Chapter 48 Crazy Thingy

17.6K 250 20
                                    

Chapter 48 Crazy Little Thing
---Hahaha di talaga ako sure kung ipupush ko to eh...

😎😎😎😎😎😎😎😎

Mga 1:30 ako hinatid ni Bang sa dorm, yep, gumala kasi kami, tas nilibre pa niya ako ng lunch kanina. Hai, ang aga ba ng uwi ko? well, oo, may pupuntahan kasing importante sina Bang (with her fam), kaya ayon, ang aga natapos ng gala namin... haii....

Pagkapasok ko sa dorm grabe ang tahimik masyado, wala na kasi ang fab 5, kahapon umalis na sila. Tas yong iba, ayon, nagbakasyon din at next week pa babalik. In other words, ako lang mag isa dito sa dorm. :(

Umupo ako sa sofa... ano ba yan... wala akong gagawin. Ang linis naman kasi ng dorm, nakapag general cleaning na rin kasi kami nung isang araw...hmmm...tas ang haba pa hg oras para maghapunan nanaman ako at matulog... alas tres palang kaya. Pinikit ko ang mata ko.

Hmmm... grabe, ang bilis lang ng panahon, kami na ang matuturing na seniors dito... hai... saka nireminisce ko yong mga memories ko, yong unang pasok ko rito, yong mga kulitan namin, yong mga trips, mga games, unang serve ko bilang ALE, unang puntos, mga trainings, mga trip namin dito sa dorm etc... hai... grabe talaga! Huhuhu... namiss ko tuloy bigla ang fab 5.

Then bigla kong naalala, may pinapabigay pala si Mela sakin, nagkita kasi kami kanina, binigay niya yong paper bag sakin para daw kay Kim, jacket daw kasi yon ni Kim...aba! Akalain mo yon? Nagkamabutihan na agad ang dalawa, banggit sakin ni Den Den na yong kapalit daw ng pagbigay ng location ko ni Kim is yong number ni Mela eh... tsk tsk! Pagkatapos ngayon, parang close na sila, sabay pa silang nanuod ng live band nung isang araw daw. Grabe nuh! Bilis ni Pareng Kim eh.

Agad kong tinawagan si Kim na pupunta ako sa kanila tas sabi ko rin dun ako matutulog mamayang gabi, ok naman daw sa mga roommates niya. Kaya nag ayos na ako, nagdala ng 3 sets na damit baka kasi umextend pa ako run eh. hahaha ang lungkot kaya dito sa dorm!!! Hahaha mag weweekend pa naman.

Pagkadating ko dun, actually sa La Salle ako dumiretso eh, may training kasi sila run, may tune up game kasi sila next week, kaya dun ako pumunta. habang nagt-training sina Kim, nagpaalam muna ako na gumala, total mejo malapit lang naman dito yong MOA, dun ko agad naisip na gumala, at isa pa, ayokong isipin nung mga taga La Salle na nag s-spy ako run, naka ateneo shirt pa naman ako.

So pumunta ako sa MOA na dala dala pa rin tong backpack ko, Hahaha... grabe parang mag cacamping nga itsura ko rito o, sana sports bag nalang ginamit ko. hahaha

Habang nagtititingin sa mga damit, nakuha ng isang matanda run ang atensyon ko. Pano, napaka jolly kasi, nakikipagtawanan pa sa mga saleslady dun, na animo parang di iba sa kanya, yon bang parang kaibigan lang niya, alam mo yon, hahaha nakakatuwa lang kasi meron pa palang ganung tao, kahit na mukhang mayaman, di bumibilog ang ulo.

"O siya, thank you mga hija ha... siguradong gaganda na ako nito," sabi nung matanda.

"Sige po ma'am, ingat po kayo!"

At naglakad na ito palabas. And then may nakita ako dun sa upuan, chanel na wallet, wait, ito ata yong wallet na hawak nung matanda kanina ah, di kaya nakalimutan niya?

"Miss, miss," tawag ko sa saleslady. "Kanino tong wallet?"

"Hala, kay Ma'am yan kanina, nakalimutan niya ata."

"Ok, ihahabol ko muna to sa kanya!" sabi ko saka lumabas ng boutique. Sgehz! ambilis naman atang maglakad nung matandang yon, saan na ba yon? And then nakita ko siya sa isa pang boutique, tumitingin ng mga damit. "Ahm, excuse me po,"

Agad naman siyang lumingon sakin, saka ngumiti. Ala eh, ang ganda ni Lola. ay. "Ahm... L-Lola?" ok, mejo naiilang akong tawagin siyang lola, para kasing ang elegante niya eh. "Sa inyo po ata ito?" sabay abot ng wallet.

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon