Chapter 50 Till She Knew

17.2K 245 21
                                    



And gaya ng inaasahan kaming dalawa ni Den Den ang magkasama ngayon sa kusina.

And ang tahimik talaga namin masyado ngayon, yong tipong pati siguro yong tunog ng langaw maririnig mo pa.,, agh! Awkward eh.

"Hihiwain ko na ba to?" tanong niya.

"Oo."

At isang sagot, isang tanong lang kami ha...

Maya maya...

"Kayo ba talaga yan?"

Pareho kaming napalinong sa nagsalita, at di man lang namin napansing nandun na pala si Ella. "Yan ba ang nagagawa sa inyo ng limang araw na bakasyon natin ha?"

Nagkatinginan kami ni Den pero agad ding nag iwasan ng tingin.

"Hui, Aly, Den, ano bang nangyayari sa inyo?"

"Wala," sabay naming sabi

"Eh bakit ganyan kayo? Kanina pa ako rito nag o observe sa inyo eh...di kayo yong typical na mga beshies ko eh,"

Di kami sumagot, patuloy lang sa ginagawa.

"Den, galit ka pa rin ba kay Ly dahil dun kanina?"

Tinapunan ko ng masamang tingin si Ella.

"O bakit?! totoo naman ah,"

😞 kung alam mo lang Ella.

"Hey, Ella, what are you still doing here?! I've been cleaning the rooftop for almost 15 minutes now alone, and you, just here doing nothing, ah no, you're just there, (sabay turo) sitting and talking to them, Come on! Don't be such a lazy cat there! Do your task!" pagalit na sabi ni Amy na kakababa lang para kumuha ng walis na agad din namang bumalik sa taas.

"Oo na sandali lang,, pero Teka, bakit cat talaga?"

"Eh kasi, bantay salakay ka eh, kaya guys bantayan niyo yong luto niyo ha, " sabi ni Mae na may dalang balde at natawa naman kami run,

tiningnan siya ng masama ni Ella. "Para san yang balde?"

"Tutulong ako kay Amy dun sa taas, ang swerte niya kasi masyado sa partner niya eh,"

"Grabe to!"

"Sumunod ka na kasi,"

"Yeah yeah, susunod na talaga ako jan!"

"You should be!"

Then...

"Ella, hindi ka pa ba susunod kina Amy, baka magalit yon," -sabi ko nang makitang nakaupo pa rin dun si Ella.

"Eh hayaan mo na yon nuh, ganun lang yon kasi anjan mens nun" saka tumayo at kumuha ng cheese lumpia na piniprito ko.

"Ella, wag mong gawing dahilan ang menstruation ni Amy rason kaya nagagalit yon ngayon," biglangsabi ni Den.

"Eh totoo naman kasi, kanina pa yan eh, kaya nga bumaba ako rito diba kasi di kami nagkakaintindihan dun sa taas eh, di pa naman nakakaintindi yon masyado ng tagalog,"

"Baka kasi di mo ginagawa yong task mo,"

Di sumagot si Ella.

"Alam mo Els, nakakainis talaga yong mga taong ganyan, yong mga taong hindi ginagawa o tinutupad ang mga sinasabi nila, or yong mga taong kapag anjan na sa harap nila yong bagay na yan tumatalikod nalang bigla, parang naduduwag,"

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon