Chapter 16

130 3 0
                                    

Walang tigil ang ginagawa kong pagta-tap sa mesa ko dito sa office gamit ang aking mga daliri. Nasa may pintuan ang tingin ko, pero kung wala 'yang pintuan, paniguradong napakalayo ng tingin ko. Ang layo din kasi ng pinuntahan ng utak ko.

I heard a faint knock and door opened. I saw the confused look of my secretary, Ria. "Yes?" Binaling ko agad ang paningin ko sa aking laptop na nakasara.

"Mag i-start na po ang meeting, Miss." Napatango naman ako at agad na tumayo. Ria carried other folders that are being placed on my table. Sabay kaming lumabas sa aking office at nagpunta sa conference room. I breathed in before entering the conference room. I saw Georgia. I saw the board members. Dumeretso na agad ako sa may pinakadulo ng table at nag prepare na agad ako. Blanko ang tingin ko kaya wala ding nagtangkang makipag-usap sa akin. Well, marami akong iniisip ngayon. Pero...hindi ko muna ipapahalata.



Nang matapos na ako sa pagse-set-up ay agad na akong nagsimula sa pagsasalita. "Mrs. Lofranco insisted to make a bigger mall. We need to be sure that the place is a good place where we can invite more people to come and shop. It should be located in a place where there are many people who can afford to buy things inside the mall...who can afford to shop. Kailangan nating mas maging mautak sa planong ito, lalo na at may malaking posibilidad na makaka invest tayo ng mas malaking pera. We're about to build the biggest mall here in the Philippines...at sigurado akong bilyon-bilyon ang perang isasakripisyo natin." I flashed a genuine smile while looking around the conference room, looking at the board member's reaction.

I saw someone frowning and saw the others agreeing by the use of nodding.

Sinadya kong tingnan ng mariin si Georgia lalo na at bigla nalang siyang tumikhim ng malakas. Ano? Kailangan mo ba ng tubig?

I mentally rolled my eyes as I waited for her comment. "So, what are we gonna do about that?" She smirked at me and I can't help but to raise one brow.

"Iche-check natin kung makakaya na ba natin na magsimula ngayon." I answered with confidence.

She wants to get even, huh?

"Well, I disagree about that, Ms. Lofranco. Ano namang mapapala natin sa malaking mall? Lalo na at marami na ding malls dito sa Pilipinas. Atsaka, are we boasting other companies about what we have?" Grabe. Lalake siya na nasa may 40's tulad ni Dad, pero para siyang babae. Mukha kasi siyang nagtataray.


Napatikhim ako saka ko siya tiningnan ng mariin. "We aren't boasting about what we have, Mr. I don't know who you are." Agad namang nalukot ang kanyang pagmumukha sa narinig mula sa akin. Para bang nabastos ko agad siya sa Mr. I don't know who you are na tinawag ko sa kanya. Well, I don't know him naman talaga and if he want me to know him, sad to say, but I don't have time to know the details about his life. "We are one of the companies who're competitive. Yes. Marami na ngang malls, but it doesn't mean na hindi na tayo gagawa ng panibagong mall. Hindi naman kasi lahat ng lugar ay may mall na." I explained.


I hate explaining, but I also want to enlighten his dark mind. Para kasing walang alam kaya walang liwanag.

"We are about to sacrifice a big amount of money in this pro--" I cut him off.

Nauubos ang oras ko sa kanya. Mayroon pa akong personal meeting with my college friend, may deal kasi siyang gustong sabihin sa akin, kaya ang pakikipag-usap ko sa taong ganito ay siyang uubos sa oras ko na ginto.

"Unfortunately, you're the one who's not interested about this project and uh, ..." ibinaling ko ang tingin ko kay Georgia at binigyan siya ng mapanuyang tingin. "...of course, magpapahuli pa ba si Georgia?" Mataray kong dagdag saka ulit ibinaling ang paningin ko sa lalakeng naubusan ata ng dugo sa katawan. "If you're not interested, you're free to back out and get your invested money here in this company. Bibigyan kita ng mas magandang offer, kunin mo ang na-invest na pera mula sa akin mismo." I flashed a sweet, sarcastic smile before closing my laptop.



Natahimik ang buong conference room pagkatapos kong mag ligpit. "We're done for today. Have a good day, everyone!" And then I walked out together with Ria.


"Wow naman, miss! Ang taray nyo po doon atsaka sobrang feel ko po ang pagiging authoritative niyo." Hangang-hanga na sabi ni Ria sa akin kaya napahalakhak nalang ako. May special part talaga si Ria sa puso ko. She can lighten up my mood.

"Learn how to do that, Ria, especially when everyone's bitching on you." Natatawa kong sabi at bago ako makapasok sa aking office ay pabiro ko pa siyang kinindatan.

"Alam nyo po bang daddy yun ni Georgia." Nahinto ako sa pag-aayos ng aking mga gamit dito sa table ko saka dahan-dahang napa upo sa aking upuan. Para bang sini-sink in ko pa sa utak ko ang sinabi ni Ria na information.

Minute passed and my laughter echoed through my whole office. Pakiramdam ko nga ay narinig ng mga empleyado ko na nasa kani-kanilang cubicle sa labas.


Pagkatapos kong tumawa ay naka smirk akong nagtaas ng kilay at tumingin kay Ria. "Kaya pala matchy-matchy." Biro ko at natawa din si Ria. Parang hindi ko na secretary si Ria, parang bestfriend ko na nga, eh.



"Dumadaloy po ata sa mga dugo ng Tuazon." Agad akong napatango-tango sa sinabi ni Ria.

"Alam mo, Ria, mahal na mahal na talaga kita. Hahaha! You do know how to entertain a Queen bitch like me." I jokingly said at napairap ako kay Ria ng tumango-tango siya. After seeing my reaction, she laughed so hard kaya pareho kami na ang ending ay halos mabilaukan na sa kakatawa. Umalis na agad si Ria at gagawa daw siya ng pineapple juice for me.



Nag concentrate ako sa pag gagawa ng designs sa isang sketch pad at agad na napasandal sa swivel chair na kinauupuan ko. My mind's wondering. Bakit nga ba ayaw kong mamahala sa kompanya namin, eh okay lang naman kahit na ako ang namamahala ngayon.  Si Brett pa nga ang nag te-train sa akin, kaso...


Wala sa sarili akong napatikhim ng sumagi siya sa isipan ko. Kailan kaya siya magpapakita sa akin ulit? Ewan ko ba...nami-miss ko na kasi ang ultimate love ko. Pero hindi ko din alam kung ba't may kakaiba pa akong nararamdaman. And it's about...Cole.




Naagaw ng aking laptop ang aking atensyon ng tumunog ito. Nag transfer ako sa my facebook account ko at nakita ko agad ang pangalan niya. Speaking of Cole Gomez...






Cole Andrei Gomez sent you a friend request




Wow.

Akala ko hanggang dito lang sa mundo ko siya makikigulo...pati din ata sa social life ko sa social media. Ano na naman bang kailangan niya? Mas lalo niya kasing ginugulo ang utak ko, eh.




In-accept ko din naman.



Siguro naman hindi siya manggugulo ng sobra sa akin dito sa facebook.



Nang ma-accept ko siya ay minuto ang lumipas nakarinig na naman ako ng tunog sa laptop at naka tag ako sa isang post ni Cole....




Cole Andrei Gomez

Finally! We're friends on facebook! I'm a handsome lucky man! Thank you, bibi!





And the post was being flooded with damn curious and envious comments.






Damn you, Gomez! Ano na ang gagawin ko sayo na gumugulo sa isipan ko....na parang gumugulo na din sa puso ko?!!!









- - -

CHAPTER 16

In The DarkWhere stories live. Discover now