inaaliw ko ang aking sarili sa paghigop ng sabaw. Ang sarap talaga! Ba't ba ang talented ng pinsan ko tapos ako hindi? Unfair.







"Oh! Pizza!" Pakiramdam ko ay gumaan ang feeling ko habang nakatingin sa isang box ng pizza. Mukhang tama nga 'yong sinabi ni Zild sa akin. Foods takes the stress away!






"Para ka talagang bata minsan." Komento ni Draven nang dali-dali kong buksan ang box ng pizza at agad na kumain nito. Nilantakan agad, eh. Nakaramdam kasi agad ako ng gutom.





Para bang hindi ako pinakain ng ilang araw.






Hindi ko nalang pinansin si Draven at nagpatuloy sa pag kain. "Sabihin mo nga pala kay Abhaya na sorry para sa akin, kasi naaagaw ko yung oras mo na para sana sa kanya. I'm so sorry!" Sabi ko habang nakanguso.







Pakiramdam ko talaga na ako ang dahilan ng away nila. "Oh, damn! Hindi ko nalang dapat pala sinabi sayo na nag-away kami. You're an over thinker." Sabay pitik ng pinsan ko sa aking noo kaya inirapan ko nalang siya.







Nagpatuloy kami sa pag kain at nang matapos kami ay nagpaalam si Draven na uuwi muna siya. Binilinan niya pa ako na huwag daw akong mag self-harm. Kung gagawin ko daw ay baka siya na mismo ang pumatay sa akin. Tinawanan ko nalang si Draven bago siya umalis.






Pagka alis ng pinsan ko ay agad akong pumunta sa kwarto ko at sumalampak sa kama. This is the most tiring day of my life! Pakiramdam ko ay binugbog ako ng napakaramin tao. Para bang nag training ako ng taekwondo at iba pang self defense ng ilang oras.
Sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.











Nagising ako ng maamoy ko ang bango ng isang hot chocolate. Damn! I can't resist hot chocolates! Napabangon ako saka hinarap ang isang mug na nasa may side table lang.





Pagkatapos kong sumimsim ay napatingin ako sa mug at sa laman nitong tsokolate. Ang sarap! Pinapakain ako ng mga tao ng masarap sa araw na 'to, ah. Ngayon na ba ang araw ko para mamatay? Bakit hindi ako na-update?






"Good morning!" Napabalikwas ako sa aking pagkaka upo dito sa kama at muntikan ko pang matapunan ng mainit na tsokolate ang aking bed sheets. Shit naman talaga!






Napakurap-kurap ako saka hinarap si Brett na nasa may pintuan. He's half naked and his damn six-pack abs and deep v-line are showing up. Gustong-gusto niya atang i-model yang katawan na yan.







"Ba't ka andito?"





"Pampering my future wife." He answered.




Pagak naman akong napatawa. "Eh hindi nga kita boyfriend, eh. Saan mo napulot 'yang mga pinagsasabi mo?" Sarkastiko kong tanong.













I heard him sigh and his footsteps. Agad kong inabot ang mainit na tsokolate at uminom nito. Napalagok ako saka siya tinapunan ng tingin bago inilapag ang mug sa side table ulit.









Inilagay niya sa likuran ng aking tenga ang takas na buhok. "I forgot to say that you look beautiful with your short highlighted with red hair." Tinaasan ko siya ng aking kilay ng marinig ko ang sinabi niya.






Ano bang pinupunto niya ngayon? "May kailangan ka ba?" Mataray kong tanong.






He nodded. "Meron nga." He said with a smirk.




Kunwari ay nag-iisip ako habang napatingala. Ang totoo naman kasi talaga ay umiiwas ako sa tingin na ipinupukol niya sa akin. Hindi ko kasi matagalan. Ang hirap iwasan.






"May pera ka naman. Mukhang mas marami pa nga 'yang pera mo kesa sa amin, eh. Parang nasa iyo naman ang lahat, Brett. Nasa iyo na nga talaga lahat---" he cut me off when he spoke.






"Maliban sayo. Oo nga. Maliban sayo." Tatango-tango niya pang sabi na para bang may na-realize siya.






"Nasisiraan ka na ba?" Kasi ako, oo. Nasisiraan na talaga ako dahil sa mga pinagsasabi mo ngayon. Ang lakas ng impact sa akin, eh. Parang hindi ko maiiwasan.







"Ikaw nalang ang kulang sa buhay ko, Lofranco. Ikaw ang kukompleto sa puso ko. You are my love. My everything. My Lofranco. Please, hear my heart out and hear yours, too. Let me hear it. Let me know what you feel." Marahan niyang sabi. Kinuha niya ang kamay ko at nilapat ang aking palad sa may dibdib niya. Oh, my ghad! Naramdaman ko na naman ang matigas niyang dibdib. "And this heart...is all yours. Sayo lang ito kaya sinasabi ko na sayo ngayon, ikaw nalang ang kulang." Sabay lapat niya ng halik sa aking noo. "Complete me, Lofranco. Be my wife. Own me. I'm all yours now. Without a doubt." And after saying it, he sealed it with a loving and passionate kiss.




















- - -
CHAPTER 48

In The DarkWhere stories live. Discover now