(Alyssa's POV)
I've decided na huwag nalang munang pumasok ngayon... tsk, total wala naman kaming quiz ngayon, mag se self study nalang ako rito sa dorm... ang importante ngayon is si Den Den... kung aalis kasi ako, walang mag aalaga sa kanya.
I looked at the clock. Kelangan ko na siyang painumin uli ng gamot.
"Den.... Den... gising muna... kelangan mo munang uminom ng gamot..."
"Hmmmm...."
"Den Den, sige na... dilat muna ok? after mo tong inumin.. you can go to sleep again.. sige na..." then pinunasan ko ang pawis niya...
"Hmmmm...." siya..saka bahagyang dumilat. Pinanganga ko siya saka pinainom ng gamot. Tas tiningnan kung mainit pa rin siya. Mejo mainit pa rin siya pero di na ganunkagrabe tulad nung kaninang umaga.
Umupo ako sa kama ko. Well katabi ko lang naman siya kasi magkadikit ang kama namin... pinagpatuloy ko na yong pagbabasa ko. While nagbabantay ako sa kanya, nag aaral ako sa mga maaring i lecture ng prof namin sa 2 subjects ko ngayong araw. Bale laptop at libro ang kaharap ko, then si Den Den sa kaliwa ko.
Ganun ang ayos ko til 4 pm... Nag unat unat ako nang matapos na akong magbasa... wheeeww... grabe! masakit din pala sa ulo ang magself study... pero thank you sa internet, mas napadali ang pagkakaintindi ko sa mga topics.
Then biglang nagring ang phone ko.
Jovee calling...
Napangiti ako at Sinagot agad yon.
"Hello Jovs. Gandang hapon." masaya kong bati
Hi Ly, how are you?
"Eto Ok lang. kaw? musta araw mo?"
Ah ayos lang..."
"Wow, that's good."
Ahm, Ly, dumaan ako sa ateneo kanina.
"Oh really? anong ginagawa mo rito?"
Just wanna see you lang sana? but, mukhang wrong timing ako eh, absent ka kasi.
"Hala, sana sa dorm mo ako pinuntahan."
Haha, sana nga. Pero kapos sa oras. Nagmamadali kasi ako.
"Aw.. sorry Jovs ha."
Ayos lang... ahmmm... pero...
"Ano?"
Pwede ka bang maaya mamayang gabi? dinner? may sasabihinlang ako sa'yo.
"Importante ba yan?"
ah? sa akin? oo... sayo? ewan?
"Haha, adik ka talaga. Yong totoo kasi?"
Haha... ok ok. Oo Ly importante to... kelangan kita para rito.
Napaisip ako, ano kaya yon? saka Lumingon ako kay Den na himbing na himbing pa rin ang tulog saka tsinek kung mainit pa rin siya.
"Sige... anong oras?"
mga 7? pwede? susunduin kita jan.
"7? ok..."
So, bye. May pasok pa ako.
"Ok. Bye. ingat ka ha."
Kaw din.
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...