Chapter 23

120 2 1
                                    

Nakarating naman ako ng safe sa bahay namin. Sekreto akong pinahatid ni grandmama sa kanyang driver kaya agad din akong nakaalis doon ng tagumpay.


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Pakiramdam ko kasi ang empty empty ko ngayon. Yun bang hindi ko masabi kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Gusto ko nalang talagang maglaho sa mundong 'to. Gusto ko na magpahinga.


Pumasok ako sa aming bahay at ni wala man lang akong nakita na anino ng isang tao. Saan naman kaya napunta ang mga kasamahan ko dito kagabi? Bakit wala man lang akong mahagilap sa bahay na ito? Pagod akong napasalampak ng upo sa single sofa atsaka napabuntong-hininga. What happened? Ako mismo ang bumungad kay Manang nang makapasok siya dito sa loob ng bahay.


"M-Mel..." napasinghap si Manang at napahawak pa sa may dibdib niya. Parang unexpected ang pagkaka kita niya sa akin dito. "Anong ginagawa mo dito, anak?" Tanong niya sa akin. Dahan-dahan na siyang nakalapit sa akin saka tumayo sa aking harapan.


"Umuwi po ako." Tanging sagot ko dahil wala rin naman akong ibang masasagot. It's just...umuwi lang talaga ako.

Hindi nakalagpas sa akin ang pagtulo ng kanyang luha. "Ang D-Daddy mo, anak..." suminghot siya at sunod-sunod na ang ginawang pagpatak ng kanyang mga luha. Isang malakas na pagkabog ang ginawa ng puso ko at napatayo ako ng wala sa oras.



"Bakit, manang? Anong nangyari?!" Nabigla kong tanong.

Parang may nagkakarerahan sa loob ng puso ko at tingin ko ay hindi ito titigil hanggang sa hindi ko makita ang daddy na okay lang. Ayokong may masamang mangyari sa kanya. "Nasa hospital siya, anak." Naiiyak niyang sagot.


Kinuha ko ang aking handbag saka tiningnan si Manang sa isa pang pagkakataon. "What hospital?" Naiiyak niya akong sinagot at pagkalabas ko ay bumulaga sa akin ang pagmumukha ni mommy at ng isang pamilyar na lalake. Wait, Mr. Tuazon?! Daddy ni Georgia?!
"What the hell are you doing here, Tuazon?!" Gigil kong tanong sa lalakeng kasama ni mommy.

At bakit sila magkasama?!

"M-Melisse..." bakit nauutal na ang mga tao pag pangalan ko na ang binabanggit nila?! Ganun ba sila ka-guilty?! Kasi pakiramdam ko...ngayong nakikita ko ang mga mata ni mommy ay sobrang nakokonsensya siya na ewan.


"Ba't kayo magkasama?" Galit kong tanong.

Halos mapaluhod si mommy sa harapan ko na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo. Bakit siya ganyan?! "Huminahon ka muna, Melisse." Napasinghap ako ng magsalita ang daddy ni Georgia. I want a fucking clear explanation! Ayokong sinasabihan ako na huminahon ako lalo na at hindi ngayon ang panahon para maging mahinahon. "Your mom will explain everything. Not this time. We'll explain it to you." And now, I'm focusing my gaze at Mr. Tuazon.




"Ha! Don't talk to me as if we're close." May halong pait kong sabi.

"Mel, don't talk like that." May halong pagmamakaawang sabi ni mommy sa akin habang umiiyak.


"Don't tell me what to do, my! Not when I can't have or when I can't hear the explanation I am wanting to hear!!!" Galit kong sigaw.


Puno na talaga ng galit at inis 'yong puso ko. Hindi ko na magawang kontrolin. Ang gusto ko nalang gawin ay ang alisin ang mga toxic na tao sa buhay ko. Ang mawala sila.
Cutting toxic people off from your life doesn't mean that you hate them. It just means that you respect yourself enough to remove negativity and stress from your life by not having to deal with them anymore. I hate dealing with it, because I've beem dealing with them for years now. Ayoko na! Pakiramdam ko naman kasi ay hindi sila nawawala. Now, my main goal is this one. I'll remove toxic people from my life. I'm tired dealing with them.






In The DarkWhere stories live. Discover now