Sa dinamidami ng umiibig sa mundong ito mayroon at mayroon kang makikilang kill joy pagdating sa pagibig. Self- proclaimed bitter at anti-love pero 'yung totoo, Bitter ba sila dahil nasaktan ka? O bitter sila dahil never silang naligawan?, paano kun...
Lunes na!!! Rise and shine AC mahaba haba ang araw mo ngayon. Ngayon na rin ang start ng tutorial sessions namin ni Jayvee. Inihanda ko na ang aking mga gamit kagabi pa lamang. Nakapagpaalam na rin ako kay mama na baka abutin ako ng gabi. Pinayagan naman nila ako siyempre, para sa grades naman ito. Nagmamadali na akong pumasok sa school. Hindi pa ako naging energetic tulad ngayon sa tala ng buhay ko. Yes g na g ako in millennial's term.
Tulad ng dati ay ako nanaman ang nauna sa loob ng aming room. Nagsidatingan narin ang mga iba ko pang kaklase kasama na si Miguel. "Good morning", bati sa akin ni Miguel. "Uy Miguel siya nga pala salamat huh, though hindi naman talaga siya public apology pero salamat parin sa support". Lumapit sa akin si Miguel at naupo sa aking tabi. Ngumiti siya na animo'y nakatulong sa pagresolba sa krisis ng ekonomiya. "Ala 'yun, teka lang sino ba 'yun?", tanong nito sa akin. Dahil tapos naman na siguro okay naring sabihin ko sa kanya. "Si Jayvee, alam mo lumuhod pa ako sa kanya pero buti nalang talaga nagwork, tapos man of few words pala siya kinurot ba naman ako sa pisnge, siguro ganti niya sa nagawa ko", mahabang kuwento ko sa kanya. Naparami ata daldal ko ngayon ah pero okay lang siguro feeling ko handa namang makinig si Miguel. "Ah ganon ba?", tipid nitong sagot habang pansin kong napabusangot ang kanyang mukha. Ano problema nito?
"Huy! Okay ka lang?"
"Huh? Oo naman bakit?"
"Nakabusangot mukha mo oh, alam mo ngayon ko lang gagawin 'to...(hinawakn ko ang pisngi niya at pinilit ipangiti), ayan!!! Smileee!!!"
"Okay na ba?", ngiti nito na halos labas buong ngipin.
"Sige ba, kaya mo hanggang mamaya?"
"Joke lang, ahhhmmmm...."
"Bakit?"
"Next time huwag kang luluhod basta basta sa iba lalong lalo na sa lalaki"
"Huh? Bakit? Okay lang ano ba kasalanan ko naman eh buti nga tinanggap niya no."
"Kahit na, basta huwag mo na ulitin huh?"
"Oo na diyan para ka namang officer ng commission on human rights diyan, thanks sa concern."
"Good, masunurin ka talaga."
"Depende noh, sa'yo...hmmmm. Puwede na"
"Puwedeng ano?"
"Puwedeng pagkatiwalaan kasi parang mabuti kang bestfriend"
"Talaga ba? Sige na nga maniniwala na ako, pansin ko rin ikaw lang madalas kumausap sa akin kahit feel ko magpaka loner tapos araw araw, oras oras mag greet with matching quotable quotes."
"Ayaw mo ba?"
"Gusto, binabasa ko kaya hindi ko dini-delete"
Marami kaming napagusapan ni Miguel, ngayon ko lamang naranasan 'to, 'yung maging madaldal kasi all these years focus lang ako sa acads at minsan nakakalimot na akong makipag socialize. Mas mabait pa pala siya sa inaasahan ko buti nalang talaga naging kaklase ko siya. Di nagtagal ay dumating narin ang aming guro at bumalik na sa kanyang puwesto si Miguel. Tinatanaw ko ang upuan ni Jayvee ngunit wala parin siya. Narito na ang mga barkada niya pero walang nakaupo sa kanyang puwesto. Ano nangyare dun? Hindi naman siguro lalabag sa usapan, maayos naman naging plano namin. Napansin kong may iniabot ang isa sa mga barkada niya sa aming guro. "Ano 'yun?", panguusisa kong tanong sa aking katabi. "Excuse letter siguro, dinig ko kasi kanina may sakit daw si Jayvee karma niya na siguro dahil sa pagkbatugan niya". Grabe naman itong isang to, nakikita ko tuloy sarili ko sa pagka-malevolent niya. Pasimple kong inilabas ang cellphone ko para itext siya upang kumustahin.
Pupuntahan ko ba siya? Kaso hindi ko alam bahay niya. Madaling lumipas ang araw, patong patong na sulatin ang ginawa namin. Naisip kong baka mahirapang humabol si Jayvee lalo na't patong patong din ang discussions. Mas lalo kaming mahihirapan sa tutorial niyan. Napagdesisyunan kong puntahan na lamang siya sa kanilang bahay para sulatan ng lectures nang makabawas bawas man lang sa hahabulin niya. Nagaabang na ako ng masasakyan sa labasan. "AC! Hatid na kita", yaya sa akin ni Miguel sakay ng kanyang motorsiklo. "Hindi na salamat nalang, may pupuntahan pa ako eh.", paliwanag ko sa kanya, wala narin siyang nagawa kaya umalis na.
Kabisado ko na ang pupuntahan ko, hindi naman ako maliligaw dahil kilala naman siguro sila sa lugar nila. Madali lang ang aking naging biyahe, ang lapit lang pala kumpara sa amin ang bahay nila Jayvee pero ba't laging late parin 'yun? Ipinagtanungan ko sa guard ng subdivision ang bahay nila Jayvee at agad naman akong binigyan ng direksyon. Napakalaki pala ng bahay nila, siguro times four ng sa amin. Mas lalo akong nangliit sa sarili ko, kung makasabi ako sa kanya ng walang kinabukasan eh sa bahay palang nila mukhang kahit 'di siya magaral eh kakayanin niya parin mag survive. Nagdoorbell na ako at pintuloy 'din akong kanilang kasambahay. "Tumaas na lamang po kayo tapos kumanan doon po kuwarto niya, pasensya na po eh magluluto pa po ako eh", turo sa akin ni manang. "Salamat po", sagot ko sa kanya.
Talaga nga namang malaki ang bahay nila Jayvee pero pansin ko wala halos katao tao dito, wala ba siyang kapatid? Asan ang mama niya? Nasa work din? Iba talaga 'pag sobrang yaman masyadong busy sa pagtatrabaho. Pumanhik na ako sa kanilang hagdan habang inililibot ang mata ko. Hindi ko mapigilang mamangha, hindi naman ako ignorante pero ibang klase talaga bahay nila parang Malacañang sa laki at ganda. Naglakad ako habang nakatitig sa chandelier na nakasabit sa itaas nang bigla akong may mabunggo dahilan para mapaatras "Oh shocks!!! Sorry po, sorry po", nakayukong agad kong paumanhin, naku naman napaka clumsy ko talaga kahit kailan. Untinunti kong inilongon ang aking mata sa taong nasa harap ko. Isang lalaking pamilyar at...shirtless!!! Naiilang ako sa kinatatayuan ko, hindi lang ako sanay na may nakahubad sa harap ko kahit ang papa ko hindi ko sanay makitang shirtless. "Sabi ko na sa'yo tumingin ka sa nilalakaran mo", pagputol nito sa katahimikan. Tama!!! Si kuyang tumulong sa akin nung nadapa ako sa hallway. Kaano ano niya si Jayvee??? Kapatid??? Siguro nga pareho silang mukhang bad boy eh in a nice way oh ayan na, hindi na ako harsh magsalita.
"Si Jayvee ba? Pasok ka diyan!", pabalang nitong utos sa akin. Ayyy...kapatid nga niya siguro. "Sunget mo naman po kuya", bulong ko habang tinutungo ko ang kuwarto ni Jayvee. "May sinasabi ka???", narinig niya ata ako, ang lakas naman ng pandinig niya. Kumaripas na lamang ako ng lakad papasok ng kuwarto ni Jayvee. "Hooo!!! Grabe naman 'yun", bulong ko habang nakasandal sa pinto ng kuwarto ni Jayvee.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.