Chapter 17

143 3 0
                                    

Busy ako sa pagtitipa dito sa aking laptop ng biglang may pumasok at agad kong naamoy ang pamilyar na pabango. Oh, damn it!






I breathed in and out before looking up. "Hey," pambungad niya sa akin at para naman akong tanga na napatitig sa kanya. He's now wearing a three-piece suit and I'd be lying if I tell you that he's ugly. No, he's not. Perfection's been screaming. "Tulala ka na nito?" Sabay pasada niya ng kanyang kamay sa suit niya sa harapan at hindi ko mapigilan ang mapalunok.




Damn! Asan na ba ang walang pakialam ko na side? Para kasing hindi lalabas pag si Cole ang kaharap ko.





Nang maka iwas ako ng tingin ay nasalba ko na din ang aking sarili.


I managed to talk. "Shut up. Hindi ka nakakatulong para maibsan ang stress ko." Of course, it's a lie when it comes to him. I'd like to compliment him, but I know he'll boast about it when he's in front of me. He's Cole Andrei Gomez after all.




"At least nakita mo ako ngayon at baka mamatay ka na stress. You know, I don't want you to die because you're stressed. Kung mamamatay ka man, dahil dapat 'yon sa kilig." Agad akong napabuntong-hininga sa sinabi niya. "But...I don't want you to die, bibi. You're my future wife....take me on a date, I deserve it, babe. And don't forget the flowers..." at halos gawin na niyang tula ang kanta ni Meghan Trainor na Dear Future husband.



"Gay shit." I mumbled. Natigil siya sa pagsasalita.

"I'm a man, Anicka." Sabay ngiti niya sa akin.


Napatango-tango nalang ako saka nag continue sa pagtitipa sa aking laptop. "Why are you here?" Tanong ko sa kanya kaya mas nanatili ang mabibigat niyang titig sa akin. Cole can be like Brett sometimes. Yung mabibigat at seryosong tingin. Ah, no! I shouldn't compare the both of them. Masyadong seryoso at mabibigat ang titig ni Brett sa akin. Seryoso at mabigat din naman ang ginagawad na tingin ni Cole sa akin, pero yung tipong may gentleness. Yung tipong ayaw akong masaktan. Yan ang nakikita ko sa mga mata ni Cole Gomez.




"I'm visiting you, bibi. Isn't it obvious?" Nakangisi niyang tanong.



Napanguso nalang ako saka sinara ang laptop. "Kahapon mo pa nga ako nakilala. Alam mo, may hidden agenda ka ata, eh." Nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa gwapong nilalang na nasa harapan ko.

"Ang hidden agenda ko lang naman ay ang mahalin ka ng lubusan." Oh, my ghad! Kahapon pa siya, ah. Andami niyang banat.



"Shut it, Gomez." I seriously said.

"I won't, Lofranco." And then...ewan ko ba kung unfair o hindi, pero ayokong may ibang tao na tumatawag sa akin na Lofranco. May isang tao lang na dapat tumawag sa akin ng ganyan. Damn it, Mel! Huwag ka ngang ganyan kay Cole...pero kasi ayoko...




Whatever! Na realize ko ang OA ko, parang yun lang...

Oh, my ghad!

Nababaliw na ako.



"Nakapag lunch ka na?" Out of me being guilty, gusto ko nalang i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay. Kasi naman...hindi ako pinapatahimik ng pagkakatawag ni Cole sa akin na Lofranco.



A damn smirk's now playing on Cole's lips. Ayan na naman...iba na naman ang tumatakbo sa utak niya. Cole, Cole, Cole. "Why? Are you treating me this time?" Akala mo naman ang tagal na naming magka kilala. Eh...kahapon pa nga lang, dba?



In The DarkWhere stories live. Discover now