Chapter 18 Balloon na heart

19.1K 191 2
                                    

DLSU won in 4 sets...3 peat na sila ngayon... kakaiba pa rin talaga ang bagsik nila sa loob ng court after ng game, nagyakapan kami lahat, tas todo iyak naman ang Fab 5, actually hindi lang sila, pati rin kami, huhuhu, last game and last hataw na kasi nila yon wearing an ateneo jersey... grabe! nakakaiyak talaga! huhuhu gagraduate na kasi ang mga seniors namin, sila...Grabeng pundasyon ang binigay ng mga to sa team eh... huhu... mamimiss talaga namin sila... ang mga kakulitan nila.. huhu hai... after ng iyakan, kincongratulate namin ang DLSU, nag super hug kami ng best buddy ko na si Kim Fajardo, grabe, mas lalo itong gumaling sa pagsi set ng bola. Then after nun, awarding saka Picture picture...
Tumabi sakin si Den for our group picture "congrats, Ly." bulong niya sakin sabay hawak sa kamay ko.

Napakunot noo ako. "Ha? Bakit naman? Talo kaya tayo."

"Sus, kahit na, kaw pa rin panalo sakin, idol kaya kita." sabay wink. Ayieee.. keleg ako.

"Aba.haha oo na, idol din nga kita eh."

Ngumiti siya,

"Ok, 1-2-3." napatingin kami sa photographer

babawiin ko na sana ang kamay ko na hinahawakan niya pa pero Agad naman niyang hinigpitan ang hawak dito. And click! Magkahawak kamay kami ngayon sa group picture ng ALE for UAAP season 75 Finals, with our medals. (Actually, second group pic na to ng ALE na hinahawakan niya ang kamay ko, ganyan kami ka close) weh?

----
Nasa bus na kami ngayon at hinihintay nalang ang fab 5 na nasa loob pa ng arena. Hmmm. Baka nag e emote pa ang mga yon sa court eh...Then...

"ILABAS SI VALDEZ! ILABAS SI VALDEZ!"

"Ly, your fans are calling you." sabi ni Amy na kakapasok lang.

hinawi ko ang kurtina ng bus at naghiyawan ang mga tao, grabe ang dami nila.

"vALDEZ!!!!" yong iba may mga tarpauline, banners pa, tas kanya kanyang click sila ng cameras.

Kaya ngumiti ako sabay kaway o di kaya peace sign.Grabe, naafaflatter at natatouch talaga ako sa mga to, Grabe talaga ang support ng mga taong to samin o, kahit natalo kami, anjan pa rin sila. So kinuha ko ang ipad ni Gretch saka Sumulat dun ng "We LOVE you! TY"

Si Den naman na nasa tabi ko ay natawa sa ginawa ko dahil sumayaw sayaw pa ako. Kaya tumingin din siya sa labas saka nag Hi sa mga fans.

"DEN DEn!!!" "LAzARO!!!!!" sigaw ng mga tao, at dahil sa ginawa namin, nakisali na rin ang iba ko pang teammates.

Bigla nilang sinigaw anh pangalan nile Greta and Fille. Tinuro kong nasa Loob pa sila.

And after few minutes biglang tumunog ang cp ko.

Jovee Calling... kaya sinagot ko kaagad yon saka lumayo sa mga to, ingay kasi.

"Oh, Jovs, napatawag ka?"

Grabe Ly, andami mong fans...

"Naku hindi lang naman akin yan eh. Sa buong ALE kaya yan. Ay by the way, nasaan ka ngayon? Di kita nakita kanina. Nanuod ka ba talaga?" mejo nagtatampo talaga ako sa isang to, di na nga siya nanuod nung game 1, pati ba naman last final game di din.

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon