23

3.5K 66 3
                                        

"Goodmorning", bati sa akin ni Jayvee. Late na ba ako at siya ngayon ang nauna sa akin? Himala maaga siya ngayon. "AC!", tawag sa akin ni Miguel. "Wait lang Miguel", sagot ko.

"Himala ang aga mo ngayon"

"Siyempre bagong buhay na"

"Sus!!! Talaga lang ha"

"Doon ulit tayo sainyo"

"Eeengkkk!!! Hindi na pwede, baka naman isipin mo pinaparusahan kita sa init ng kwarto ko"

"Sa amin?"

"Ayoko"

"Bakit? Wala namang magulo dun hindi ako magpapatuloy ng kahit na sino sa kwarto sa buong tutorial session natin pramis!!!"

"Hmmm...sige sige"

Nagtungo na ako sa aking upuan at naupo, nilingon ko si Miguel na busy sa pagsusulat. "Ano nga 'yun Miguel?", tanong ko sa kanya. "Wala!", ano problema naman nito? Baka sinaktan nung sinasabi niyang taong inaantay niya. Sabi ko naman walang forever sa love love na 'yan. Unti-unti ng nagsipasok ang mga kaklase namin. Dumating ang aming adviser na aming kinatahimik. "Class, I know na talagang kilala niyo na isa't isa pero hindi naman siguro masama kung madagdagan pa kayo right???", ano ibigsabihin ni Ma'am? Ba't parang hindi ko gusto nangyayari. Hindi nagtagal ay nagsimula ng magbulungan ang mga girls. "Class, I would like you to meet, Kyle Alcantara Miranda, galing siya sa kabilang section at nilipat ngayon sa atin dahil mas kaunti ta'yo dito, please treat him as how you treat each other.", paliwanag ni Ma'am. Ba't siya??? Sirain ba naman buhay ko. Kamalas malasan pa ay pinaupo pa siya ni Ma'am sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Umusog ka nga", bulyaw ko sa isang katabi ko upang maiiwas ang upuan ko sa buwiset. Umalis narin si Ma'am at dumating na ang subject teacher namin.

Hindi maiwasang mahagip ng mata ko si Kyle dahil kaunting distansya lamang ang pagitan namin sa isa't isa. Bakit naman kasi sa dinami dami ng ililipat siya pa??? Pwede namang kahit mabahong hininga, may putok o nerd ang ipatabi sa akin kaysa naman sa buwiset na'to. Nagdaan ang mga oras at kami ay nasubsob nanaman sa walang kamatayan pagsusulat ng lectures. Napansin kong tinitignan ako ng Kyle. "Anong tinitingin tingin mo diyan???!!!", napalakas na sigaw ko sa kanya dahilan para mapalingon silang lahat sa akin. Iniyuko ko nalamang ang ulo ko. Nakakagigil gusto ko saksakin ng ballpen. Huminto narin siya sa paglingon lingon mukhang natauhan na. Nang makaalis na ang guro ay lumapit sa akin si Jayvee.

"AC!!!"

"Oh?"

"Si Kyle, my cousin"

"Ok"

"Shake hands naman kayo hehe"

Naiilang akong iniabot ang aking kamay at nakipagkamay kay Kyle. Pilit na ngiti rin ang ipinakita ko. Agad kong inalis ang kamay ko. Kung alam mo lang Jayvee kung gaano ako nangigigil dito sa pinsan mong buwiset. "Kyle, 'di mo nakuwento na lilipat ka pala dito", tanong nito. "Ah kanina lang kasi sinabi", paliwanag nito.
Hindi nagtagal ay nagkuwentuhan na ang dalawa pero hindi parin umaalis sa tabi ko. Dinig ko ang mga pinaguusapan nila pero hindi ko naman naiintindihan. Dinedma ko nalang ang pangyayaring ito at nagbasa ng aking notes. "AC!!!", kalabit sa akin ni Miguel.

"Mmm???"

"Turuan mo nga ako dito, hindi ko kasi maintindihan"

"Okay"

Itinabi ko ang upuan ko sa tabi niya para turuan siya. Mukhang madali naman niyang naintindihan, Sigurado ba siyang 'di niya gets? May balak pa atang lamangan sa ranking. Hindi ko muna ibinalik ang puwesto ng aking upuan, dito muna ako.

"Ba't pala sinigawan mo kanina 'yung Kyle???"

"Huh? Nakakabuwiset eh"

"Parang ang lalim ng nagawa niya sa'yo"

"Hmmm!!! Basta 'wag na nating pagusapan 'yan!"

"Okay okay, pansin ko lang nagiging close na kayo ni Jayvee ah..."

"Sira! Siyempre tutee ko siya eh"

"Dahil lang diyan o baka naman..."

"Ano?"

"Wala! Basta kung naniniwala ka na sa love sabihin mo sa akin ha?"

"Never, imposible talaga, firm ako sa belief ko"

"Basta kung sakali mafall ka..."

"Ano?"

"Dapat sakin..."

"Huh???"

"Wala!"

"Okay, pero ikaw ba, ba't 'di mo ligawan 'yang gusto mo"

"Ikaw talaga nag suggest na ligawan ha"

"Oo naman para magbreak na kayo agad"

"Grabe bitter mo!!!"

"Realistic lang"

"'Yun na nga eh pareho kayo ng mga paniniwala"

"Talaga? Interesting...pakilala mo sa akin next time"

"'Wag na baka suportahan mo pa siyang 'wag maniwala sa love"

"Sige, I'll make an exception para sa'yo, tutal mukha ka namang sincere naniniwala na ako sa love mo, pero sa'yo lang huh"

"Talaga?"

"Oo, basta pakilala mo siya sa akin baka matulungan ko pa kayo 'di ba?"

"Sige"

"Sige"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon