Chapter 38 New Partner
Ang awkward...
yon ang masasabi ko... di ako makatingin ng direkta kay Den unlike before after nung ginawa niya... and then... ramdam ko rin na parang umiiwas siya sakin... ngayon, hinihintay ko siyang mag approach sakin saka mag explain, inaantay ko yong 'i'm sorry I was drunk last night,' na sasabihin niya... kahit na... masasaktan ako.. kasi may bahagi sakin na umaasa at nagsasabing hinalikan niya ako dahil yon ang gusto niya... dahil gusto niya ako...
**Sigh**
After nang nangyari kagabi, gaya ng inaasahan, di na namin napag usapan ni Den yon...
Pagkabalik namin sa mga teammates namin, agad kaming nag ayos saka natulog, kinabukasan naman, nag impake saka bumalik sa bahay nila Gretch, and then nag harvest kami ng strawberries... saka nag lunch na. After nun... horseback riding na... limang kabayo yong gamit namin sa paglibot sa farm nila Gretch...
At dahil di kami masyadong nagpapansinan ni Den, eto ako ngayon, kay Ate RAD sumasama...siya naman kela Bea, Ella at Amy.
Nagkukulitan kami ni Ate Rach, iniinggit ko kasi siya, ako kasi nakasakay sa kabayo, siya naman naglalakad kasabay ko. Di raw siya marunong sumakay eh. So sabi ko, ako nalang total di naman siya marunong... ayan parang bata namimilit na siya naman daw.
"Aaahhhh!!!"
"DEN!!!"
Napalingon ako nang marinig ko ang sigaw na yon, At ang pangalan niya. Si Den, nahulog sa kabayo.
"DEN!" sabi ko saka agad agad na nagcommand sa kabayo papunta kela Bea, Ella, Amy at kay Den na ngayon ay nakaupo na sa damuhan at hindi maguhit ang mukha. Nang makalapit na ay agad akong bumaba sa kabayo saka lumuhod sa harap niya. "Den, are you Ok? Patingin nga?" sabi ko nang makita kong hinihipan hipan niya ang siko niya.
"Konting sugat lang naman to." sabi naman niya.
"Patingin nga." sabay tulong sa kanya patayo kaso lumayo siya sakin saka nagpaabot kay Ella, agad naman nito iyon tinulungan. Ako, tumayo nalang. "Di ka kasi nag iingat. Kala ko ba expert ka dyan." sabi ko.
Agad naman siyang lumingon sakin. "Bakit? Ang expert ba hindi na pwede mahulog?!" saka nag walk out.
Agh! Nagalit.
Tiningnan naman ako ng mga teammates ko.
"Nag away ba kayong dalawa?" tanong ni Jem
"H-Ha? Wala? Naman? Ata???"
"Hala ka Ly!!!" tukso naman agad nina Gretch at A
"Habulin mo na yon!"
"Ha?"
"Valdez! Larga na!" si ate Dzi yon.
"Ah o opo.." at agad naman akong tumakbo.
Grabe ang bilis niyang maglakad. Ang layo layo na namin sa teammates namin o.
"DEN!"
Lakad lang siya.
"Den, hintay!"
Sige pa rin siya.
"Den Den.. besh!"
Di niya ako pinapansin, kaya tinakbo ko na talaga hanggang sa makasabay na ako sa kanya. "Den," sabay hawak sa braso ko pero agad niya iyong Iwinalsik niya yon Saka naglakad uli
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...