(Alyssa's POV)
6 pm nagdecide na akong umuwi, kelangan ko pa kasing magpahinga para bukas...
"Aly, sige na bukas ka na umuwi." si Ate Jericha, kapatid ni jovee.
"Ate kasi, oo gusto ko talagang magstay dito, pero di pede kasi eh, may laro kasi kami bukas saka tsinecheck kami ni Coach kung nasa dorm kami the night before the game."
"Aaaghh. sayang naman."
"Jericha, bitiwan mo na nga si Aly." sabi ni Mommy Elen, mama ni Jovee. "Aly, good luck sa laro bukas ha."
"Opo Mommy," o, ansaveh? mommy,.. saka humalik na ako sa pisngi niya.
"Jovee mag ingat sa pagmamaneho ha... ingatan mo yang future anak ko."
Hala, haha future anak, haha tanggap na tanggap na nila ako.
"Ma naman, syempre nuh. mahal ko kaya yan!"
"Naku po! Patay sakin tong si Jovee pagmagloko sa daan."
And biglang kinabahan naman si Jovee.
"Haha Undeeeerrrr...." tukso nila Ate Jericha at Mommy Elen.
"Tsk, sus.. O Ma, Ate, alis na kami, baka lalo kaming gabihin sa daan, kelangan kong maihatid ng maayos ang prinsesa ko sa dorm nila." saka pinagbuksan ako ng pinto.
"Bye na po!" Ako saka pumasok na. Pumasok na rin si Jovee.
Hmmm.. I really enjoyed the outing. haha sobrang welcome na welcome ako sa family ni Jovee, to think na hindi pa kami ha... haha grabe... Then napatingin ako kay Jovee. "Ngingiti ngiti mo jan?"
"O bakit ba?Nasisilaw ka ba sa killer smile ko Baldo?"
"Kung maka Baldo ka haa... close ba tayo?"
Then bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin, as in 2 inches nalang siguro magkadikit na. Mejo natulala naman ako.
"hindi ba?" then ngumiti ito.
"Tsk tsk ewan ko nga sayo jan Avila!" saka nilayo ko ang mukha niya sakin. "Magmaneho ka na dali...para di tayo gabihin lalo sa daan."
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...