(DenDen's POV)
last day na ng pahinga bago kami sumabak nanaman sa training,,, malapit na kasi ang finals sa volleyball...
Napansin kong bihis na bihis si Baldo at parang nagmamadali.
"Saan punta mo Ly?" tanong ko
"Ano, kila Jo--"
Knock Knock "Ly, may bisita ka." -si Mae yon
"Sino? si Jovee ba?" -Aly
"Oo,"
"Sabihan mo lalabas na ako."
"Ok."
"So, kila Jovee ka pupunta?"
Tumango siya.
"Ano gagawin mo dun?" pag uusisa ko.
"Birthday ng Mama nia." then lumabas na. Ay wow, bastusan besh? di man lang nagpaalam? lumabas na rin ako.
"Sorry sa paghintay ha..." saka nagbeso siya kay Jovee.
"Den, maypupuntahan ka ba ngayon?" -Ella
"Why Els?"
"Pasama sana ako."
"Saan?"
"Grocery."
"Bakit?" saka napatingin kila Ate Fille and Gretch na kanina pa pumipigil ng tawa.
"Ano meron dito?"
"Parusa kay Ella yan... takaw kasi kaya naubos yong stock natin dito."
Si Ella nag Death stare sa FilleChen.
"Ganun? hahahaha besh ha... bawasan pagka matakaw kasi."
"So, ano na samahan mo ko?" Then narinig kong may umandar na sasakyan sa labas. Lumingon ako run, sasakyan niJovee, umalis na ang mga to. Tsk.. grabe ka Ly...di man lang nagpaalam sakin. :(
"feeling ko nagkakasomething na si Baldo at si Jovee, tingin mo Yel?" Mae to Aerial...
"Oo nga.. haha nung isang gabi magkasama rin ang dalawang yan eh,,, feeling ko talaga may something na rin." Aerial
"Haba ng hair ni Baldo nuh. hahaha well, bagay naman sila eh. saka mag iisang taon na ring nanliligaw yang si Jovee kay Baldo eh diba Den?"
"H-Ha?"
"Sabi ko mag iisang taon na ring nanliligaw yang si Jovee kay Baldo, tingin mo may something na sila?"
"Aba ewan ko sa dalawang yan..."
"Di ba sinasabi sayo ni Ly?"
"Sabi niya sakin, wala paraw sa isip niya ang mga ganun."
"Hahaha, showbiz ni Ly nuh..."
"Kaw Den, ayos lang ba sa'yo si Jovee?" -Mae
Wala akong maisagot... ewan ko nga rin kung bakit... well, ok naman si Jovee sakin eh... pero, ewan, bigat nga talaga kasi ng loob ko sa kanya... di ko alam kung bakit... siguro dahil hindi lang kami close kaya ganun.
"Den, tinatanong kita."
"Ha, oo naman... kung saan masaya si Ly. Dun ako."
"Ayie, ever supporting beshfriend ang peg ni Den ah. Totoo ba yan?" napatingin ako Kay Marge. ay walang'ya ka talaga Marge...
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...
