Today is the day, bye Junior high, hello Senior High!!! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa bagong landas na aking kailangang tahakin. Marahil hindi lang naman ako ang nakararanas nito, yung tipong kabado ka pero excited ka sa kung ano mangyayari sa schooling life mo. Pero, wait kung ang iniisip mo ay excited ako sa mga pogi, cute, artistahin at kung ano ano pang walang kuwentang bagay ay nagkakamali ka.
Well, hindi ako naniniwala sa love, love sa member ng LGBT to be exact. Yang mga nababasa ko sa facebook? Sus! Sa umpisa lang yan hintayin mo't maghihiwalay din. Karamihan nakikipagrelasyon sila sa LGBT dahil cool at madaling kumuha ng simpatya sa mga tao. In short walang forever!!! Huwag aasa, nakamamatay!!! Ako na nagsasabi, maniwala ka ang mga tulad natin ay kailangan maging independent, huwag aasa sa mga kalalakihan.
Nagpakilala naba ako? Ehemm!!! Andrei Chester Villanueva but my friends call me AC, incoming senior highschool student ako today. Well, I am from a family na siguro i'll consider under middle class. Hindi kami mayaman pero nakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw at nabibili ko rin naman ang gusto ko.
Middle class siguro dahil ang idea ko ng mayaman mga Dra. Vicky Belo level. Iyon bang kayang rentahan ang malapalasyong lugar para lang sa kasal. Anyways, I am gay but not totally gay na cross-dresser, I don't mean to discriminate pero mas prefer ko lang siguro na magdamit lalaki lang, kung sakali man mag damit pambabae madalang lang or kung feel ko.
Tanggap naman ako ng family ko, ewan ba masaya ako pero ang weird lang dahil hindi ganon kadrama ang buhay ko gaya ng sinasapit ng ibang members ng lgbt. Thankful ako dahil siyempre masuwerte na ako dahil mayroon akong supportive na parents at maayos na buhay. Nandyan si Mama, Papa, Lola, lolo, tita, tito at mga kuya at pinsan ko.
Ang laki naming pamilya na nakatira sa isang subdivision. Hindi mo talaga mararamdaman na magisa ka dahil kahit saan ka pumunta may tao. Sa sobrang dami namin awayin mo lang ako isang battalion ang reresbak hehe. Pero hindi naman ako sumbungera, everytime na may nangaaway sa akin during my Junior years hindi ko nalang pinapansin.
Mamimiss ko talaga mga friends ko from Junior High lilipat na kasi ako ng school sa isang university na may college na din para daw hindi na ganon kahirap magtransfer ng mga records 'pag nag college na ako. Isa nanamang major adjustments ang kailangan kong gawin although ganun naman daw sabi ni mama lalong lalo na sa college. Kumbaga I'm here to study bonus nalang 'yung friendship at kung friendship man talaga 'yun kahit ano mangyari nandyan parin sila.
Honor student na ako ever since I started schooling pero ewan medyo nakakatamad nadin. Alam ko para sa future ko ito pero gusto ko ng bagong achievement 'yung bang hindi ko pa nasusubukan. Napahaba na nga hehe wait lang maghahanda na ako para sa aking first day sa aking new school.
BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...