Chapter 42

107 4 1
                                    

Habang nanghahalik si Brett ay agad namang umahon mula sa dagat ang nanggagalaiting si Georgia at saka siya lumapit sa kinaroroonan namin. "Brett!" Tawag-pansin niya sa lalakeng kasama ko na busyng-busy sa pang-aamoy sa akin.





"Hey, Georgia!" Mapang-asar kong sambit at sinamaan niya naman ako ng kanyang tingin kaya napatawa nalang ako.



"Yes?" Sagot ni Brett na mukhang ngayon lang na-realize na may dumating pala na impakta. Sana nga hindi niya na-realize, eh.




"Diba you promised me na tuturuan mo akong mag jetski?" Kinikilig niyang tanong sa kay Brett. Umalis na ako sa tabi ni Brett at naupo sa kabilang recliner.





Bumaling ang atensyon ni Brett sa akin at mapaglaro akong tinitigan kasabay ng pag-angat ng gilid ng kanyang labi.




"You know how to make a promise?" Mataray kong tanong kay Brett na mukhang nagpipigil ng tawa. Klarong-klaro sa paraan ng pagkagat niya sa kanyang labi, eh.




"Of course! Hindi nabibigo ang mga promise pag ako na ang nagsabi." He playfully said. From serious to being playful. I love how fast his emotions can change right now. Alam niyang selos na selos ako diyan kay Georgia. Sa mga tingin pa lang niya ay alam ko nang may alam siya sa nararamdaman ko. Sana naman alam niya rin na nagtitimpi nalang ako diyan kay Georgia!




"Talaga lang,huh?" Mataray kong tanong.



"Brett...let's go." Hindi niya pinansin si Georgia at mas binigyan lang ako ng kanyang mapaglarong tingin.




"I'm sorry, Georgia. I'm busy right now." Sagot ni Brett habang nasa akin parin ang paningin.

I smirked.




"Busy with what?" Maarteng tanong ng babaeng malandi. Aish!

"Busy with me. Isn't it obvious?" Mataray kong tanong sa kanya kaya agad niya naman akong tinarayan pabalik.







"Pwedeng mamayang gabi nalang, Geor?" Tanong ni Brett kaya matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. He laughed at my reaction.





"Bakit mamayang gabi? Pwede namang...ngayon nalang. Para matusta kayo sa sobrang init." Naiinis kong sabi sa kanila at nakita ko namang napalapit si Georgia kay Brett na naka upo sa kinauupuan kong recliner kanina. Bwesit!




"You have a nice idea, Brett! Mas romantic pag gabi mo ako tuturuan." Ang harot!




"Pwede bang tumigil ka kung ayaw mong ipalaklak ko sayo ang lotion na ito!?" Nauubos pasensya ko sa babaeng 'to. Hindi ba talaga siya titigil? Baka kasi makulong ako kung hindi niya mapigilan ang paghaharot niya kay Brett. Ito namang si Brett, nagpapalandi. Bwesit talaga! Ang sarap nilang ibaon dito sa buhangin!




"Ang highblood mo naman, Melisse. Chill ka lang." Agad akong tumayo at iniwan sila doon. Bahala sila diyan. Minsan kasi nakakapagod ipaglaban ang taong mahal mo kung hindi naman kayo mutual understanding sa parteng 'yan. Ewan ko kay Brett!






Naglakad nalang ako papunta sa pool area at mas nakita ko 'yong ibang ka team namin dito. Nakita ko pa si Cole na nilalandi si Blessica habang nasa pool sila. Oh, my ghad! Mukhang kailangan kong magpunta sa private pool nila dito. Ayoko dito! Cool na naman kami ni Cole but, I can't stand seeing him with Blessica. I don't know kung anong inaarte-arte ko dito. Feel ko lang kasing mag-inarte.






In The DarkWhere stories live. Discover now