Chapter 2

280 8 0
                                    

Naupo na siya sa isang swivel chair na nasa dulo nitong mahabang wooden table at napanguso ako bago din naupo dito sa kaharap na dulo din ng table. He's impatiently turning the pages of the papers and I can't help but to admire him. He's too serious and it suits him perfectly.

"Stop staring at me and do your job here as a temporary president." He told me using his cold voice. Why can't I stop myself from admiring him?

"I can't stop it especially when you're too gorgeous. I can't handle it." May halong pang lalandi kong sabi. Maaasahan niya ako na sa kanya lang ako lalandi.

It's for Brett only.

I heard him groaned. Para bang naf-frustrate siya sa nangyayari ngayon at parang hindi niya na ako makayanan. Oops! I think I need to slow down. "Stop whoring here." Napakurap-kurap ako sa narinig. Para bang may tumama na punyal sa dibdib ko. "I bet, you're doing that to every man you like." Dagdag niya na mas ikinakurap ko at para bang umurong iyong dila ko at hindi na ako makapagsalita.

I know he's harsh, but that's below the belt.

Hindi pa ako napagsalitaan ng ganyan.

"You're wrong. I only do it to the the man I stalked for years." Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa narinig niya mula sa akin. Buti nalang at nakabawi ako sa nakakasakit na salita na binitawan niya. Tsk!

"Are you saying that you are a stalker? Hmmm..." he asked calmly, but still cold.

"Nang dahil ata sayo naging stalker ako." Banat ko, pero nanatili parin siyang seryoso.

Ni hindi niya ako tinitingnan. Why?! May mali ba sa pagmumukha ko ngayon? May dumi sa mukha ko? Damn it! "Stop what you're doing, Miss Lofranco. Do your job here as a president." Mariin niyang sabi saka siya tumigil sa tinitingnan niyang mga papers at isinara ang folder.

Napatikhim ako saka ko kinuha ang folder na nilapag ng sekretarya ni mommy sa tabi at agad itong binasa. Ghad! Wala talaga akong interes sa business, pero nakapasa pa din naman ako. I graduated. Fortunately. Pakiramdam ko ay nablangko ang isipan ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang mga salitang ibabato ko. "Siguro naman alam mo na magpapatayo ulit ng bagong mall, dahil dumadami na ang nag i-invest sa kompanya namin," I stopped when I saw him looking at me.

"Be humble when you talk, Missy." Napataas ang aking kilay sa narinig mula sa kanya. Ano daw?

"What's your problem with the way I talk?" Mataray kong tanong. Am I not humble when I talk? Ano bang mali sa sinabi ko?

"Continue..." he coldy told me.

Nakunot nalang ang aking noo saka ko binalingan ulit ang mga papers at halos gusto ko ng mag walk-out dahil hindi ko pa naiintindihan ang ibang nababasa ko rito. Aish! Napalunok ako sa hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng ginawa. Ghad! "The board decided to build a bigger mall and..." Mel, you shouldn't disappoint your long time love. Oh, ghad! Mom, why me?! Nahihirapan na ako dito, oh.

Kaya ko naman talaga 'to, eh, kung hindi lang si Brett ang nasa harapan ko at matiim na nakikinig. Seriously? Kung kailan hindi ko hiniling na magkatagpo kami, dun naman kami pagtatagpuin. Leche lang? Nananadya ata ang tadhana, eh. "Incompetent." Napakagat ako sa aking labi ng marinig iyon.

Huh?

"So, are you going to invest money for this project?" Wala akong ibang maisip kaya nagtanong nalang ako at saka napasandal sa aking kinauupuang swivel chair.

Tumayo siya kaya agad akong na estatwa sa aking kinauupuan. Anong plano niyang gawin? Damn it! Ako naman kasi iyong nag plano, eh, ba't parang bumaliktad?!
"Not until you talk like a real president." My jaw dropped.

"Hey, what?!" naiinis kong tanong sa kanya.

Hindi man lang ako pinakitaan ng kung anong ekspresyon. Parang wala talaga siyang pakialam kung anong nangyayari dito sa paligid niya. "Babalik ako bukas, kaya paghandaan mo ang pagbabalik ko. That'll be your last card, miss." Hindi ko alam ha, pero parang may something sa pagkakasabi niya sa miss. Hmmm...

Bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya sa aking harapan at tuluyang lumabas.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatayo din ako at sinundan siya ng tingin. "Damn...you're so hot, Brett Sanford." Kunwari pa ay pinunasan ko iyong laway na tumulo. Gross! Pumasok nalang ulit ako sa room at kinuha ang mga gamit ko.

"What can I do for you, miss? Do you want coffee?" The secretary asked me.

I shook my head. "Juice nalang. Pineapple." I said.

The secretary opened the door for me at sabay kaming pumasok sa opisina ni mommy.

Hindi ko nalang itatanong ang pangalan niya. Makakalimutin kasi ako. Baka ma-disappoint pa siya kung ibang pangalan ang itawag ko sa kanya. Yung pangalan lang naman ni Brett ang paniguradong hindi ko nakakalimutan, eh.

Inayos lang nung secretary ang ibang folders bago niya ako iniwan dito sa loob ng opisina ni mommy. Lumapit ako sa full-length glass window at kitang-kita ko ang iba pang matataas na building pero syempre, hindi magpapatalbog pamilya ko sa kataasan at kalakihan ng kompanya namin.

I grew up being alone. Wala naman kasi akong mga kapatid. I have a lot of friends, but 1/2 ata doon ay fake. They only befriend me for the sake of my fame and all that I have. Yung ibang tao kasi kung marami kang pag-aari, lalapit at lalapit sila sayo at pag yang kung anong meron ka ay unti-unting mawawala ay ganun din sila. You can't trust people in this world. Minsan nga pati sarili mo hindi mo mapagkakatiwalaaan. You make stupid decisions and that's when you start to lose your trust for yourself.

Well, ganyan kasi ang pakiramdam ko. I have a trust issues and no one's gonna deal with it. Pero...exception naman ata doon ang dalawa kung bestfriend. Ang bestfriend kong babae na kasama ko kagabi at yung bestfriend kong bakla.


Bigla kong narinig ang matinis na pag ring ng aking cellphone kaya agad kong nilapitan ang wooden table at kinuha sa loob ng aking handbag ang iPhone ko. "Hello?" Napatikhim ako pagkatapos kong sagutin ang call ng bakla.

"Mel! I missed you!" Nailayo ko ang speaker ng aking iPhone sa sobrang tinis ng boses ni Avian?

"Oh, I missed you too, Avian!" I answered.

Narinig oo naman ang tila pagsusuka niya. He's too...ewan! "A-vee-ya, Mel! Avia! Walang n! Jusko! Ano ba kasing gagawin ko sayo?!" Naiinis niyang tanong sa akin.

"Oh! Sorry! Alam mo naman..." i trailed off.

I heard him sigh.

"Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos di mo matandaan, leche ka!" Bahala ka dyan.

"Anong meron at napatawag ka?" Kunot-noo kong tanong sa kanya sa kabilang linya.

"Bar tayo mamaya. Gusto kong uminom ng marami." He excitedly told me. Naalala ko naman agad ang sinabi kanina ni Brett.

I have an appointment pala sa long time love ko.

"Nah-uh, I have a work." I announced.

Um-acting naman ang baliw na mukhang nasusuka pa. Shunga talaga! "What?! Kailan ka pa nagta-trabaho, bruha?" Hindi ko nalang siya pinansin at in-end na ang call.


Pumasok na ang secretary dala-dala ang pineapple juice kaya sumaya agad ako pagka kita ko nito. Pagkalapag niya pa lang sa glass ng pineapple juice ay napa inom na ako. "Hmm...sarap! Thank you, secretary!" I said with a smile.

"I'm Ria, miss." Sabay smile niya.

Napakurap-kurap naman ako. "Don't tell me your name nalang, secretary. Malilimutan ko din naman kasi iyan, eh." Sabay kindat ko sa kanya.

She giggled when she heard what I said. "Sige po." Napa bow pa siya atsaka siya umalis sa harapan ko.

Now, I have to make a plan for tomorrow.










- - -
CHAPTER 2

In The DarkWhere stories live. Discover now