Chapter 43 Until When
Bandang 1:30 ako nakarating sa dorm, nilibre kasi ako ng lunch ni Bang,remember yong pustahan namin? Eh di kasi sila nakapasok sa Finals eh, natalo sila ng NU, so meaning, ililibre niya ako three times or three days unlimited pa...ito yong ikalawang libre niya sakin yong una isa yong the day na nagkasagutan kami ni Den, day after kong magconfess sa kanya. Nagpasundo ako nun kay Bang saka pumunta kami kela Kim, after nun eh gumala kami sa star city, syempre libre niya lahat, then sa bahay nila, libre sa dinner, saka sa alak at popcorn nung nagmovie marathon kami....
Pagkapasok ko nanibago ako ang tahimik kasi masyado...
Nasaan kaya ang mga teammates ko?
walang tao eh. hmmm baka nasa BEG na...
Pagkapasok ko sa room ay agad akong nakaramdam ng pagod,
Hai.,makapagpahinga na nga muna kahit 15 minutes lang bago pumunta sa BEG for our 2pm training.
"Anong issue itong naririnig ko Bebe Ly?!"
Napabangon ako mula sa pagkakahiga kama ko nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto at iniluwa niyon si Ate Rachel na nakapameywang pa.
"Ate?! You're back!!" sabi ko saka tumayo at hinug siya.
"Yeah yeah... kakarating ko nga lang." sabi nito saka tumingin sakin."O ano na explain."
"Alin?"
"Yong issue."
"Anong issue?"
"Bebe Ly? Pag uumpigin ko kay ni Bebe Den niyan eh."
"Ha bakit?" kunwari di alam pinagsasabi ni Ate Rach...
"Bakit di nanaman kayo nagpapansinan ha?"
"O talaga?" saka bumalik na sa kama at nahiga uli.
"Hai, nung kelan lang kayo nagkaayos after nung sa Baguio ah." yong sa Baguio, ang alam nila nagalit si Den dahil dun sa sinabi ko, hindi nila alam ang main reason.
Di ako sumagot. Kanino kaya nito narinig? Malamang sa mga teammates namin nuh.
"Magkaibigan pa rin ba kayo?"
Di pa rin ako sumagot. Sa totoo lang, I don't want to talk about it. Wala ako sa mood pag usapan yon. Kahit na nung inuusisa ako nina Ate Dzi, di ko sila sinasagot. At kami ni Den? Cold pa sa ice.
"And I heard nakaapekto pa yon nung last game, versus UST,buti nanalo pa at nakapasok sa finals."
"Sorry ate," nasabi ko nalang. Aware ako nun, dami kasing error namin ni Den nun.
"Sorry? Ano nanaman ba kasing nangyari? At Ba't panay ang away niyo ni Den Den lately? Saka dinig ko rin may bago ka na raw na besh? or partner? Si Pineda raw ng Adamson? Is that true?"
"Friend ko si Bang." sabi ko. Di ko naman matawag na besh si Bang, diba nga dalawa lang ang besh ko? Si Den at Ella? And partner? Parang di rin...
"So ano na?"
Di ako sumagot. Umupo si Ate Rach sa gilid ng kama,
"Ly?"
Yumakap ako sa beywang niya. "Ate I missed you so much," Lambing mode on kay Rachel Ann Daquis. Masense niya sana na ayaw kong pag usapan ang tungkol dun. hmmm...
"Namiss ako ng paborito kong bunso?" diba sabi ko parang kapatid ko na rin turing ko rito, wala kasi akong kapatid na lalaki.
"Opo! Pasalubong ko saan?"

BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
Fiksi PenggemarALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...