Chapter 9 stand up

19.8K 212 5
                                    

(Alyssa's POV)

"What the heck Marge?!"yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko pagkareport sa kin ni Marge na nakatakas si Den Den

"Sorry Ate Ly..."

"Naman Margarita... si Den Den lang, natakasan pa kayo ni Baby Ji."

"Sorry talaga ate Ly."

"Ay bahala na nga." saka lumabas ako at dumiretso sa kotse ko kelangan kong hanapin si Den Den, bukod kasi sa nag aalala kami sa kalagayan nito dahil kagagalong lang nito sa sakit, nag aalala rin kami sa maaring gawin pa nito dahil sa sakit, emotionally, na nararamdaman nito.

"Ly! Wait!"

Lumingon ako kay Amy, "I think I know where Den Den is..." sabay pakita sakin ng phone niya, sa insta na naka tag kay Den.

30 minutes ago

SalesAH: Saw the libero of aLE...she's so beautiful... kind... humble... Love her so much... thank you ate @denniselazaro (picture ni Den kasama ung may ari ng insta na un, and kitang kita sa background ang logo ng McDo)

"Thanks Amy."

---Then after almost 1 hour na paghahanap ko, nakita ko ang sasakyan nito na naka park sa McDo. bumaba ako sa kotse ko para tingnan kung sa kanya nga naman talaga yon. And hindi nga ako nagkakamali. Sa kanya nga talaga yon. Pumasok ako sa Mcdo and hinanap siya... and nakita ko nga siya... ang ulo niya nakahiga o pinapahinga nito sa mesa, di makita ang mukha niya... pero dahil sa tagal ko na ring kilala si Den, agad ko siyang na identify kahit hindi ko kita ang mukha...

"Napakatigas talaga ng u-" napatigil ako nang mapansin kong namamaga ang mga mata nito. Umiyak nanaman siya. "Den..." saka umupo sa tabi niya.

Di siya sumagot, instead, lumingon siya at niyakap ako. "Ly...nakita ko nanaman sila."
Sino? hmm si Myco siguro...
Btw, ang McDo na to ay isa sa mga McDo branches na malapit sa DLSU kaya talagang posible ngang makita niya si Myco... o baka nga sinadya niya...Sa totoo lang di ko pa talaga alam kung pano nalamanni Den ang tungkol sa pagtataksil ng kasi tahan nito. "Den... tahan na."

"Ly, it really looks like he really love the girl... and it hurts me so bad." at iyak pa rin ng iyak

-------
Nandito kami ngayon sa Manila Bay, nanunuod ng sunset... matapos ang halos kalahating oras nitong iyak sa lap ko, nakahiga kasi siya sa lap ko kanina at umiiyak habang kinikuwento kung pano niya nalaman ang tungkol sa pagtataksil ni Myco, sabay labas din ng mga sama ng loob...
Bumuntong hininga siya ng malalim after almost 15 minutes na katahimikan, not literally kasi pasinghot singhot pa siya habang nakahiga sa lap ko which means na umiiyak pa rin siya, and i bet basa na ang pantalon ko dahil sa mga luha niya.

Then bigla siyang nagsalita...

"Akala ko talaga siya na Ly... sobrang perfect kasi ng pakiramdam ko everytime magkasama kami... yon bang parang lumiliwanag lahat tas gumagaan kapag kasama ko siya, then naayon lahat s amin... tsk perfect na perfect. Most of our mutual friends and even fans namin say that we're the perfect two..." Then umupo ng maayos habang nakatingin sa sunset. "Pero sadyang mapaglaro ang tadhana eh." then ngumiti ng mapait. "Alam mo nung makita ko sila ng babaeng yon na naghahalikan... grabe, it's just as if my world stopped, then gumuho, grabe... alam mo yon, sobrang sakit dito o, na parang sinasaksak ng kutsilyo ng thousand times." sabay turo sa puso. "I even thought of killing myself because of him--" and automatic ko siyang binatukan.

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon