Chapter 22

103 3 0
                                    

I got my skin tanned because of the sun. Ilang oras din kaya akong tumambay don, kaya madali akong naluto sa init ng araw.






Inilibot ko ang aking paningin dito sa closed-cottage na tinuluyan ko. Ang grandmama na ni Cole ang naghatid sa akin dito kanina, kasi hindi parin ata tapos sa pakikipag-usap si Cole don sa kapatid ni Brett. Ano nga bang ginagawa nila dito? Hindi ko rin naman alam na magkakilala pala si Cole at ang kapatid ni Brett na si Blessica.





Nakarinig ako ng katok sa labas kaya agad akong tumungo sa may pintuan nitong cottage atsaka pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok.



Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko ng makita ko ang grandmama ni Cole kaya agad kong inayos ang suot kong short shorts at see-through na shirt. "Bakit po?" Marahan ang boses kong tanong.


Kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi may nagawa akong kasalanan.




She smiled at me pero parang nag-aalinlangan. "Pwede ba kitang maka usap, hija?" Eto 'yon, eh. Yung part na magpapakaba talaga sayo. Ano naman kasi ang pag-uusapan? Kaya parang marami na naman ang nakatambay na drummers sa loob ng puso ko.





Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango sa kanya.


Why not?

Bakit hindi ko mas palalain ang nararamdaman kong kaba sa kaloob-looban ko? Naku!



Iginiya ako ng grandmama ni Cole sa kalapit lang na open-cottage at sumunod naman ako sa kanya. The way she walk shows how properly trained she is. Parang ang husay niya sa mga galaw ng mga mayayaman na tao, eh.



Ako kasi ay wala na ring pakealam. Basta ang gusto ko lang ay makalakad.


"Ano po bang pag-uusapan natin?" Tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako makakapagsalita. Alam mo yung ang sobrang dry na ng lalamunan mo. I need a fucking water. Kinakabahan ako masyado sa grandmother ni Cole. Kung ba't niya pa kasi ako dinala dito tapos hindi niya rin naman pala ako masasamahan. Oo, naiinis na talaga ako sa pagkawala ni Cole.




Na-corner ata ako ng kanyang grandmama.




"Nakita ko kayo ni Brett kanina." Agad akong napakagat sa labi ko at ramdam ko ang pagtambol ng aking puso. A-Ano raw? Nakita niya kami?
Damn it, Brett Sanford! Bakit ba kasi ang lapit-lapit mo sa akin kanina tapos may pahalik-halik ka pang nalalaman. "...at nakita ko rin si Blessica na hinahalikan ang apo kong si Cole." Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko sa narinig. What?! Nakaramdam ako ng pag kirot sa puso ko. Bakit hahalikan ni Blessica si Cole?! Anong meron sa kanila? Ewan ko, pero may namuo na luha sa mga mata ko.






"Po? Ba't...nyo po sinasabi sa akin 'to?" Ewan ko talaga. Naiiyak ako. Oh, my ghad! Bakit ako iiyak?!




"Kasi naguguluhan ako sa inyong dalawa ng apo ko. Nung dumating kasi kayo para talaga kayong mag-irog. Tapos...bigla nalang ganun ang makikita ko." Napatango-tango ako sa sinabi ng grandmama ni Cole at wala man lang akong masabi.





Ako din naman. Hindi lang ako kay Cole naguguluhan, pati na rin sa sarili ko. Kanina halos bumigay ako sa mga halik ni Brett sa akin at ngayong sinabihan ako ng lola ni Cole na nakita niyang naghahalikan si Blessica at Cole para naman akong girlfriend na pinag-cheatan. I can't understand myself.




Hindi ko makita ang dati kong sarili. Hindi ko na kilala kung sino man 'tong nagmamay-ari sa katawan ko ngayon. Naguguluhan talaga ako. Big time!





"Hindi ko rin po maintindihan..." I trailed off, feeling the slight pain inside my heart.





Lumapit ang grandmama ni Cole sa akin saka niya nilagay ang kanyang palad sa may balikat ko. She smiled at me. A genuine smile. "I think you need to find yourself, hija. Nakikita ko kasing naguguluhan ka talaga. Kung naguguluhan ka man, mag-isip ka ng paraan para huwag madamay ang ibang tao sa gulo diyan sa utak mo. You need to find an answer." Bigla siyang nag motion sa akin na palapitin ako sa kanya kaya agad akong tumayo at niyakap siya. Ang comfortable habang yakap-yakap ko ang lola ni Cole.





"O-Opo..." memories of my mom and dad fighting and everything that happened in my life these past few days flooded in my mind. Hindi ko napigilan ang pagragasa nila sa loob ng utak ko. Sabay-sabay silang pumasok at mas ginulo ata ang pag-iisip ko kaya hindi ko napigilan ang mapa iyak.






"Alam mo ba kung ba't ikaw ang pinili kong kausapin?" Hindi ko alam. Umiling ako habang yakap-yakap parin ang lola ni Cole. Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin habang hinahaplos ang aking likuran. "Kasi...nakita ko sa mga mata mo na ikaw 'yong mas agrabyado. I can see it in your eyes how you're not able to handle the problems in your life. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang sakit kahit na pinapatawa ka ni Cole. Alam kong may mas mabigat ka pang problema sa buhay mo, anak...kaya sinasabihan kita ngayon na hanapin mo muna ang sarili mo." Tumango-tango ako sa narinig ko mula sa kanya.





"S-Salamat po." Namamaos na naman iyong boses ko kaya mas napaiyak lang ako. It reminded me kung bakit namaos yung boses ko. Kagabi lang nangyari, pero pakiramdam ko ay nangyayari parin hanggang ngayon.





"Hindi mo na kakayanin ang mas nakakapagtaka na pangyayari dito ngayon. I just want to tell you na dating nililigawan ng apo kong si Cole si Blessica pero parating sakit ang binibigay ni Blessica sa apo ko hanggang sa nag give-up siya. Hindi ko nga alam kung ba't bumalik si Blessica, eh. She already caused my grandson a painful heartbreak. To be honest, ang saya ko nung makita kita kanina. Nakita ko kasi na mahal ka talaga ng apo ko. Hija, pag nakita mo na talaga ang sarili mo...doon mo nalang tanungin si Cole, ha?" Sabi ng grandmama ni Cole kaya tumango-tango ako habang umiiyak.




"Yes po. Pakisabi nalang po pala kay Cole na nauna na akong umalis. Parang...ngayon ko na po gustong hanapin ang sarili ko." Tumawa ako...pero may halo pa ring sakit.




Hindi ko mapigilan, eh.




"Good luck." Sabi ng lola ni Cole. "Call me Grandmama now, hija." Niyakap niya ako sa isa pang pagkakataon bago ako pinakawalan.





"Thank you po, grandmama." We smiled at each other bago ako nakapag desisyon na umalis.









- - -
CHAPTER 22

In The DarkWhere stories live. Discover now