(Alyssa's POV)
Andito ako ngayon sa klase... opo, pumasok ako...mukhang ok na rin naman kasi ang pakiramdam ni Den, nakakalakad na nga siya ng maayos ngayon eh at nakakatakbo pa na para bang di lang nagkasakit, bago kasi ako umalis, nagpatintero pa kami mula sa kuwarto hanggang sa pinto ng dorm dahil ayaw niyang magpaiwan dun, gusto rin daw niyang pumasok na kaso pinag bawalan siya namin, umuulan kasi baka imbes na tuluyang gumaling siya, baka mas lumala kung mabasa ito o maisipan nanaman nitong magpaulan... tigas pa naman ng ulo nito.haha
At buti nalang talagang mejo umayos na lagay niya, dahil kasi kung hindi pa, sigurado akong absent ako ngayon, tsk,nagsurprise quiz kasi si sir ngayon. And syempre di nakapag aral, stored knowledge lang, well, halos lahat naman kami, gulat na gulat sa surprise ni sir. hahaha
"Valdez, as usual, got the highest score."
At nag clap naman si Ella. kaya binatukan ko.
"Besh naman... di ba pwedeng pumalakpakpara sayo?"
"Ewan ko sa'yo besh. ang bully motalaga."
"Bully ba yon?"
"And De Jesus..."
Pareho kaming napatingin kay prof. "Better luck next time."
"Ouch! Di ako nakapaghanda dun."
"Yan kasi eh, puro pagkain nasa isip."-Ako
"Aray naman! Sakit nun haaaaaa...."
Palabas na kami nang makita ko si Ate Charo... (Charo Soriano)
"Ate Cha!!" tawag namin.
nagwave naman agad si Ate Cha samin...saka lumapit.
"Ate, gawa mo dito?"
"Hala Valdez, di mo alam? Akala ko ba inaanounce na yan kanina?"
"Ang alin?" saka tumingin kay Ella.
"Si ate Cha muna ang coach natin ngayon... may inaasikaso kasi si coach Roger eh.... pasensya na ate Cha, di kasi yan nakaattend sa training, di kasi maiwan yong pasyente niya."
"Pasyente? Nurse ka na ngayon?" Ate Cha.
"ahaha hindi.. Si Den, nagkasakit kasi..."
"O, si Den? Ayieee... kilig."
"Ate Cha naman! syempre bestfriend ko yon."
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
FanfictionALYDEN fan fic "... on that day I declared my downfall... because, after almost four years of trying to hold this feelings, trying to stop this, of fighting myself not to fall for her, not to love her....." tumingala ako sa langit. ".....myself fin...