Tatlong araw na ako sa ospital pero ni minsan ay hindi ko pa nakikita maging ang anino man lang ni Jayvee. Nakakatampo naman 'yun, okay naman kami 'di ba bago ako magkaganito. Ni isang reply sa text ko wala, sinubukan ko rin siyang tawagan pero walang sagot. Mabuti pa si Miguel kahit busy rin sa dance rehearsals nila ay nagagawa niya prin akong dalawin pero siya na boyfriend ko ayun hindi ko alam kung ano na nagyayari sa kanya. Sinubukan kong sumagap ng balita mula sa kanya pero ayaw naman nila akong sagutin ng matino. Feeling ko preso ako, sana bukas makalabas na ako dito, nakakainip na. "Nak, may bisita ka", biglang sulpot ni mama dala ang balitang bumuhay sa nalulungkot kong loob. Tila sumigla ako nang narinig ko ang sinabi ni mama. Si Jayvee ay sa wakas dumalaw din sa akin. Nang pumasok ang taong tinutukoy ni mama ay bumagsak ang ngiting sumilip sa aking labi. "Kyle, maiwan ko muna kayo", paalam ni mama sabay labas ng aking kuwarto.
"Oh ba't parang hindi ka masaya dinalaw kita"
"Huh? Masaya naman, thank you ha? Pero..."
"Ano?"
"Yung pinsan mo, hindi pa dumadalaw sa akin, nakakatampo naman"
"Gusto mong Doughnuts may dala ako"
"Nasan ba siya? Busy ba siya?"
"Ah oo 'di ba lakandula siya?"
"Oo alam ko pero ba't ni isang reply wala, ayaw niya p sagutin mga calls ko"
"Baka busy lang talaga 'yun, pagbigyan mo na"
Lumipas ang ilang oras ay dumating din si Miguel dala ang kanyang mga pasalubong. "Miguel! Ba't ang dami mong dala?", pagtataka kong bati sa kanya. Binigyan niya lamang ako ng busangot na tingin. Ano problema nito? Lately mukhang stress siya ha, parating nakasimangot. Ganon na ba mga ka dami ng activities sa school? "Kyle, tawag ka ni tita sa labas", biglang salita ni Miguel. Agad namang lumabas si Kyle para puntahan si mama. "Pagod ka ba?", tanong ko kay Miguel. "Huh? Hindi naman sandali lang may naiwan ako sa labas", agad itong lumabas ng kuwarto. Ba't ganon ma confine ka lang sa ospital ng ilang araw parang na cast out ka na sa ganap sa outside world, daig ko pang tumira sa PBB house.
---
Miguel POVNagmamadali akong pumunta sa ospital upang bisitahin at dalhan ng pagkain si AC. Marahil bored na 'yun sa pagkaing ospital. Nang iginarahe ko na ang aking sasakyan ay nakita ko ang kotse ni Kyle. Alam kong kaniya ito dahil ito ang gamit nila nang nagpunta sila sa bahay. Talagang nananadya ang tarantadong iyon ha!!! Ang tigas ng apog nung pumunta dito matapos ng nangyari.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko nang hindi makagawa ng anumang kumosyon. Ayaw ko 'din maghinala si AC sa mga ikinikilos ko. Mas lalo lang madadagdagan ang bigat ng pinagdadaanan niya kung malalaman niya. Pumasok ako ng kanyang kuwarto at naabutan ko silang masayang naguusap. Gumawa ako ng paraan upang mapalabas ko siya at makumpronta.
"Ano ba ginagawa mo dito?"
"Binibisita si AC, bakit bawal?"
"Oo, lalo na 'yang gago mong pinsan"
"Tsssk! Ano ba gusto mo mangyari? Ba't ba pakialamero ka?"
"Ginagago niyo ng pinsan mo si AC, hindi puwedeng hindi ako makialam"
"'Yun ba? Bakit inggit ka?"
"Eh gago ka pala eh, ano ba gusto mo??!!!"
"Bro 'wag kang makialam dito, problema nila 'yon at ayaw mo ba 'yun nagmamalasakit ako sa kaibigan mo"
"Kung iniisip mo siya dapat hindi ka na pumunta dito"
"Sino ka para pagbawalan ako??? Eh kaibigan ka lang naman"

BINABASA MO ANG
Announcement: Walang Forever [Complete]
Teen FictionSa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...