Chapter 56 Something Good (Tiwala lang)

18.1K 229 18
                                    

Chapter 56 Something Good

(Still Den's POV)

"Sure ka bang nandito nga si Greta?" sabi ni Ella matapos naming libuting ang bahay, naka lock kasi iyon tsaka nakapatay din ang ilaw.

"Ay hindi Els, mag isang pumunta rito ang sasakyan niya." sabi naman ni Lang.

Mejo natawa naman kami run sa sinagot sa kanya ni Lang.

Tinapunan naman agad ng kasamang tingin ni Ella si Lang.

"Doña, kalma lang, umusok naman agad ang ilong mo," bulong ko sa kanya.

"Tsk, ewan .." saka bumaba at pumunta sa kotse ni Greta, "Nakalock din tong sasakyan niya,"

"Alangan namang iwan ni Gretchen na nakabukas ang sasakyan niya dba?" si Lang uli yon.

"Ay Leche ka Lang ha!" sabi ni Ella na akmang susuntukin sana si Lang pero napigilan ko kaagad.

"Ang HB mo masyado," sabi ko.

"Si Lang kasi eh, nakakainis!" saka bumalik sa terrace ng bahay at umupo sa upuang nandun. "Idlip muna ako sandali..." sabi nito.

"Sige," actually madilim pa nun, 3 am pa lang kasi at sobrang malamig, buti nga't bago kami dumiretso dito dumaan muna kami ng dorm eh atleast nakakuha kami ng ilang gamit na panlaban sa lamig, tig tatlong layer kami ngayon ng damit.

At dahil pagod din sa byahe ay nakatulog na rin si Lang, wala pa kasing tulog yan, siya kasi ang driver. Ay hindi, siguro, may 2 hours na tulog lang ito kanina kasi nakipagpalitan sa kanya si Aly nung nasa Tarlac na kami... kaya nga iniisip ko mula pa kanina kung paanong nangyari yong yakapan namin ni Ly kanina sa kotse eh, last time I remembered before ako tuluyang makatulog is si Aly ang nagdadrive nun at si Lang ang katabi ko.

"Ikaw, di ka matutulog?" tanong ni Ly sakin.

Umiling ako. "Nakatulog na rin naman ako eh,"

Tumawa ito. "Oo nga, feeling mo pa nga sakin unan mo eh....nilawayan mo pa,"

Tinapunan ko naman agad siya ng masamang tingin, "May gana ka pa talagang mang asar nuh?"

"Di ah! Grabe tu!" sabi nito. "Balik na muna ako run sa sasakyan ni Lang, parang inaantok na rin kasi ako,"

Tumango lang ako. At bumalik na ito dun sa sasakyan ni Lang, ako naman dito lang sa tabi ni Doña Ella na ayaw pumasok sa kotse ni Lang, tinanong ko kung bakit, war daw kasi sila. Mga Adik nga eh.
---------------------
---------------------
---------------------
---------------------
---------------------
---------------------
---------------------
---------------------
Mga alas sais ng umaga ay naabutan kami ni Manang Yoli dito na ganito ang sitwasyon namin dito sa labas ng bahay nila Greta kaya agad niya kaming pinapasok at hinandaan ng almusal.

"Akala ko nga'y nagloloko lang ang apo kong iyon, sabi niya kasi dumating daw ang Ate Gretchen niya kagabi eh tiningnan ko naman dun sa labas ng bahay eh nakapatay ang ilaw dito," sabi ni Manang habang nakatayo ito sa gilid at pinapanuod kaming kumain, niyaya naman siya namin pero nakakain na raw siya dun palang sa bahay nila.

"Oo nga po eh, kaninang mga quarter to three kami nakarating dito, nakalock po ito... kung wala nga lang po rito ang kotse ni Gretch talagang iisipin naming wala siya rito sa Baguio at nagkamali lang kami eh," sabi ni Ella.

"Ganun ba? Tsk tsk...Aba'y saan kaya nagpunta ang batang yon?"

Nag isip kAmi.

"Saan ho ba siya lagi pumupunta kapag nandito siya Manang Yoli?" tanong ni Aly. "I mean... kapag... kapag masama ang loob niya... kapag gusto niyang mapag isa,"

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon