Chapter 20

124 4 0
                                    

"COLE!!!" hindi makapaniwala kong bungad sa kanya ng makarating na talaga kami sa kanilang resort.

"Yeah?" Natatawa niyang tanong.

"Akala ko ba hindi masyadong malaki ang resort nyo?" Naiinis kong tanong. He lied. Eto ba ang hindi masyadong malaki? Tama tama lang? Aba! Manloloko! Ang laki-laki nitong resort na eto, eh!

"Oh? Anong meron?" Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay tinaasan ko agad siya ng kilay. Oh, my ghad! Ano bang nasa utak niya? Anong tumatakbo sa loob ng kanyang utak?! Eto ba talaga iyong hindi masyadong malaki para sa kanya? Unbelievable! Nang hindi ako makasagot ay napalapit pa siya sa akin saka ako hinawi sa aking baywang. "What are you thinking?" He curiously asked me.

Pabiro kong inilapit ang aking pagmumukha sa may tenga niya. Gamit ang isa kong kamay ay hinawakan ko ang kabilang gilid ng kanyang mukha habang bumubulong ako. "Kung gaano ka kayaman." Narinig ko na naman ang paghalakhak niya kaya lumayo na ako lalo na at para na naman akong nakuryente. Grabe! Hindi ko na alam kung anong nangyayari.

"Mayaman na 'to para sayo?" Tanong niya.

"Damn you! Of course!" Sagot ko.

He just chuckled at my response.

He guided me to a wooden cottage. Ang ganda! Pinakinis na mga kahoy at iba pang mga palamuti na umaangkop talaga para sa isang beach resort. "You like it here?" Tanong niya sa akin.

I immediately nodded my head. "Oh, my ghad! Sinong hindi? Sobrang ganda kaya ng resort nyo!" I answered.

Napahalakhak na naman siya sa sinabi ko kaya hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. Inilabas niya ang kanyang dila para asarin ako kaya agad kong hinampas ang matigas niyang braso. Damn! Mababaliw ang babaeng makakahawak nito parati. "APO!" i frozed. Oh, my ghad! "You're back!" An old woman happily exclaimed. Para bang ang saya-saya niya talaga ngayong nakikita niya si Cole.

Oh, my ghad! She is probably Cole's grandmother!

"Grandmama..." may halong pagka caring at pagmamahal ang pagkasabi non ni Cole saka niya niyakap pabalik ang kanyang lola. "I missed you!" Cole kissed his grandmother's forehead that made his grandmama squealed with joy.

Ang cute!!!

"Mas na-miss ka ni grandmama, Drei!" Malambing na sabi ng matanda at mas hinigpitan pa ata ang yakap sa apo.

"Oh! Apo!" Dumating din ang isang matandang lalake kaya ramdam ko na agad ang pagka out of place. Nyay! Mukhang reunion dapat nilang tatlo ito. Mukhang ngayon lang sila nagkita ulit. They both hugged in a manly way and I can tell that the old folks are really happy to see their grandson. Beyond happy. "Good to see you here." Sabi ng kanyang lolo. Nabigla ako nang maramdaman kong may humawak sa aking kamay.

I'm shocked to see Cole's grandmother holding my hand and smiling at me. Napaka sweet ng paraan ng kanyang pag ngiti. This old woman is a perfect definition of the word perfection. Sinong mag-aakala na sa edad niya ay sobrang ganda niya parin. Ah! Sana ganyan din ako kaganda kahit na lalagpas na sa 60 ang edad ko. Ang ganda talaga ng grandmama ni Cole. "Cole, siya ba ang girlfriend mo?" Nanlaki ang mga mata ko ng magtanong ang lola ni Cole.

"Soon, grandmama..." pinandilatan ko agad ng aking mga mata si Cole na tumatawa.


"Yay! Gusto ko na talagang mag-asawa ka, Cole! Gusto ko ng makita ang mga anak mo!" Masayang sabi ng matandang babae kaya nagtawanan naman kami pero sa loob-loob ko ay nakailan na ako sa ginawang paglunok.

Lumapit si Cole sa akin at hinapit na naman ako sa pamamagitan ng paglapat ng kanyang mainit na palad sa manipis kong suot na dress na pang opisina pa. "Ano? Gawin na ba natin dito, bibi?" Nanlaki ang mga mata ko at agad ko siyang hinampas sa kanyang braso.

In The DarkWhere stories live. Discover now