Chapter 46

109 3 2
                                    

Nakatulala ako habang kaharap si Zild. Kung kanina ay natulala ako sa kagwapuhan niya ay natulala naman ako ngayon habang iniisip ang pag-alis niya. "You'll stay there permanently?" Tanong ko. Yeah. Hindi naman talaga kami close ni Zild. Uhm, what I mean is, mabilis lang naman kaming nagka kilala and it's because of my cousin, Draven. Pero apektado pa rin kasi talaga ako pag may umaalis sa buhay ko.





"Of course, not. May kailangan lang talaga akong gagawin." He told me.




"Kailan uwi mo?" I asked.



Napatawa naman siya ng bahagya sa naging tanong ko. "Hindi pa nga ako nakaka alis, nagtatanong ka na agad kung kailan ang uwi ko." Sinamaan ko agad siya ng tingin.




Si Zild kasi 'yong tipo ng lalake na parang ang dali-daling maka close. Andali niyang i-approach at ang sarap lang niyang kasama talaga.



That's why...I treated him as a friend.




"Just answer me." I demanded. Hindi naman ako girlfriend, pero sa sitwasyon ko ay naco-consider ko na ang sarili ko bilang kaibigan niya na gustong malaman kung saan ang punta niya.





"I'll be back after three years." Sagot niya.



"So,maghihintay pa talaga ako na umuwi ka bago ako magpakasal? Plano pa naman kitang gawin na best man ni Brett." Walang halong biro kong sabi.



Bigla nalang siyang napahalakhak ng malakas at imbis na makita kong naiinis o naiirita ang mga tao sa loob ay para namang nagningning ang mga mata ng kababaihan. Naku! Minsan talaga naiisip kong may plano silang halayin 'tong si Zild.



Siguro ganyan din ako noon.


Napaka creepy ko siguro para kay Brett.




"Alam mong gusto kita, tapos pahihirapan mo pa ako sa kasal mo. Gusto mo bang pigilan ko ang kasal niyo?" He jokingly asked.



"Ghad! Ni hindi pa nga ako sure sa stand ko sa buhay niya tapos kasal na ang nasa isipan ko." Na trauma na ata ako doon sa "I'm not yours to begin with..." niya. Hindi naman kasi talaga. Kasalanan 'yon ni Georgia, eh. Normal lang naman yung sinabi ko sa araw na yun. Dapat naman talagang mag sir siya while presenting. Ah, past is past!




"Then make it sure, Melisse Anicka." Inabot niya ang pisngi ko saka ito hinaplos ng napakarahan. Lecheng kamay yan! Ang lambot! Ganyan ba talaga ang mga kamay ng doktor? " Never put yourself in a situation, where you are not sure of where you stand in a person's life." Marahan ang boses niya ng sinabi niya iyon sa akin.






Ba't ba kasi ganito si Zild?






"Of course, Zild. I'll make it sure. Maybe...not now." humihina ang boses ko habang tinatapos ko ang aking pagsasalita.




He smiled at me genuinely and I guess this is the first time he smiled like this.  "You are really something. One of a kind Melisse Anicka Lofranco." Napasinghap ako dahil sa narinig ko mula sa kanya.






"Seryoso ka? Oo nga naman. Mukhang ako lang ang tao na ganito. Yung baliw." I said.





"Baliw din ba ako? Nagustuhan ko kasi yung baliw." Sabay taas niya ng kanyang kilay sa akin.




Napakurap-kurap ako sa narinig mula sa kanya at napangisi naman siya. "Seryoso ka ba talaga sa pagka gusto mo sa akin, Zild?" Nauutal kong tanong sa kanya. Kinakabahan talaga ako, eh.




In The DarkWhere stories live. Discover now