Chapter 57 Yes
Monday, 2 am... (iwas traffic)
Nag aayos na kami para bumalik sa Manila, si Gretchen mejo maayos na rin ang pakiramdam though nanghihina pa rin. I know hindi lang yon dahil sa lagnat nito, kundi dahil din sa dinaramdam nito. Di rin nga kami nag aattemt na magtanong sa kanya about it eh, ang gloomy gloomy kasi ng aura nito pero di namin hinahayaang mapag isa ito, pinaparamdam namin sa kanya na nandito kami lagi sa tabi niya at hindi siya iiwan, kahit na minsan nagmumukha na kaming tanga sa pagpapatawa sa kanya.
"All set na ba?" tanong ko.
"Yeah... lets go na," sabi ni Ella then bumaling ito kay Ly, "Buti pa sigurong kaw na muna mag drive ng kotse ni Gretch, Ly, baka kung mapano pa yan kung sasabak yan sa mahabaang biyahe at pagda drive... di ka naman na siguro inaantok diba?"
Ngumiti ito. "Di naman, io.on ko nalang stereo niya, para hindi boring," saka lumingon kay Bang. "Di ako makakasama sa yo sa car ha, ako magdadrive ng kotse ni Gretch."
"No probs, Babe, basta mag ingat ka ha," saka humalik sa pisngi ni Ly.
Automatic namang napataas ang kilay ko run. Tsk PDA!
"Bitter!"
Napatingin agad ako kay Lang nun na di ko napansing nasa tabi ko na pala. Agad ko rin naman siyang tinapunan ng masamang tingin. Mang asar ba naman.
"Ok guys! Tara na," sigaw ni Ella sabay clap. Akmang papasok na sana kami sa kotse nang may biglang dumating na white honda civic at pumark yon mismo sa harap namin. Agad kaming nagkatitigang tatlo nun at sabay sabay ding tumingin kay Gretch na nasa loob na ng sasakyan ni Lang. Kilala namin ang may ari ng sasakyang yon.
Lumabas mula sa front seat si Ate Dzi at lumapit samin.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Ella.
"May kelangan lang ayusin ang isang to dito." sabi nito saka kinatok ang binatana na nasa driver's seat. "Come on, Fille, lumabas ka na jan!"
And after 5 seconds ay lumabas na dun si Fille na naka shades pa.
"Maaraw?!" si Lang at Ella yon.
Agad ko namang kinurot ang dalawa sa tagiliran, hahaha madali ko lang gawin yon kasi nasa gitna lang naman nila ako.
Kinuha ni Fille ang suot na shades nito at nakita naming namumugto ang mga mata nito. "So, ano ok na? Gusto niyo talagang makita eh." aba mataray pa rin. Then tumingin ito kay Ate Dzi.
"Do it now." seryosong sabi naman ni Ate Dzi dito.
"Ok." sabi nito saka tumingin saming tatlo. "Excuse me."
"Ha?"
"Dadaan lang sana ako,"
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Di niyo naman siguro itatago si Gretchen sakin diba? So pwede, umalis muna kayo jan, nakaharang kasi kayo eh."
At sabay sabay kaming lumingon sa likod namin at natawa rin dahil nakaharang nga naman talaga kami sa pinto. "Ay sorry..." sabi namin saka nag spread out.
Binuksan naman agad ni Fille ang pinto ng kotse. "Gretch, can we talk?"
"Para saan pa?"
"Please..."
"No."
"Gretchen please,,, I'm begging you. Talk to me." mangiyak ngiyak na sabi ni Fille.
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...