Chapter 46

17.2K 219 25
                                        

Chapter 46 She's Jealous

(Alyssa's POV)

Hindi ko ineexpect na makikita ko si Den ngayong araw na ito. Hindi ko ineexpect na pupunta siya rito sa Batangas. Hindi ko ineexpect na malalaman niyang nandito ako, na dito ako dumiretso after nung gabing iyon, well, not exactly na dito talaga kasi nagpalaboy laboy pa ako nun sa daan bago naisipang umuwi samin dito. Nakatulog pa nga ako nun sa isang park eh, buti na nga lang walang may nakakilala sakin...but...wait.. pano niya nalamang nandito ako? I mean na umuwi ako samin.Ah yeah right! Si Kim. Agh! Adik na Kim yon o! Sinabi ko na sa kanyang wag sabihing umuwi ako ng Batangas kung may teammate ako na darating, pero hindi ko rin ineexpect na si Den Den pa ang unang lalapit dito, si Ate Dzi kasi or sina Fille or Ayel or Ella ang ineexpect kong hahanap talaga sakin, lalo na't may meeting pa kami nun with the management kinabukasan after ng gabing yon... Agh fajardo talaga?! Saan ba loyalty mo ha?! Alam namang hindi pa ako handa eh. Agh!!!

Ano kayang kapalit ng pagsabi nito rito na umuwi ako sa Batangas

At may narinig kaming kalampag ng plato sa kusina, parang nahulog.

"Bang,,," sabi ko...and akmang hahakbang na sana ako nang magsalita siya uli.

"And what on earth is Bang Pineda doing here?"

Napatingin ako sa kanya. "Ha?"

"Ano ang ginagawa ni Bang dito?"

"bakit?"

"Bakit siya nandito?"

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Bakit nga?"

"Ano ba sa tingin mo?"

And parang nainis naman ito bigla, well, kanina ko pa talagang nanonotice na naiinis siya... bakit?

"Alyssa! don't answer me with another question!"

"Sorry." nasabi ko nalang...

At parang kumalma naman siya run.

And then naalala ko si Bang. "Sandali lang, si Bang, pupuntahan ko." sabi ko, pansin kong magsasalita pa sana ulit ito kaso nakahakbang na ako papunta sa kusina.

And there I saw Bang pinupulot ang mga basag basag na parte ng pinggan na marahil ay aksidente nitong nabitawan.

"I'm so careless. Sorry talaga Ly!" sabi nito with a very sorry face

"No, its ok." and then nakita kong may sugat siya sa kAmay at may tumutulong dugo. "Bang! May sugat ka!"

Dahan dahan naman itong yumuko. "OhShhh! Hindi ko na---" at nahimatay siya bigla buti nalang nasalo ko. Nerbiyosa pala to pagdating sa sugat, takot din ito sa dugo eh. And then nakita ko si Den Den na papasok sa kusina. "Can you help me muna rito, nahimatay kasi si Bang..."

at dinala na namin si Bang sa sofa,.

"Wait kukuha lang ako ng first aid kit."

"Ano ba kasi ang nangyari Ly?"

"Nahimatay siya after niyang makitang dumudugo daliri niya, matatakutin pa naman yan sa sugat, natatakot din yang makakita ng dugo." sabi ko saka patakbong pumunta sa taas para kumuha ng kit. At nang makuha ko na, bumalik agad ako run, may dala na rin akong paypay at white flower. Binigay ko kay Den Den yong dalawang yon saka lumuhod na at tiningnan ang sugat ni Bang. So, ano to? Pano ko ba to gagawin? Pano ko gagamutin sugat nito? Kelangan kasing magamot na yon bago pa ito magising uli, baka kasi himatayin pa ito uli pagnakita sugat nito.

Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon