(Fille's POV)
"Ok, Pa, bye." sabi ko saka in end ang call saka naglakad na, nasa labas na kasi ang mga kasama ko eh. haaiii... kelan ba to matatapos? ayoko nito... sobrang tutol ako sa gusto nila... hai... if only...
Then something caught my attention, 2 persons... kissing. Wait.. I know these 2, yes, kahit madilim, kilalang kilala ko. But sa kasuluk sulukan ng isip ko, nagsasabi na sana hindi sila ang nakikita ko ngayon, please. "Gretch?! Mich?!"
Then napatigil sila, tinulak ni Greta si Mich. "Fille..."
Ugh! Shit!
"Fille, let me explain." Halata ang kaba sa mukha nito.
Umiling ako saka tumakbo, parang may bomba naman na bigla nalang pumutok sa puso ko! Ang sakit sakit! Mas masakit pa to sa break up namin ni Justine, well, iba naman kasi talaga si Gretch eh, mula noon... hanggang ngayon... siya pa rin kasi... kahit naging kami ni Tec, nasa kanya pa rin ang kalahati nitong puso ko. Shit! Ang sakit! Para akong pinagtaksilan! Then di ko nalang namalayan, tumutulo na pala ang luha ko. Kaya Ibang daan ang tinahak ko, ayokong gumawa ng eskandalo kaya sa kabila ako dumaan, ayokong makita ng ibang tao na umiiyak ako, baka kung anu ano nanaman kasi ang mga kwentong lalabas niyan. Pagkalabas ko agad akong pumara ng taxi.
"Ma'am saan po tayo?" tanong ng driver.
"Just go." sabi ko saka umiyak na ako ng umiyak. nasesense ko na nagtataka ang driver kung bakit ako umiiyak, pero di ko na yon pinansin, ang importante kasi ngayon ay mailabas ko to, masakit kasi eh. Lalo na nung nagflashback lahat sakin, yong mga happy moments namin ni Gretchen dati, nung natakot ako kaya sinagot ko bigla si Tec, nung nag confess si Greta,nung sumulpot bigla si Michele saka hinalikan sa harap ko si Greta saying na sila na, nung nag break sila, kung saan sobrang saya ko nun, nung sinabi sakin ng parents ko tungkol sa arranged marriage, ang break up namin ni Tec, yong nasa rooftop kami ni Gretch, at ito... ang makitang naghahalikan si Greta at Michele nanaman, ang kaisa isang karibal ko dito mula pa nun. Ugh shit! Naisip ko nanaman, ang tanga tanga ko!!! Wala sanang Michele sa buhay ni Gretch ngayon kung hindi lang ako naduwag dati.
And then, napansin ko ang lugar kung saan tumatahak ang taxi... wow, seriously? Ang galing din ng taxi driver na to ah. He's heading me to the right place... "Kuya, iliko mo po dyan." sabi ko sa kanya. At niliko naman niya agad, tamang tama, walang tao. After 15 mins, andito na kami. "Eto po bayad." saka bumaba na. Naglakad ako papunta sa ilalim ng tulay, saka umupo dun. This is my hiding place, sa *****bridge, kung saan may privacy ako rito, mejo malayo to sa maingay at magulong pamumuhay sa lungsod (main). palabas na kasi to ng city saka malapit sa isang exclusive subdivision, or village, pribadong pribado saka strikto dito ang mga guards. Umupo ako run, kumuha ng bato saka binato sa tubig. Hay...And then napatingin ako sa semento dun, and mas lalong sumakit yong puso ko sa nakita ko run. (G <3 F) huhu putsa! Kami ni Greta ang sumulat niyan eh, gamit ang pentel pen nito. Andito pa rin pala to. And ayon, yumuko ako at umiyak ulit.
"Fille.."
napatigil ako nang marinig ko ang boses na yon.
"Fille..." tawag niya ulit.
no. wag kang lumingon. Hindi ka dapat niya makitang umiiyak.
Then tumabi siya sa sakin. "hey, you're crying? Ba't ka ba umiiyak?" Aba at nagtanong pa talaga? Inirapan ko lang siya. "Fille..." saka hinawakan ang kamay ko, agad ko namang inalis yon. "Fille... let me explain. Hindi ako ginusto yon. Hinila lang ako." saka bumuntong hininga. " And it's just Michele, wala na kami, alam mo yan, we're friends nalang." just Michele? And friends? May magkaibigan na pala ngayong naghahalikan ng tulad nun...
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...
