Chapter 24

109 2 0
                                    

Marahas ang pag lapag ko ng shot glass sa may counter kaya agad itong nabasag. I just got my hand wounded. Napakagat ako sa aking labi ng unti-unting maramdaman ang sakit nito. Shit! Pang-ilang shot ko na 'to kaya ramdam ko na ang pagkakahilo. Ramdam ko na ang pag atake ng alcohol sa loob ng aking katawan.




"Easy ka lang, miss." Rinig kong sabi ng isang gwapong lalake na nakatabi na sa high stool na kinauupuan ko. I looked at him in pure curiousity. I think I've seen him already. I think he's familiar.



"You're familiar." Pinal kong sabi habang tumango-tango pa.

He laughed at me. "Well, I haven't met a beautiful girl like you before." He winked at me and when he did it, I can really say that he's a real fuckboy.


Well, it suits him.

Gwapo naman siya. Para kasi sa akin, gwapo lang ang may karapatang maging fuckboy. Call me harsh, pero sobrang nakakahiya naman siguro kung pafuckboy-fuckboy ka tapos hindi naman papasa 'yang pagmumukha mo. Kahit sa pagiging fuckboy, may standards din dapat 'yang sinusunod.



"And I already met playboys or fuckboys like you before!" I said with enthusiasm.

I saw how his handsome face frowned in disapproval. Oh! "Judgmental ka, ah." He commented.

I laughed.

"Since birth." Pabiro kong sabi at napatawa ko naman agad siya. Ang babaw naman ng kasiyahan niya. Well, for a playboy like him, natural na ata iyan. They want to give pleasure to their preys. Gusto nilang ipakita sa mga bibiktimahin nila na napapasaya sila nito. That's just for show, darling. Tumatawa sila, pero sa nasa loob ang totoong kulo nila. Naka plano na agad iyan kahit tumatawa pa yan sa harapan mo.




"I like you." He said with a smirk.

I faked a laugh. Sanay naman ako sa mga fuckboys at playboys, pero wala lang talaga ako sa mood ngayon. Parang mas gusto kong pumatay sa galit na nararamdaman ko ngayon. "Para malaman mo, hindi kita like." I told him the truth.

He faked a hurt expression, placing his palm on the left part of his chest. "You like hurting us, noh?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Well, fair share." And it's my turn to wink at him.

"What are you trying to say?" He raised an eyebrow at me and it made me laugh. Not a fake laugh. Ewan ko ba. Hindi ko tuloy alam kung may clue ba siya sa sinabi ko at nagpe-pretend lang siya o talagang clueless din talaga siya.



Napakibit ako ng aking balikat. "Ang mga lalakeng tulad mo ay mahilig manakit ng babae, kaya I'll just return the pain you'd given us." Sabay ngiti ko ng panis.


"You're deep." He stated.

Mabilis ang ginawa kong pag-iling. "Hindi mo parin ako kilala. I'm not that deep. Let's just say that I'm facing the reality. I want to be the karma, you know. Gusto kong maging karma ako ng isang lalake na manloloko." I jokingly stated the last part of what I've said. He chuckled and I just rolled my eyes. "Gotta go." Umalis na ako sa kinauupuan ko pero mabilis ang ginawa niyang paghawak sa may braso ko.


"Please stay." He said. Nakunot ang aking noo. What is he up to? Wala ako sa mood ngayon.


"What? You want a night with me?" It's a joke question for me, but the guy took advantage of what I just asked him. Jerk!

"If you want to..." he answered with his evil smile.

Inilapit ko ang aking katawan sa kanya at napakagat ako sa labi ko. "No, I don't want to." I smiled at him. "...but I can give you this." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at naglapat ang labi naming dalawa. Yun pa nga lang ang ginagawa ko ay napa ungol na siya. Weak! Akala ko pa naman matagal pa bago ko mahanap ang soft spot niya. Yun pala...halik lang? He's funny, huh.

Mahina nga lang para sa akin. Let's just say that he's not that interesting.


Hinila ko ang may baba ng kanyang suot na v-neck shirt at napababa siya sa pagkaka upo sa high stool.

I lost myself.

I think I need this one. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, eh. Ipinulupot ko sa may leeg niya ang aking mga kamay saka ko siya tinulak dito sa may malaking sofa dito sa bar. Mariin ang naging paghawak ko sa kanyang shirt at gusto ko itong alisin sa katawan niya. I adjusted myself in the sofa, while I'm on top of him.


Hinila niya ako sa may braso kaya sumabay ang ulo ko at nagsimula na naman ang maiinit naming halikan. He's hot. I can't deny the fact that he's giving me the pleasures. He's not that weak pala.



He began caressing my legs and I can't help but to thank him using my kisses. Ang sarap sa pakiramdam!




"Oh, my ghad!" I heard a familiar high-pitched voice.


"M-Mel! Toby!" Nabalik ako sa totoong mundo at napaharap sa mga nagmamay-ari ng mga boses na iyon. Nakunot ang noo ko ng makita ang dalawa kong kaibigan.



"What?" Naiirita kong tanong. "And wait, you know him?!" Nabigla kong tanong saka binalingan si Jane ng tingin.


Nanlalaki ang mga mata ni Jane at bigla nalang tumulo ang mga luha niya. I looked at Avia and he's shocked. What did I do? Hindi ba sila sanay na nakikipag make-out ako? I already did this over and over again. Duh!



Nabigla ako ng may humigit sa akin sa may braso at nakunot ang aking noo ng makita si Brett. Halos mawalan ako ng hininga ng makita ko si Brett. Oh, my ghad! Pakiramdam ko ay isa akong cheater. I feel like I'm not a faithful girlfriend, kahit hindi naman naging kami. Kahit...walang kami.


Bago pa ako makaladkad ni Brett paalis dito sa bar ay hinigit naman ni Jane ang braso ko na siyang kinabigla ko. Pero mas nakaka shock pala nung lumapat ang palad niya sa pisngi ko. "That's my boyfriend, Mel! You're making out with my boyfriend!!!" I swallowed the lump in my throat. What?! "You just did what you told me! Ano?! Kung hindi kami dumating, wala na?! I hate you! Ikaw naman pala ang mananakit sa akin." And then another batch of tears flowed down my cheeks.




What the hell did I do?! "Stop...Jane." hinigit ng marahan ni Avia si Jane at para bang labag sa kanyang loob na pigilan si Jane sa pananakit sa akin.




"No! Walanghiya siya! Sa lahat ng pwede niyang landiin, boyfriend ko pa talaga! You are a bitch! A whore! A slut! Ano?! Hindi ka pa ba kontento sa mga lalakeng nagkakandarapa sa yo!?" Oh, my ghad! I can't believe that an angel like her is capable of saying these things. I can't believe what's happening.




"T-That's not you, Jane..." nauutal at mas naiiyak kong sabi sa kanya.



She frowned at me before rolling her eyes. "You turned me into this one, Melisse. I will never be an angel forever." Bago pa man ako makapagsalita ng kung ano pa ay hinigit na talaga ako ni Brett paalis dito sa bar.




Nagpumiglas ako sa mahigpit niyang hawak sa akin. "Bitiwan mo ako, Sanford! Bitaw!!!" Sigaw ko sa kanya. Pakiramdam ko ay ilang ulit akong sinaksak habang paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Jane. Dinagdagan niya ang mga masasakit na salita na natanggap ko sa araw na ito. Mas pinalala niya lang ang nararamdaman ko. I feel like I'm becoming numb.






Nanatiling tahimik si Brett at nagpadala nalang ako sa panghihila niya sa akin. Tagumpay niya akong naisakay sa kanyang sasakyan at iniyak ko nalang lahat ng mga luhang gustong kumawala galing sa aking mga mata. Pinaharurot niya agad ang kanyang sasakyan habang patuloy ang pag-iyak ko habang nakayuko.




Nang huminto na ang kanyang sasakyan sa harap ng bahay ay nagmadali akong umalis. Naramdaman ko ang pagsunod niya pero agad ko din siyang pinagsarhan. Wala akong oras para sa kanya. Hindi ko kakayanin pag dumagdag pa si Brett.



No. I won't let him. Ayokong makarinig ng masasamang salita galing sa kanya. Not now.





Hinding-hindi ko kakayanin.














- - -
CHAPTER 24

In The DarkWhere stories live. Discover now