Chapter 36 When in Baguio 1
Ang bilis lang ng araw... bukas na ang graduation... huhuhu.. and dahil bukas na graduation ng mga graduating students, wala kaming training bukas, saka mamayang hapon din dahil may recognition at yong iba ay may awards (like me, and para na rin sa fab 5 na ga graduate) . Yehey! Yep, nung saturday pa nagstart ang training namin for SVL 5:30-8am at 4-9 pm.
"Hui, bebe Ly, what are you doing?"
Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Rachel Ann Daquis, she will play in our team this SVL season as Guest Player, galing dba? hihihi may dyosa kaming kasama.
Hai...
Nakatulog na pala ako rito sa BEG, yep, after ng training 5:30 - 8 na inextend pa hanggang 9, decided na wag muna umalis dito, na magpahinga muna rito, di na muna ako sumama sa mga teammates ko mgbreakfast sa labas, at isa pa, kaya nahuli ako sa paglabas kanina kung saan nagdecide nalang ako na dito muna ako, dahil kinausap ako ni coach kanina about sa next UAAP Season, syempre, iniisip din ni coach na wala nang senior na maiiwan samin paggumraduate na talaga ang fab 5, meaning kami nalang nina Den ang maiiwan, so kinausap ako ni coach na ngayon palang daw, sinabihan niya akong kelangan ko nang matutunan ang leadership, just like Ate Dzi, kasi irerecommend daw niya ako bilang captain for the next season bago siya umalis... in other words, inoofferan niya akong maging captain next season..and inaamin ko, bigla akong kinabahan nung marinig ko yon, natatakot kasi ako baka di ko magampanan, pero, di pa naman yon sigurado eh, i rerecommend pa lang naman niya, pero sabi niya sakin, malaki daw ang percentage na ako nga yong pipiliing captain so kelangan ko na raw matutunan ngayon ang leadership na sinasabi nito, at ang mga attitudes ng pagiging leader, mag observe daw ako kay ate Dzi, saka magpaturo na rin daw ng mga kelangan kong malaman.
"Hi, mommy G!" sabi ko sabay wave. Yep, Mommy G as in Mommy Ganda, ang ganda ganda kasi, parang dyosa.. hahaha mommy G tawag namin sa kanya, at bebe naman samin,'mga kampon niya raw kami eh, hahah ay nagsimula lang yun nung nag night out kami magkakasama (ALE), except mga seniors namin, mga bakulaw na yon eh, kung si Mommy G pa, hahaha, di na raw sila bagay maging bebe niya.
Lumapit na siya sakin. "Here, I know di ka pa nag breakfast." sabay abot ng take out nito from McDo.
"NagMcDo pala kayo kanina? Di nagyaya."
"Di ka na namin nahagilap after training eh... kinausap ka raw ni coach?"
Tumango ako saka binuksan na yong dala nito. "Wow! Sundae! Thanks talaga ate ha!" pero minsan mas nakakasanayan ko pa ring tawagin siyang 'Ate'. :)) magkakilala na kasi kami dati pa, mutual friends sa volleyball, saka nakalaro ko na nga rin to dati eh, dati pa, nung sa Batangas. Sila magkasama nun ni ate Jovs (Jovelyn Gonzaga), nag beach volley kami run... well, ganyan talaga sa volleyball community, kung akala mo magkakaaway sa court, pagsa labas naman, aba, mga kalog at mga magkakaibigan. nagkakasama pa sa mga gimik.
"So anong meron?"
"Ahh... may pinaalam lang si coach."
"An offer? or recommendation agad?"
Napatingin ako sa kanya.
"Nandun kasi ako nung pinag uusapan nila ang tungkol sa pipiliing bagong captain ng ALE. And it seems na ikaw talaga ang nakita nilang nag e excel sa inyong lahat."
"Lahat naman kami eh."
"But there's something in you... bagyong baldo nga ika nila dba?"
And natawa ako. Isa pa yon, binansagan ba naman akong bagyong baldo?
"No comment."
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...