Chapter 5

178 10 10
                                    

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako at nakita ko si Brett na dekwatrong naka upo sa isang mahabang sofa dito sa may sala. Nagtama ang paningin namin at hindi ko alam kung naka abot ba ng isang minuto ang ginawa naming pagtitigan. Nakita ko na medyo napa irap siya at mukhang pinagtitimpian niya lang talaga ako. He's really serious looking. I wonder if there's a lighter vibe inside him.

"So, where are you taking me today?" Syempre. I need to act like I'm not part of his fans club.
Para naman maiba. Sometimes a guy notices the girl who's not into him. Kahit hindi madaling gawin ang isang 'yon ay pipilitin ko nalang talaga para mas mapalapit ako sa kanya. Ayoko namang mapunta siya sa ibang babae. Brett's mine and soon, I'll mark him mine.

He looked at me intently and I can't deny the fact that he sent some shivers down my spine. "Dadalhin nga kita sa mga planta niyo atsaka bibisita na din sa chains of mall niyo. You need to see how the workers work." He told me and I can't stop myself from frowning.

"Do I really need to do that?" Maarte kong tanong at napataas naman ang isa niyang kilay sa manly na paraan.

"If you don't want to, then let's stop this." Seryoso niyang sabi atsaka nagtangkang umalis.

"Hey!" Sabay hablot ko sa may braso niya. Naku naman! Hindi man lang ba niya ako pipilitin na pumunta? Well, aasahan ko ba siya sa ganyan? Leche naman, oh. Gwapo nga, wala namang ka sweetan sa katawan niya.

"Decide now." Mariin niyang sambit at para bang sinasabi niyang magmadali ako sa pag-iisip kung sasama ba ako sa kanya o hindi para hindi na masayang ang oras niya. Kapal!

Ba't ba mahal na mahal ko siya?! "Oo na! Sasama na!" Sabay ayos ko sa handbag na dala ko at naunang lumabas. I heard him call my name, but I managed to not care about it. But...napakagandang pakinggan ng pangalan ko pag siya ang tumatawag sa akin. Damn it!

At dahil malalaki ang apak niya ay mas nauna parin siya sa akin ng kaunti. He was about to open the car's door for me when I managed to open it first. I glared at him before going inside his car.

Napahalukipkip ako at siya na mismo ang nagsara ng pintuan kaya napa irap nalang ako saka napakagat sa aking labi.

Damn. Pigilan mo ang ngiti mo, Melisse Anicka! Mamaya mo na ilabas ang kilig mo!

Mahigpit akong napahawak sa may gilid ng sasakyan niya saka ito binitawan. Wala lang. Gusto ko lang talagang mailabas ang nararamdaman ko. I feel like jumping right now.

I want to let this one out.

Sobra akong kinilig.

Shet.

Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at sinimulan na ang pagpapa andar ng engine. Napanguso nalang ako habang nagsisimula na siyang mag drive. I can see from my peripheral vision on how the muscles in his arms flexed. Damn! Naubusan ata ako ng hininga. Napatikhim nalang ako saka ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan ni Brett. Ano ba?! Grabe! Feeling ko nasusunog ako dito sa loob ng sasakyan niya. He's killing me.

Seryoso lang siyang nagda-drive kaya nagpatuloy nalang ako sa pagtingin sa labas. Kulang nalang ay bilangin ko kung ilang puno ang nadaanan namin. Eh kasi naman, ayokong tumingin sa may driver's seat at baka mas lalo lang akong makaramdam ng init sa katawan ko. Just what the fuck! Ano ba kasing iniisip ko. Ang dumi.

Tina-tap ko na sa may sahig ng sasakyan niya ang isa kong paa at hindi na ako mapakali. Hindi niya pa nga hinuhubad yung isa niyang top para yung puting longsleeve nalang ang maiwan na suot niya.

I'm a hopeless case.

Nang tumigil ang sasakyan sa may harapan ng parang malalaking galloons ay napahinga ako ng malalim. Thank you po mahal na Panginoon. Salamat po at nakarating na din kami sa destinasyon namin. "Let's go." Sabi ni Brett kaya nataranta akong sumunod.

In The DarkWhere stories live. Discover now