Chapter 41

113 4 2
                                    

Nagpe-prepare na ako para maligo sa dagat at nagbihis na ako ng black na two-piece at bumalik na ako dito sa may beach. Naupo muna ako sa recliner at naglagay ng lotion sa katawan ko. Nakatingin parin ako sa dagat ng biglang tumunog ang iPhone ko at nakatanggap ng message galing kay Draven.









From: Draven

Hey, nakapa sched na ako ng session mo kay Dra. Sheena.





What?! Bakit niya naman ako ipapa session? Babalik na naman ba ako sa rehab na pinanggalingan ko? Akala ko nga sa mental hospital ako dadalhin, pero pina rehab ako ng walanghiya kong pinsan.







To: Draven
Okay.







Ayoko namang ayawan, lalo na at mukhang kailangan ko ngang um-attend ng session. Pakiramdam ko kasi ay malapit na naman akong mag breakdown. Nakaka inis! Ang hirap kontrolin ng emosyon ko. Sobra. Hindi ko kayang i-handle ang mga problema. Naging komportable ako na sa akin nalang ang problema ko.





Tinatago ko para hindi makita ng ibang tao na marami akong problema.



Inis kong kinuha ang iPhone ko ng marinig ko ang ringtone para sa mga tumatawag. "Ang gulo mo, Drave. Nagre-relax yung tao, istorbo ka naman." Reklamo ko.






I heard him chuckling from the other line. "Pasalamat ka nga at inaalagaan kita." He jokingly told me. Hindi ko napigilan ang mapa irap.






"Sinabi ko bang alagaan mo ako?" Tinarayan ko siya at napatawa naman siya sa kabilang linya. Baliw!





"Hindi. Pero pinsan kita, eh, kaya aalagaan kita hangga't sa alam kong independent ka na." Hindi ko napigilan ang pag ngiti ko ng marinig ko iyon mula sa kanya. Napaka caring talaga nitong isang 'to. Himalang hindi niya pa ako iniiwan, kahit na ang tigas ng ulo ko at sobrang ang hirap kong intindihin. Pakiramdam ko nga ay si Draven lang talaga iyong nag i-stay sa buhay ko kahit gaano ako kahirap pakisamahan.






"Ang sweet mo, ah! Epekto ba yan ng pagmamahal mo kay Dok?" Biro kong tanong.






Agad ko naman siyang narinig na napatikhim sa kabilang linya at sa naging reaksyon niya pa lang ay alam kong may problema siya. "This coming saturday na ang session mo. Um-attend ka kung ayaw mong tuluyan kitang ipatapon sa mental hospital." Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtawa.





Mukhang willing na willing nga siyang ipadala ako sa mental hospital kung saka-sakali.






"Yes, sir." I jokingly answered and ended the call.







Nakarinig ako ng mga hagikhikan at nakita kong paparating na si Georgia at ang mga kaibigan na sinama niya pa talaga.






Minsan talaga ang sarap niyang batukan, dahil sa mga desisyon niya sa buhay na siya lang ang nakaka intindi. "Hey, Melisse! Swimming?" Agad niyang tinanggal ang suot niyang robe at pinakita sa akin ang kulay red niyang two-piece. Tinaasan niya ako ng kilay at para bang nandidiri niya akong tiningnan. The guts of this woman!







"Yeah. Mauna ka na muna at susundan lang kita para lunurin." Sabi ko sa pinaka sarkastikong paraan. Agad niya naman akong inirapan at parang model na naglakad patungo sa tubig-dagat.







Pinanuod ko siyang nagtampisaw kasama ang kanyang mga amiga kaya nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. I felt someone's palm on my back, rubbing something on it. "You should be inside my room." Sinundan ng mahinang halakhak ang boses niya kaya napairap ako. Gaya ng ginawa niya noon ay pinagitnaan ako ng magkabila niyang hita at mas hinapit ako papalapit sa kanya.









In The DarkWhere stories live. Discover now