Chapter 35 Cupcakes

17.6K 207 4
                                    

Chapter 35: Cupcakes

(Alyssa's POV)

Balik na kami sa dati ni Den, kaninang umaga, sabay kaming kumain ng almusal, then magkasama ding kaming pumasok school.

Whew, such a fine day... fine weather... di siya ganu kainit, di rin ganu ka kulim lim, katamtaman lang... Unang nagpaalam sakin si Den, mas nauna kasi naming daanan yong building nila, yong samin is sa susunod na building pa.

Nang magkahiwalay na kami, lumiko muna ako sa SG Office, nagcheck kung anong meron sa sched namin, kung may meeting ba o wala, and gaya ng ine expect ko, may meeting kami bukas, para na ata sa graduation yon.

Then after few minutes na tambay dun ay dumiretso na ako sa dept/bldg namin.

Daming students na nakatambay sa labas, at sa hallway... daming tao... hahay, ay oo nga pala.

Ngayong araw na pala ang pinakahinihintay ng mga graduating students, lalalabas na kasi ang result ng exams nila, grades, saka ranks nila at ilang info about sa gradution na sa last week of March magaganap.

"Alyssa!" "Besh!!!!!"

Si Aeriel yon at si Ella. tumatakbo papunta sakin.

"O bakit? Bakit?"

Agad naman nila akong inakbayan sabay abot ng envelope sakin. "Ano to?"

"Buksan mo dali!" Sabi ni Aeriel.

And binuksan ko. Aba, teka lang. Dba dapat nakadikit to, as in close talaga? hmm... "Wait lang, di na nakadikit." saka tumingin sa kanila. "Binuksan niyo na to nuh?"

Agad namang umiwas ng tingin ang dalawa. Tsk tsk Alam na...

And kinuha ko na ang nasa loob. Binasa ko... wait, grades ko to sa sem na to ah... and...

Oh my geeeee!!! totoo ba to?

"Congratz Besh! Dean's Lister ka!" si ella yon

"Congratz Baldowww, nasa Dean's List ka." -Aeriel

"Totoo ba to?" ang saya ko naman... nasa Dean's List ako.

"Ay ganun. akala mo joke?" -Ella, "Hali ka, tingnan natin!" saka hinila nila ako papunta sa bulletin board. "Hanapin mo pangalan mo."

And hinanap ko. "Wala naman dito."

Lumapit sila sa bulletin saka hinanap ang name ko. "Ayan o, Alyssa C. Valdez." turo nila sa pangalan ko.

"Patingin nga? hala pangalan ko nga."

And binatukan nila ako. "Loko loko ka talaga Ly, o ano? libre mo kami lunch?"

"Grabe ka Ella, libre agad?!" reklamo ko.

"Oo naman, nasa dean's list ka kaya, magcelebrate tayo...so, ano payag na?"

Tiningnan ko lang siya.

" sige na besh, manlibre ka na, kami lang naman ni Ayel eh."

"Ay guys. di ako makakasama may pupuntahan kasi ako, hinihintay ko lang yong tawag." -Aeriel

"Ha? Edi mabuti, akin nalang yong parte mo Aeriel."

"Ella! Ang takaw mo!" sabay na sabi namin ni Aeriel.

"Joke lang... o besh. payag na... sama natin si Den."

"Sige, tawagan mo."

"Kaw na."

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon