50

2.5K 44 7
                                    

Ilang linggo na lang at Graduation ball na namin. Wala akong ganang sumama, naexperience ko na man na ang promenade nung Junior years ko, isa pa magrereview nalang siguro ako para sa mga huling dalawang exams namin. Tuluyan na nga siguro kaming 'di magpapansinan ni Miguel. Hindi sa galit ako sa kanya, ayaw ko lang ang naging pakikitungo niya sa akin. Mabuti na rin siguro ang ganito, plano narin kasi ni tita na siya na ang magpaaral sa akin, sa madaling salita mapapalayo ako sa lugar namin, ewan ko ba. Maganda narin siguro ito para hindi ako masyadong malungkot 'pag umalis na ako.

"Nak may naghahanap sa'yo, paakyatin ko na ba???!!!", sigaw ni mama. Si mama talaga kahit kailan napakamapagtiwala, basta basta nalang nagpapapasok ng tao sa bahay, dis oras pa naman ng gabi. Tinanong ko si mama kung sino ito ang sabi lamang niya ay kaibigan ko raw. Tumanaw ako sa hagdan at nakita ko na nga kung sino ang papaakyat sa akin. Si Lucy ay katakatakang bumisita sa aming bahay. Marahil mahalagang bagay ito, hindi rin niya kasing ugali ang bumisita sa bahay, kadalasan through text and call lang siya nakikipag usap sa akin. "AC, may sasabihin ako", bungad niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo sa tono ng pananalita niya.

"Huh? Teka lang gabi na, ba't pumunta ka pa dito? Baliw ka"

"May problema kasi"

"Ano 'yun???"

"Si Miguel"

"Oh bakit?"

"Si Miguel naaksidente"

"Huh? 'Wag mo kong niloloko alam ko may hidden agenda ka nanaman, 'yung totoo???"

"Totoo!!! Hindi namin alam ang gagawin, patay kami sa parents niya"

"Huh???!!! Ano ba nangyari??? Paanong..."

"Kasi kahapon nagyayang mag bar si Mary Joy kasi birthday niya eh ako naman niyaya ko si Miguel at si Kyle. Akala ko okay lang lahat eh hanggang sa nagsiuwian na, sobrang lasing pala si Miguel kaya nabangga ang kotse niya"

"Hala, eh ba't naman ako??? anong gagawin ko???"

"Pinuntahan na kami ng mommy niya hinahanap siya, naubusan na kami ng alibi kaya sinabi namin nagsleepover dito sa inyo"

"Huh???!!! Anong sleepover??? Ba't ako??!!!"

"Oo nga sorry AC hindi kasi pwede malaman ng mommy niya ang nangyari, kasalanan ko 'to"

"Paano kung pumumta siya dito at walang Miguel akong maipakita??? Edi lagot ako??? Hindi na nga kami okay ni Miguel tapos magsisinungaling pa ako sa mommy niya"

"'Wag kang magalala hindi ko pa naman tinuro ang address niyo, basta 'pag may nagtext o tumawag sa'yo sabihin mo lang na kasama mo si Miguel"

Napasubo nalang ako sa plano ni Lucy alam kong hindi tama na ilihim namin ang nangyari kay Miguel pero mas mahirap ang sitwasyon 'pag nalaman nila ang lahat. Kawawa naman si Miguel, ang alam ko hindi naman 'yun masyadong umiinom. Ayokong maging assuming pero sa tingin ko isa rin ako sa dahilan ng pagbabago ng ikinikilos niya. Nagi-guilty tuloy ako sa pagiwas sa kanya.

Kinabukasan ay binisita namin si Miguel sa ospital. Iniwan muna ako ni Lucy upang bigyan kami ng oras para makapagusap ni Miguel. Naka neckbrace si Miguel kaya siguro hindi niya ako magawang tignan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, at kung paano ko siya kakausapin. "Ba't ka andito???", pagbasag niya sa katahimikan. Mukhang galit nga siya sa akin at ako ang dahilan ng lahat.

"Kamusta?", kaswal kong tanong sa kanya

"Ito, muntik na nga mamatay kainis lang hindi pa natuluyan"

"Ano sinasabi mo? Siraulo ka talaga"

"Oo na siraulo na kung siraulo, pero ba't ka pa pumunta dito???"

"Nagalala lang, ba't masama???"

"Nagalala o sinigurado mong patay na ako para kayo na talaga ng Jayvee mo??!!!"

"Alam mo bwiset ka, paulit ulit ka 'di ba sinabi k..."

"Pero hindi mo parin ako gusto"

"Hanggang kailan ko ba sasabihin na wala pa nga ako balak makipag relasyon, studies muna"

"Studies o hinihintay mo bumalik si Jayvee???"

"Miguel naman pwede ba ayusin na natin 'to, paulit ulit lang tayo, ilang isang buwan nalang mahigit magkakahiwalay hiwalay na tayo sana naman maging okay na tayo."

"Bakit? Aalis ka ba?"

"Oo eh, dapat nga secret lang ayoko naman kasing pilitin niyo pa ako final kasi lahat parents ko na nag decide"

"Tsss"

"Bakit?"

"Wala ba talaga akong pag asa sayo???"

"Pasensya na..."

"Okay okay 'wag mo na ituloy baka matuluyan na ako dito mag celebrate ka pa"

"Miguel!"

"Okay na siguro 'yun noh matuluyan ako dito para hindi na ako araw araw pang masaktan"

"Alam mo natatawa ako sa'yo, ang drama mo"

"Okay lang tawanan mo ako, ganyan ka naman eh"

"Hoy baliw tama na nga!!! Para ka ng sira"

"Nababaliw na nga ako sa'yo eh"

"Mmm masama 'yan kaya nga itigil mo na"

"Medyo sumasakit 'yung leeg ko"

"Ha??? Sandali tawag ako ng nurse"

"Tsss!!! 'Wag na kiss mo nalang ako"

"Miguel!!!"

"Sige na, walang malisya, sabi mo friends tayo 'di ba??? Kiss lang 'di pa maibigay"

"Walang malice??? Sure ka baka sabihin mo inaano nanaman kita"

"Hindi nga sige na"

Pinagbigyan ko naman na ito dahil sa tingin ko nasa tamang pagiisip na siya. Mabuti naman at naging malinaw na sa kanya ang lahat. Wala na akong hihilingin pa, kung aalis man ako sa lugar na 'to, aalis ako nang masaya dala ang mga masasayang ala ala.

Hindi rin namin naitago ang lahat sa magulang ni Miguel dahil nalaman rin nila mismo ang nangyari sa kanya. Hindi naman kinagalitan si Lucy ng parents ni Miguel, si Miguel pa nga ang pinaulanan ng sermon, ang tigas kasi ng ulo eh hindi naman kayang magtagal sa inuman, nagpaka cool pa ang mokong.

Lumipas ang ilang araw at nakalabas na ng ospital si Miguel, mabilis ang naging recovery niya mabuti naman nang hindi malate ang grades niya at magkaproblema pa. Ang sikreto ko namang pag alis ay hindi rin naman nagtagal, si Miguel kasi sobrang daldal nakarating pa kila Lucy tuloy ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil panay ang kumbinsi nila sa aking manatili na lamang. Gustuhin ko man pero talagang final na ang desisyon ng mga magulang ko, isa pa mabuti narin ang magtapos sa kilalang unibersidad. Bilang kapalit nang pag alis ko ay pinilit na lamang nila akong sumama sa prom, tutal naman ay nalalabi nalang ang nga araw na magkakasama kami ay huwag na lamang daw akong maging kj.

Announcement: Walang Forever [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon