Chapter 49 Unjust
(Den's POV)
I slowly opened my eyes...ang unang nakita ko ay ang daisy na kulay pink na nakapatong sa unan na katabi ko. Alam ko kung sino ang naglagay nun. And napangiti ako sa thought na yon. Napakasweet niya talaga. Kinuha ko yong bulaklak saka inamoy amoy.
Last night...
Was that just a dream?
And smile again. ☺️☺️☺️☺️
If so... I just had a wonderful amazing dream. Ang sarap matulog uli kung ganun at wag nang magising.
Hai...
It really feels so right...
And then napayakap sa sarili ko... I could still feel her touch.
And natawa...
Ano ba yan? Kinikilig ako. 😍
And then parang may naamoy ako... hmmm... may nagluluto ata sa kusina?
At ngumiti uli.
Siguro siya, buti pa siguro, mag ayos na ako at puntahan siya. namiss ko kasi siya bigla.
Pinili kong suotin yong loose shirt showing my legs, hahaha naughty but yes I want to tease her. I want to see again the admiration I saw in her eyes last night. Hahaha... so after kong makaligo ay agad akong nagbihis at lumabas, pero before bumaba, tsinek ko muna sina Jus at Mosh.
Si Jus wala na, may note nga lang na nakaiwan dun saying na umalis na siya magsisimba daw siya with her bff's, and then tumingin ako sa orasan, 8:25 am, so I conlcude sa 8 am mass siguro ang mga ito umattend. Hmmm, naka bfast man lang ba yon bago umalis...? tsk anyway, kaya na rin naman nun sarili nun ah, may tirang foods na rin naman kasi sa ref....then sunod kong tsinek ay si Mosh. Ayon, himbing na himbing sa pagtulog. "Baby, wake up... morning na o." mejo pabulong na sabi ko pero himbing na himbing pa rin tulog nito kaya pinabayaan ko nalang, then before lumabas hinalikan ko siya sa noo.
Ayiee.. eto na... tingin muna sa salamin, ayos buhok, smile, ikot, perfect. hahahaha at bumaba na ako, dumiretso kaagad ako sa kusina... shaakkkzzz!!! alin kaya sa tatlo ang una kong gagawin sa kanya? Yayakapin siya from the back? hahalikan(agad agad)? O hihilahin sa kama? (JOKe lang syempre, good girl kaya to! hahaha.)
"Hey good morning, so what are you cooking for---" napatigil ako nang makita ang taong nagluluto ngayon sa kusina namin. 😧 😨😨😨😨😨
"Hey babe! Good morning!"
"M-Mycs, you're here?" at parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig dun, parang nanginig ako bigla. Bakit siya nandito?!
"Happy monthsary!" nakangiting sabi nito saka lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Monthsary ba namin? saka palihim akong tumingin sa calendar nung tumalikod siya uli para tingnan ang niluluto. And Oh Ghad, how can I forget? monthsary nga namin!
"H-Happy monthsary," mahinang sabi ko.
Then lumingon ito sakin. And smiled. "You look so... fresh... and..." sabay tingin sa legs ko.
Awkward. Naiilang ako sa tingin ni Myco kaya agad kong hinila pababa ang loose shirt na suot ko. "I'm sorry, Akala ko kasi si lola yong nagluluto rito," pagsisinungaling ko.
"Ay sorry pala, nagtrespass ako dito ha...plano ko kasing surpresahin ka, by cooking breakfast for you,"
"W-Wow, that's so sweet," sabay alanganing ngumiti. "Ahmm, Mycs, I'll excuse myself for a while magpapalit lang ako," saka tumalikod na at tumakbo papunta sa taas.
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...